ISANG babaeng nakabistida ng pula ang nakatawag ng atensyon ni Isagani habang nagpapahangin ito sa labas. Hindi nga lang niya ito masyadong namukhaan dahil na rin sa medyo may kalayuan. Nangongolekta ito ng mga bato sa dalampasigan at tila nakikipaglaro pa sa alon.
“She's crazy,” bulalas nito sa kahanginan.
Napatingin sa kanyang gawi ang babae kaya't doon na niya ito namukhaan.
“It's h-her?” hindi siguradong wika nito sa sarili.
It's Anina. Kumaway-kaway pa ito kay Isagani at tila siguradong-sigurado talaga itong si Isagani ang kinakawayan niya. Marahil ay maging ang tindig ng binata alam na alam nito.
Maya-maya pa ay katok ang kanyang narinig na nanggaling sa pintuan. It's Wade—siya naman palagi.
“Come in, bastard,” asar nito.
Agad namang pumasok si Wade na may dala-dalang brown envelope.
“I got the information that you asked me to look for. Here,” wika ni Wade sabay abot ng envelope kay Isagani.
“Ang mag-amang iniligtas natin kahapon ay ang mag-amang sina Mang Antonyo at Anina. Mula sa mahirap na pamilya. Pangingisda ang kinabubuhay nila, kaya pala't gan'on na lamang nila pinilit na pumalaot kahit malakas ang alon. Iyon lang pala ang ikinabubuhay nila,” mahabang pagpapaliwanag ni Wade.
“Tell Mang Antonyo to come to my office tomorrow,” bilin ni Isagani kay Wade. Napaawang naman ang bibig ng poging si Wade sa tinurang iyon ni Isagani.
“For what reason?” nagtataka nitong tanong.
“I'm offering him a job,” maikling tugon nito.
Napangiti doon si Wade. Kahit kailan talaga itong si Isagani, malapit ang puso sa mga mahihirap.
“As for her daughter, Anina...” hindi pa man natatapos magsalita si Wade ay pinahinto na siya ni Isagani.
“I'm not interested,” matipid nitong sagot.
Napa-poker face na lamang si Wade sa naging tugon ni Isagani. Talagang wala na itong interes sa kababaihan. Iniisip nitong kailangan niyang umaksyon para sa kaibigan. Lalo pa't alam nitong si Anina ang araw-araw na nagpapadala ng pagkain kay Isagani. Iniisip nitong baka si Anina na ang isa sa mga susi para magbukas muli ang puso ng kanyang matalik na kaibigan.
“You sure, you aren't interested?” pag-uulit pa ni Wade.
“Sure ka na rin bang gusto mo pang magtrabaho sa'kin?” pagbabalik ni Isagani ng tanong.
Napakamot na lamang ng ulo si Wade.
“Syempre naman, Sir,” natatawa nitong sagot saka iniwan si Isagani.
AGAD namang tinungo ni Wade ang tahanan ng mga Montes upang ipabatid ang magandang balita.
“Tao po, magandang araw po!” bati nito sabay katok sa pintuan ng mag-anak.
“Sir Wade! Ano po ang inyong sadya?” tanong ng ama ni Isagani. Bigla namang lumabas ang asawa nitong si Aling Carmen.
“Tuloy po muna kayo, Sir!” alok nito.
“Hindi na po, mabilis lang naman po ang sasabihin ko.” Sa mga sinabing iyon ni Wade ay kinabahan ang mag-asawa. Iniisip nilang baka palalayasin na sila hindi man lang sila nakapaghanda.
“Palalayasin na po ba ninyo kami?" medyo natatakot na sabi ni Aling Carmen, hawak pa ang kanyang dibdib.
“Naku! Hindi po, ma'am. Narito po ako upang ipaalam sa inyo na si Sir Isagani po ay nag-aalok kay Mang Antonyo ng isang trabaho sa kanilang fish factory,” pagpapaliwanag nito.
Kuminang naman ang mga mata ng mag-asawa at halos hindi mabili ang mga ngiti nila sa labi.
“Talaga po?! Naku! Napakabait naman talaga ni Sir Isagani. Pagkatapos niya kaming iligtas ng anak ko ay bibigyan pa niya ako ng trabaho,” masayang sagot nito.
Nakipag-shakehands naman sa kanila si Wade bilang tanda ng malugod nilang pagtanggap kay Mang Nestor sa factory bago nito iniwan ang mag-asawa na tila hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.
“Mahal! Magta-trabaho na ako sa isang fish factory! Giginhawa na ang buhay natin!” masiglang sabi nito saka niyakap ng mahigpit na mahigpit ang asawang si Aling Carmen. Niyakap naman siya nito pabalik. Halos hindi na maalis pa ang mga ngiti sa labi ng mag-asawa.
“Anong kaguluhan ito?” tanong ng kakarating lamang na si Anina. Dala-dala nito ang mga bato at shells na pinulot niya kanina sa tabi ng dagat.
“Anak! May trabaho na ang tatay mo!” masayang sagot ni Aling Carmen.
“H-ho?! T-talaga?! Wow! Napakagaling naman ng tatay ko, o!” pagpupuri ni Anina sa ama habang pumapalakpak.
"Teka, teka. Saan ho ba kayo nag-apply? Parang hindi ko naman alam na naghanap kayo ng trabaho, ah? Baka ilegal iyan, ha,” pagpapaalala ng kanyang unica hija.
“Wala ka bang tiwala sa akin? Inalok ako ng trabaho ni Sir Isagani! Alam mo ba, ang personal body guard niya mismo ang nagsadya sa akin dito,” tugon ng kanyang ama. Hindi pa rin matumbas-tumbasan ang ligayang nararamdaman nito.
Sa wakas ay magkakaroon na rin sila ng isang stable income.
Napangiti naman si Anina habang iniisip na napakabait naman talaga ni Isagani upang alukin ng trabaho ang tatay nito. Lalo tuloy nitong di mapigilan ang sarili na mahulog sa binata. Matagal na niya itong nagugustuhan at kahit alam niyang abot langit kung kanyang tingalain ang binata ay hindi siya tumigil sa pangangarap rito.
“Mas lalo tuloy akong nahuhulog kay Isagani," kagat-labi nitong wika.
Binatukan naman siya agad ng kanyang ina na si Aling Carmen. Umiral na naman kasi ang karupokan nito.
“Kahit kailan talaga! H'wag na h'wag mo lang kalilimutan ang bilin ko sa'yo, Anina. Kahit gaano pa kayaman ang mga iyan, h'wag na h'wag mong isusuko ang bataan!” bilin pa ni Aling Carmen sa kanya.
“Masyado mo namang pinapaasa ang anak natin, mahal. Ni hindi nga siya kilala ni Isagani, sa tingin mo ba ay magugustuhan nito ang anak natin?” pang-aasar pa ng ama ni Anina sa kanya.
“Itay! Sumosobra na kayo sa'kin, ha! Anak mo ba talaga ako?” nagtatampo pang sagot nito.
Natawa na lamang ang kanyang ama sa sagot ng dalaga. Kahit gan'on ay nais pa rin nitong maging masaya ang kanyang anak.
“Truth hurts, ika nga nila,” tugon ng kanyang ama bago tuluyang dumiretso sa kusina para maghanda ng tanghalian.
Napairap na lamang si Anina sa ama saka inilapag ang isang supot ng
makukulay na bato at mga shells sa mesa.
“Ano ba ang gagawin mo riyan, anak?” tanong ng ina nito sabay turo sa mga bato at shells na nasa mesa.
“Ang mga maliliit na shells ay gagawin kong bracelet, nay,” sagot naman ni Anina.
“E, anong gagawin mo sa mga makukulay na batong ito? Ang gaganda, ha.”
“Ipambabato ko po 'yan kay Isagani para makulayan ko ang mundo niya,” natatawang sagot ng dalaga sa kanyang ina.
Bahagya namang hinila ni Aling Carmen ang mahaba at itim na itim na buhok ni Anina.
“Aray naman, Nay!” pagrereklamo nito.
“Napaka harot mo talagang bata ka!” suway nito sa dalaga.
“Kanino pa ba ako magmamana?” pang-aasar niya rito bago tuluyang tumakbo papunta sa kanyang ama na nasa kusina. Alam kasi nitong hahabulin siya ni Aling Carmen at kukurutin sa singit dahil sa bunganga nitong pasmado.