bc

ISLA CATALINA SERIES: 1 CHASING ISAGANI SUITZ (SPG)

book_age18+
7.6K
FOLLOW
64.0K
READ
arrogant
drama
sweet
heavy
bold
ambitious
female lead
male lead
realistic earth
intersex
like
intro-logo
Blurb

BLURB:

ANG Isla Catalina ay nahahati sa tatlo. Ang station one ay pag-aari ng mga Suitz—sagana sa natural na yaman tulad ng mga yamang dagat. Ang station two naman ay pag-aari ng mga Pedroso—hitik sa perlas ang kailaliman nito at ang pangatlong estasyon ay pag-aari ng mga Donnebrink—the part with the best view dahil mayroon itong wave rock formation. Tatlong makapangyarihang angkan sa Isla Catalina. Tatlong angkang may malakas at matibay na kuneksyon sa isa't-isa. Bawat estasyon ay may kanya-kanyang kakaibang katangian at yaman.

Isinilang na walang ginintuang kutsara sa bibig si Anina Montes kaya't gan'on na lang kahirap para sa kanya ang abutin ang kanyang mga pangarap lalo na ang maging isang sikat na designer. Bukod sa pangarap niyang iyan ay pangarap rin nitong kahit isang segundo ay masulyapan siya ni Isagani Suitz. Alam ng dalaga na kahit kumain pa siya ng buhangin at ipantulak ang tubig dagat ay hindi nito makukuha ang atensyon ng binata. Pero isang araw ay tila nagbago ang ihip ng hangin dahil sa isang aksidenteng naging maganda ang epekto sa kanyang pangangarap kay Isagani. Umaga noon nang naglayag ang ama ni Anina, sa lakas ng alon ay tumaob ang bangkang sakay ang dalaga at ang ama nito. Mabuti na lamang at napadaan noong araw ang grupo ni Isagani Suitz na magsa-sight seeing sana kasama ng isang investor. Imbis na tumawag ng life guard ay mismong si Isagani at ang mga body guards nito ang lumukso sa dagat upang sagipin ang mag-ama. Sa mga sandaling iyong nasa bisig ni Isagani ang dalagang si Anina ay pakiramdam nito'y natupad na ang kanyang pangarap dahil hindi lang sulyap ang naibigay ni Isagani sa kanya. He even risked his life for her.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
“Sir, I received a call from Mr. Suarez, he'll be coming this week to meet you," magalang na wika ng personal body guard ni Isagani na si Wade. Tumango-tango si Isagani bago hinigop ang kanyang mainit na kape. Kasalukuyan siyang nasa rest house ng kanilang pamilya sa Isla Catalina. Umagang-umaga pa ay magandang balita na agad ang bungad sa kanya. Hindi nito mapigilang ngumiti. Excited na kasi itong i-close ang deal kay Mr. Suarez since he's planning to invest at Isla Catalina and Isagani will make sure that it's going to be a yes. “Thanks, Wade. You can leave now,” utos nito sa kanyang body guard. Tanaw mula sa terrace kung saan naroroon si Isagani ang dalampasigan ng Isla. Tanging hampas ng alon at huni ng mga ibon ang iyong maririnig. Amoy na amoy mo ang samyo ng hangin ng napakagandang islang ito. Puting-puti at pinong-pino ang buhangin. Isagani's family owns the largest fishing factory in the Philippines at ang isa sa pinakamalaking factory nila ay based sa Isla Catalina. Sagana kasi sa lamang dagat ang karagatan nito lalo na sa station one kung saan pagmamay-ari ng mga Suitz. Maya-maya pa'y isang katok mula sa pintuan ang nakapagpatingin kay Isagani sa direksyon nito. “What?” malamig na tanong nito. “Someone sent you a lunch box...again,” sagot ni Wade sabay bukas ng pintuan. “Who the hell would give me a damn lunch box for the eleventh time around?” Naniningkit ang kanyang mga mata na nilingon si Wade. “I mean, a lunch, yeah. Basically it's a lunchbox with of course, a lunch inside” sarkastikong sagot ni Wade sa kanya. “Throw it away,” malamig na sagot naman sa kanya ni Isagani. “Throw? How can someone throw a blessing for the eleventh time around?” iiling-iling nitong sagot kay Isagani. Isagani just smirked at Wade. “There's a note...again!” namamangha pang wika ni Wade na tila ngayon lang nakakita ng note na iniwan sa lunch box. “Hell, yeah. I'm not interested. Keep it or throw it,” tanging nasabi ni Isagani bago hinigop ang natirang kape niya. He threw himself into his bed nang nakadapa. “You don't know what you are wasting, Sir. The food is delicious. It tastes like home,” pag-iinggit pa nito kay Isagani. Mula kasi noong may nagpapadala sa kanya ng pagkain ay tinitikman muna iyon ni Wade bago niya itapon. Siya kasi ang nahihiya sa nagbibigay n'on, hindi man lang na-a-appreciate ang effort ng nagbigay kaya kahit papaano ay tinitikman niya ito. Dinikit na lamang ni Wade ang sticky note na iyon sa maliit na board sa kwarto ni Isagani. Pang labing-isa na 'yon. Wade is his best friend. Average lang ang status sa buhay, guwapo, matipuno, at magaling ito sa pakikipaglaban. Kaya nga siya hinire ni Isagani dahil alam nitong mapagkakatiwalaan ang kaibigan at hindi madali ang magbigay ng tiwala sa panahon ngayon. Walang interes si Isagani sa ano mang bagay na may kuneksyon sa babae. Matagal na panahon na nitong halos isumpa ang mga kababaihan dahil sa pang-iiwan sa kanya ng kanyang dating nobya. Iniwan siya nito para sa pangarap. Hindi iyon matanggap ng binata gayong basta-basta lamang siya iniwan nito at hindi na kailanman bumalik pa. Pupuwede naman kasing suportahan siya ni Isagani sa kanyang pangarap nang hindi sila naghihiwalay, but the girl chose to break his heart. She was his first love. Ngayon, hindi na alam ni Isagani kung magmamahal pa siyang muli. Ayaw na nitong umibig pa. He invested so much to her first love. Buhos ang pagmamahal at pag-aalaga pero nauwi pa rin sa wala. Para saan pang magmamahal muli kung pagkatapos ninyong bumuo ng isang masayang samahan, nag-plano ng buhay ng magkasama, at pagkatapos makilala ang isa't isa ay mauuwi pa rin sa paghihiwalay? Sayang lang ang mga taong ginugol ninyo sa taong hindi ninyo alam kung para sa inyo talaga. Iyan ang paniniwala ni Isagani. Sa trabaho na lamang ginugugol ni Isagani ang kanyang oras. Hindi katulad ng ibang lalaking nambababae, nagbibisyo, at naghihiganti pagkatapos ng isang masakit na hiwalayan. He still respect his ex so much. Kahit papaano kasi ay mahaba at maganda ang naging pagsasama nila. Gayunpaman, hindi na nito madaling mababali ang paglalayo ng kanyang sarili sa mga kababaihang nagkakandarapa sa kanya at halos maglupasay na para mapansin lang ng binata. Tulad na lamang ni Anina Montes. ISANG umaga, maagang nagising ang mag-amang Anina at Mang Antonyo. Balak kasi nilang pumalaot. Dito lamang kasi nila kinukuha ang kanilang pang-araw-araw na kinakain. Payak lamang ang buhay nila sa Isla pero kung may isang bagay silang ipinagpapasalamat, iyon ay dahil buo ang kanilang pamilya. “Itay, nagpaalam na po ako kay Inay, ha. Baka sabihin ninyo na namang hindi ako nagpaalam, eh,” wika ni Anina habang inaabot ang lambat sa kanyang ama na gagamitin nila sa pangingisda. “Oo na. Sabi ko naman kasi sa'yo, h'wag ka nang sumama. Wala ka namang ibang ginawa kung hindi magpantasya kay Isagani habang nasa laot tayo, eh,” pang-aasar pa ng ama nito. Sa kanyang edad ay halos magkaibigan lang ang trato ng dalawa dahil sa sobrang close nila sa isa't isa. “Itay naman, eh. H'wag mo nga akong binubuking,” natatawang sagot nito sa kanyang ama bago sumampa sa bangka. Habang nasa laot ay nagsalita ang kanyang ama. "Tinanggap naman ba ni Isagani ang pinagbalot mong tanghalian sa kanya?" usisa ng kanyang ama. Nagkibit-balikat na lamang si Anina. Hindi naman kasi nito alam. Umaasa na lamang itong kahit man lang tanggapin iyon ni Isagani, kahit hindi na niya kainin basta't h'wag niya lang itatapon. “Hindi ko rin alam, Tay, e. Basta, iniabot ko na iyon sa personal body guard niya. Sana naman ay makarating kay Isagani, nag-iwan naman ako ng note, e." Bakas ang pagbabakasakali sa mga sinabing iyon ni Anina. Napabuntong-hininga na lamang si Mang Antonyo. Ayaw nitong nakikitang malungkot ang kanyang anak, lalo na't nag-iisa lang ito. “Pang-ilang tanghalian mo na ba iyong ibinigay sa kanya?" tanong muli ng kanyang ama. “Pang labing-isa na po, e." Napakamot sa ulo si Anina. Maya-maya pa ay bigla na lamang silang hinampas ng malalaking alon kaya't napakapit ng husto ang dalaga samantalang ang ama nito ay natataranta na. Ilang beses nang muntik tumaob ang kanilang bangka. Mabuti na lang at may dumaang isang grupo ng kalalakihan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

His Obsession

read
75.2K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
20.3K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook