“Thank you. Hindi mo naman dapat talaga ginawa ‘yon, pero nagpapasalamat pa rin ako. Nag-enjoy ako kahit papaano.” Ngumiti ako kay Franco nang makalabas kami sa mula sa loob ng restobar. Medyo nahihilo na rin kahit hindi naman talaga ako uminom. Ewan ko ba, baka dahil lang ‘to sa pagod. Nitong mga nakaraang araw kasi, panay na lang ang trabaho ko. Hindi ko naman kasi pwedeng ipagpaliban ang mga gagawin ko. “Thanks for accompanying me. Nag-enjoy din naman ako, kahit papaano. Ihahatid na kita,” sabi niya habang naka pamulsa pa. Ang dami niyang nainom pero parang hindi man lang siya nalasing. “Hindi na, okay lang ako. Mag enjoy ka na lang diyan sa loob. Kailangan ko na rin matulog dahil maaga pa ang pasok ko bukas,” sagot ko sa kaniya habang inaayos ang laman ng bag ko. Nag double che

