CHAPTER 13

1020 Words

“Uy! Pauwi ka na?” halos mapatalon ako sa gulat nang bigla na lang dumating ang kasamahan ko sa trabaho. Nasa banyo ako at nakaharap sa salamin. Hindi pa rin ako mapakali at hindi mawala sa utak ko ang narinig ko. Sayang lang talaga at hindi ko nakita ang mukha nung lalaking nagsasalita kanina. Pagkahatid kasi namin ng order nila, ay wala ‘yung lalaki dahil may biglang tumawag kaya hindi ko siya nakita.  “Ah oo. Tapos na rin ‘yung oras ko eh. Nakapag over time na rin ako.” Paliwanag ko saka ngumiti kay Ana.  Naghuhugas siya ng kamay pero nakatingin siya sa akin sa repleksyon ng salamin.  “Gano’n ba? Mag-ingat ka! Buti ka pa nakapag over time. Ako nga late pa,” suminangot ang mukha niya at tila ba nanghihinayang dahil sa mga oras na nasayang.  Matapos namin mag usap ay agad kong nilagay

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD