Nangangalay ang kamay ko at ang buong katawan ko kaya nagising ako. Agad na kumunot ang noo ko nang bigla kong nalaman na nakahiga ako sa isang kama. Hindi ko alam kung nasaan ako at hindi rin ako pamilyar sa itsura ng kwartong ito. Ako lang ang mag-isa at wala ding kahit na ano sa loob. Wala ring bintana at isang pinto lang ang nakikita ko. Agad akong bumangon at agad na sinilip kung may damit pa ako dahil hindi ko maalala ang nangyari kagabi. Masakit pa rin ang ulo ko at halos nahihilo pa rin ako. Nakahinga ako nang maluwag nang mapag tanto ko na wala namang nawala sa akin. Kompleto naman ang damit ko at mukhang walang ginalaw sa akin. Tinanggal ko ang kumot na nakabalot sa katawan ko saka tumayo para buksan ang pinto pero naka lock ito. Bigla na naman akong kinabahan at nagsimul

