“Sir! Can you see what I'm seeing?” nakakunot-noong sabi ni Wade habang naniningkit ang kanyang mga matang tinitingnan mabuti kung tama ba ang kanyang nakikita.
Napatingin naman ang kanilang mga kasamahan at ang investor na si Mr. Suarez dahil doon.
“Start the pamboat! Bilis!” utos ni Isagani at mabilis silang tumakbo papuntang pamboat na nakatali sa dalampasigan. Wade untied it and started it.
“Mr. Suarez, please. If you would excuse us," pagpapaalam nito kay Mr. Suarez.
“Sure! No problem, just go ahead,” sagot naman nito kaya't agad rin na tinakbo ni Isagani ang direksyon ng pamboat nila para i-rescue ang mag-amang Anina at Antonyo.
Malaki ang pamboat na iyon kaya't kakayanin nito ang malalaking hampas ng alon. Patuloy lang na hinahampas ng malalaking alon ang mag-ama kaya't mas lalo nilang hinigpitan ang kapit sa tumaob nilang bangka.
“Anina, anak! H'wag na h'wag kang bibitaw riyan!”
Umubo-ubo si Anina dahil sa nainom nitong tubig-dagat. Hindi na rin niya kaya ang lakas ng along humahampas sa kanyang ulo at katawan.
“T-Tay!” naiiyak nitong sagot.
Maya-maya pa ay nakarinig na sila ng tunog mula sa makina ng pamboat na sinasakyan nina Isagani. Hindi naman ito makapaniwala sa kanyang nakikita. Sa wakas ay maliligtas na sila.
“T-tulong! T-tulungan n'yo k-kami!” uutal-utal na sambit ni Anina. Patuloy pa rin ang paghagupit ng malalakas na alon at hindi na niya kakayanin pang kumapit.
“Wade! Come near them! Boys, try to reach their hands!" komando nito sa kanyang mga body guards.
They tried, pero hindi nila kayang abutin ang kamay ng dalawa lalo na't kapag hahampas na naman ang malakas na alon.
“Sh*t! Throw something! A-a rope! Get the rope!” natataranta na utos ni Isagani sa mga kasama.
Sinunod naman ito ni Wade. He attached a throw bag to the rope at itinapon iyon sa direksyon nila Anina at ng ama niya.
Nang maihagis iyon ni Wade ay buong lakas iyong inabot ni Mang Antonyo. Pagkatapos ay inakay ang anak na si Anina upang kumapit rin dito. Nanghihina naman nitong iniabot ang tali pero nabitawan ito ng dalaga.
“T-tulong!” daing at sigaw nito.
“Anak!" mangiyak-ngiyak na tawag ng kanyang ama na si Mang Antonyo.
Nanlaki ang mga mata ni Isagani sa tagpong iyon. Sa kaba niyay hinubad niya ang kanyang slacks at pang-itaas upang lumangoy patungo sa direksyon ni Anina.
“Sir! Stop!” pigil ni Wade sa kanya. Hindi nito maatim na ang kanyang kaibigan s***h boss pa mismo ang tatalon at ilalagay ang kanyang buhay sa alanganin para masagip ang babaeng hindi naman niya kilala.
“Trust me," tipid nitong sagot saka lumukso sa tubig.
Isagani swam towards Anina na ngayon ay pinipilit na nilalabanan ang mga hampas ng alon. She knows how to swim, pero masyadong malakas at malaki ang mga alon at hindi niya iyon kakayanin.
Saka hinila ng mga body guards ni Isagani ang ama ni Anina. Medyo may kabigatan lalo pa't tila hinihigop siya ng dagat kaya't mabuti na lamang at madaming body guards si Isagani para tumulong sa kanya.
Nang maabot ni Isagani ang dalaga ay agad niyang inangkla ang kanyang kamay sa may bandang tyan ng dalaga.
Nanghihinang napakurap-kurap pa si Anina na nakatitig kay Isagani. Hindi ito makapaniwalang nasa bisig siya ng binata ng mga oras na iyon. Sa sobrang lakas ng t***k ng kanyang puso ay parang gusto na lamang nitong magpaanod muli sa malalakas na alon.
Hinagisan rin sila ng tali ni Wade kaya't mas napabilis ang pagsampa nila sa pamboat. Dahan-dahan inilapag ni Isagani si Anina na hapong-hapo sa oras na 'yon. Maging si Isagani ay hinahabol rin ang kanyang hininga.
“Sir, I could've done that. Hindi mo dapat nilalagay sa alanganin ang buhay mo,” pangangaral ni Wade sa kanya.
Binalingan naman ng tingin ni Wade si Anina at tila nakikilala niya ito.
“Teka, hindi ba't ikaw 'yung—” Hindi pa ito natatapos sa kanyang sasabihin ay mabilis na tinakpan ni Anina ang kanyang bibig na siyang ikinagulat ng ibang mga body guards.
“Tahimik!” bulong nito sa tenga ni Wade habang takip pa rin ng dalaga ang bunganga nito.
Tumango na lamang si Wade upang makawala na ang kanyang bibig sa mga palad ni Anina na noon ay maalat-alat pa dahil sa tubig-dagat.
Hindi na sinagot ni Isagani si Wade
bagkus kinuha nito ang kanyang damit.
Nakatitig lamang sa kanya si Anina. Sa loob nito ay gusto niyang magpasalamat
pero tila na-trauma pa siya sa nangyari kaya't hindi pa niya kayang magsalita. Takot, kaba, at kilig ang nararamdaman niya ng mga oras na iyon.
“Sir Isagani, maraming salamat po sa pagliligtas sa buhay namin ng anak ko. Utang na loob po namin ang pangalawang buhay namin sa inyo,” pagpapasalamat ni Mang Antonyo.
“Next time, h'wag na kayong pumalaot kung alam n'yong hindi kakayanin ng bangka ninyo," pangaral ni Isagani.
Nilamig namang bigla si Anina kaya't nanginig ito ng bahagya. Binalingan siya ng tingin ni Isagani saka inabot sa kanya ang pang-itaas nitong damit na hinubad kanina.
Nagtataka pa siyang tiningnan ng dalaga.
“Wear it,” utos nito bago tuluyang pumasok sa loob ng pamboat. Nanginginig pa ang kanyang mga palad ng abutin niya iyon mula kay Isagani. Napakagat-labi na lamang ito sa kanyang nararamdaman. Sign na nga kaya ito?
Sa sumunod na mga araw, dahil sa kakatapos lang ng successful na deal nila kay Mr. Suarez ay maganda ang naging mood ni Isagani. Bigla nitong naalala ang tagpo kamakailan lang habang ito'y nakaupo sa kanyang swivel chair.
He didn't know na mayroong gan'on kagandang babae dito sa Isla nila. Anak pa ng isang mangingisda?
Napailing-iling si Isagani nang isipin niya 'yon. He'll never be interested to anyone again. Even to that beautiful face. Looks could be deceiving.
“Wade, paki-background check nga ang mag-amang iyon,” utos nito kay Wade na noon ay nakatayo sa kanyang gilid.
“Sure, sir,” magalang nitong sagot.
“Bakit tila naging interesado kayo sa mag-ama?” pag-uusisa pa ni Wade.
“Could you please stop being nosy, Wade?” masungit na sagot nito.
Sarkastikong ngumiti na lamang si Wade saka nanahimik.
“Anyway, may sasabihin pala ako sa'yo,” seryosong pagkakasabi ni Wade.
Binalingan naman siya ng tingin ni Isagani bago ito sumagot. "Spill it,” anito kay Wade.
“That girl na sinagip mo kanina...” Panimula nito kaso bigla niyang naalala ang mga sinabi ni Anina kanina. Pinatatahimik pala siya ng dalaga.
“Oh, I forgot. 'Wag na lang pala,” natatawang sabi nito na siyang nakapag-painit naman ng ulo ni Isagani.
“What the hell, Wade?! Would you mind if I throw you out?" pagbabanta nito kay Wade.
“Sure, basta labanan mo muna ako?” natatawang sagot ni Wade. Tila hinahamon nito si Isagani.
“Tsk,” tanging nasabi ni Isagani saka lumabas sa terrace upang magpahangin. Bukod sa masarap na hangin ay tanaw mula sa malayo ang ilang mga kabahayan sa baybayin ng Isla. May isang bahagi sa Isla na libre nilang pinatitirhan sa mga taong nakatira dito. Iyon siguro ang sikreto ng kanilang pagtatagumpay. Malapit kasi sila sa puso ng masa.