Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya at nang ilapat ko ang kamay ko sa noo niya ay sobrang init ng katawan niya. Ang taas ng lagnat niya at nanginginig ang kamay niya. Malaking tao si Aizen kaya hindi ko siya kayang buhatin. Mabuti na lang at kahit papaano ay tinulungan niya ang sarili niyang makabangon. Inalalayan ko siyang maglakad pabalik sa loob ng bahay. Base kasi sa mga nakikita ko, parang isang malawak na lupain ang nasa paligid. Umuulan pa naman ng malakas at mukhang may bagyo pa sa lakas ng hangin. Habang naglalakad kami, pagewang gewang kaming dalawa sa bigat ng katawan niya. Bukod sa matangkad siya ay malaki talaga ang katawan niya dahil sa mga muscles niya. Mukhang nag wowork out siya kaya kahit sino ay matatakot sa kaniya. Idagdag mo pa ‘tong mga tattoo niya sa katawan

