“Trish, gumising ka na. Nandito na ‘yung pinabili mo.” Nagising ako sa mahinang tapik sa akin. Nangangawit ang katawan ko at nang imulat ko ang mga mata ko, nakita si Aizen sa tabi ko na nakatayo at hawak ang supot na dala niya. Marahan akong tumayo at inalalayan niya ako. Parang wala pa ako sa sarili nang tumayo ako. Basang basa pa siya at mukhang kakarating niya lang. Bigla akong bumalik sa katinuan nang makita ang mga tauhan niyang basa na rin ng ulan. “A-anong nangyari? Bakit ka bumalik ka agad eh alam mo namang may bagyo?” tanong ko sa kaniya saka hinawi ang buhok niyang nakaharang sa mga mata niya. Ganitong ganito ang sitwasyon niya nang una ko siyang makita. Parang basang sisiw na walang masilungan. Akmang tatayo na ako nang bigla na lang niya akong pinigilan at hinawakan ni

