Napahalukipkip si Anina at tila hindi makapaniwala sa mga nangyayari ngayon. Nakaluhod si Isagani sa harapan niya, nakanood ka kanila ang daan-daang tao na taga Isla Catalina na naririto ngayon sa covered court. Napatingin siya sa mga magulang niya. Halatang walang ni isang bahid ng pagkagulat at patatanong ang mga mata nito. May alam ba sila dito? Aniya sa isipan. Hindi niya mapigilang maluha na lang. “Teke teka. Ito ba talaga ang question ko? Isagani naman, e.” naiiyak na sagot niya. “Hindi ka pang-girlfriend lang, Anina. Dapat sa ‘yo, ginagawang Suitz. Please, say yes, and you will forever be mine from now on.” Napabuga ng hangin si Anina. Sobra-sobra yatang excitement at tensyon ang nararamdaman niya. Akala ko ba, pageant itong pinuntahan ko? Bakit may kasamang proposal? Tumingin m

