Matapos ko magbihis at magpalit, kahit na masakit ang puson ko ay sinikap ko pa rin an puntahan si Aizen para malaman kung maayos lang ba ang lagay niya. Hindi nakasara ang pinto niya kaya napasilip ako at nakitang naka upo lang siya habang nakatingin sa sahig. Maya maya pa ay bigla siyang umubo. Ilang sandali ko muna siyang tinitigan bago ako kumatok at pumunta sa kaniya. “Okay ka lang ba? Okay ka na ba?” tanong ko sa kaniya na siya namang lumingon sa akin. Medyo lumiit yung mga mata niya, nang makita ko siyang tumingin sa akin at nanghihina. Agad akong kinabahan at agad siyang nilapitan para ilapat sa noo niya ang kamay ko. Para na rin masigurado na okay nga siya at walang lagnat. “Nilalagnat ka na naman! Ang init mo! Sabi ko naman kasi sayo ‘wag na kayong tumuloy eh! Ang

