Ngayon ang unang araw ng tatay ni Anina sa pagtatrabaho sa factory pero mas nauna pang nag-ayos si Anina kaysa sa tatay niya. As usual, nagsuot siya ng favorite niyang floral daster na hanggang tuhod ang haba at may spaghetti strap. Sinuklay-suklay niya ang kanyang buhok habang nakaharap sa malaki nilang salamin sa dingding ng kanilang bahay.
"Tay, 'wag mo akong kakalimutang banggitin ksy Isagani, ha." Pagpapaalala ni Anina sa tatay niya.
Agad naman na umusok ang ilong nito. "Ikaw ba ay gustong makurot sa singit ng nanay mo? Huwag ka na ngang magpapansin doon kay Sir at mataas ang standard no'n sa babae."
Napabusangot agad si Anina sa sagot ng tatay niya sa kanya. Hinarap niya ito habang nakapamewang pa. "Tay, ako na 'to, o. Ang napakaganda mong anak! Wala ka bang tiwala sa ganda ko? Kapag 'yang si Isagani talaga kinain lahat ng binibigay kong pagkain sa kanya, magpapa-party ako."
"Ano'ng party-party ang sinasabi mo riyan? Ni hindi nga tayo makabili ng bagong panty. Tigil-tigilan mo na nga ang pagpapantasya mo do'n, anak. Dahil kapag ikaw nasaktan. . ."
"E 'di ouch." Tatawa-tawang sagot ng dalaga na parang walang pakialam.
Para bang okay lang sa kanya kung sakali man na masaktan siya. At least sinubukan niya hindi ba? Iyon ang nasa isip niya. She will never know unless she try kaya walang masama kung lalakasan niya ang loob niya. Hindi siya susuko,
"Hindi ka naman mabiro, nay, e."
Sinuri siya ng tingin ng nanay niya mula ulo pababa. "O, bakit ikaw 'tong bihis na bihis? Bakit pulang pula 'yang labi mo? Dinaig mo pa ang tatay mong papasok sa trabaho. Papasok ka rin ba? Ha?"
Napatawa ng mahina ang tatay ni Anina. "Ewan ko ba dito sa anak natin, mukhang ayaw talaga na sumuko, e. Tingnan mo nga at nagbalot na naman siya ng pagkain sa lunch box. Hindi ko na mabilang kung pang-ilang beses niya iyang ginagawa. Nauubos na ang tupper ware natin dito sa bahay."
Napataas ng kilay ang nanay niya. "Kaya naman pa la at nagkakanda-wala ang mga tupper ware dito? Anina naman, iplastic mo na lang kaya 'yang binibigay mo kay Sir Isagani, e mukhang hindi naman niya kinakain, e."
Totoo iyon. Kahit kailan ay hindi pa kinakain ni Isagani ang alin man sa pinabibigay nito. Ewan niya ba at hindi niya pa rin kayang tumigil at umasa na isang araw, may pupuntahan rin itong pagpapapansin niya sa binata.
Kinapa niya ang bracelet sa bulsa ng kanyang daster. Gawa iyon sa mga shells na pinulot niya lang sa dalampasigan. Nilinis niya iyon at kinuskos ng mabuti para kumintab at gumanda. She made a bracelet out of it at balak niya itong ibigay kay Isagani kasama ng lunch box na ipadadala niya sa body guard nitong si Wade.
Nang handa na silang dalawa ng tatay niya ay humalik pa muna silang dalawa sa magkabilang pisngi ng ni aling Carmen bago sila kumaway-kaway habang paalis.
They have such a simple but a happy family. Sila lang tatlo ay sapat na kay Anina para sumaya, pero syempre, bonus na rin kapag napansin siya ni Isagani.
Halos mapunit na ang labi niya sa lapad ng ngiti nito hawak-hawak ang paper bag na naglalaman ng lunch box at bracelet na pinaghirapan niyang gawin para sa binata. It looks cute and aesthetic. Sinadya niya iyong gawing minimal lang ang design para pang lalaki ang dating. Umaasa siya na kahit man lang tanggapin iyon ni Isagani. Kahit hindi naniya suotin ayos lang sa kanya. Huwag lang nitong itapon dahil pagod at pawis ang pinuhunan niya para matapos lang iyon lalo na ang details na medyo mahirap gawin.
Sa labas ng lobby ng hotel ng resort ay nagkataon na na-timing-an ng dalaga ang papasok pa lamang na si Wade. Wala sa sarili siyang nagmamadali na tumakbo papunta sa kinaroroonan nito nang maabutan niya ito bago pa man ito pumasok sa loob ng hotel.
"Sir Wade!" sigaw niya habang hinihingal-hingal pa.
Mabilis na napalingon si Wade sa kinaroroonan ng boses. Napakunot-noo siya nang makita si Anina na habol-habol ang hininga nito. "Oh, Ms. Montes. Another lunch for Sir Isagani?" nakangisi at tila nang-aasar na sagot nito.
Medyo nahihiya na napakamot ng kanyang ulo ang dalaga. Ngayon lang yata siya tinablan ng hiya. Nakakahiya naman talaga ang ginagawa niya dahil siya itong gumagawa ng paraan para magpapansin kay Isagani kahit na nagmumukha na siyang desperada.
"A-Ah, oo e. Ingatan mo ito ha? May munting regalo kasi ako sa loob niyan. Sana magustohan niya."
Medyo hindi naging maganda ang pilit na ngiting ibnigay ni Wade sa dalaga. Siya itong nanghihinayang sa lahat ng effort ni Anina para kay Isagani dahil ni hindi man lang nito pinag-aaksayahan ng kahit katiting na oras niya ang mga binibigay ng dalaga.
"Gano'n ba." Sabay abot nito ng dalang paper bag ng dalaga. "Sige, sisiguraduhin kong makakarating ito kay Sir Isagani. Huwag kang mag-alala. Sana this time, ma-appreciate ba niya. Pasensya ka na, Ms. Montes. Hindi ko naman kasi siya pwedeng pilitin, e." Pagpapaliwanag ni Wade.
Mabait naman talaga si Wade at maaasahan sa lahat ng bagay. He is a gentleman. He was raised well and he came from a decent family.
"Thank you, Sir Wade," sagot na lang ni Anina saka alanganing ngumiti.
"Don't you want to roam around the hotel?"
Napataas ng kanyang noo si Anina. "P-Po? Naku, hindi na po. Ayos lang at baka makasira pa ako ng gamit diyan sa loob."
Wade chuckled slightly. "Don't be so hard on yourself, Ms. Montes. Baka lang naman gusto mong makita kung ano ang pinagkaka-busy-han ni Sir Isagani? Do you want me to tour you?"
Halos lumaki ang tenga ni Anina sa narnig niya. Talaga? Ito-tour niya 'ko? Napakurap-kurap siya at tila hindi makapaniwala.
"S-Sigurado po ba kayo, Sir? Baka naman madami kayong ginagawa at maging sagabal lang ako sa inyo."
"Well, hindi naman since hindi pa naman ako pinatatawag ni Sir Isagani. So, are you up?"
Napakagat-labi si Anina at pilit na nagpigil ng ngiti. Pero hindi talaga kaya, e. Kusa talagang kumurba ang mga labi niya para ngumiti. Naisip niya bigla na kapag pumayag siya, there are bigger chances na magtagpo ang landas nila ni Isagani. Hindi naman siguro masama ang pangarapin niya iyon, hindi ba?
"Huwag kang ngingiti nang ganyan. Baka mapagkamalan kang baliw," natatawang wika ni Wade.
"Baliw na nga talaga yata ako sa kanya," mahinang bulong ni Anina sapat lang para siya ang makarinig.
"May sinasabi ka ba, Ms. Montes?"
'Wala, Sir! Tara na! Excited na akong makita si Isagani--I mean, ang buong resort nina Isagani!"
Wade led the way. Una nilang pinasok ang hotel. Niliboy lang ni Anina ang kanyang paningin sa napakalaking entance ng hotel na iyon. Sobrang ganda. Mukhang mamahalin. Maski ang mga gamit ay kayang bilhin ang buong bahay nila. Hindi niya maiwasang mapanganga sa sobrang pagkamangha niya.
"Ms. Montes, you can close your lips while looking around. Baka mapasukan 'yan ng lamok." Suwa sa kanya ni Wade habang nakangisi.
Napatakip tuloy bigla si Anina sa kanyang mga labi. Sh*t nakakahiya naman. Aniya sa isipan. Bakit kasi mahirap ka pa sa daga, Anina? Ngayon lang siya nakakita ng ganito kagandang mga furnitures at mga babasaging gamit buong buhay niya. Kung nakakakita man siya, sa telebisyon lang kalimitan sa mga teleserye na napapanood niya.
"S-Sorry!"
"Idadaan ko lang saglit itong bigay mo sa office ni Sir Isagani, wait here at the lobby okay? Huwag na huwag kang aalis. Hintayin mo ako." Bilin sa kanya ni Wade bago ito naglakad papunta sa opisina ni Isagani.
Ilang minuto lang nang makaalis ito ay, kahit nagbilin naman siya sa dalaga, hindi napigilan ni Anina na igala ang sarili niya. She roamed herself around. She touched the wall. Napakakinis ng pagkakagawa niyon. Pulido at maganda rin ang pagkakapintura. Para siyang nasa kastilyo. Para siyang nananaginip.
She was about to turn her back when she suddenly bumped into a manly and firm chest. Parang dibdib ng lalaki. Napapikit pa siya ng mariin at dinama ang dibdib na iyon. Lalaki nga! Aniya sa isipan saka dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata.
Tuluyang nagtagpo ang mga mata nilang dalawa. The man looked at her while his eyebrows raises. He looks grumpy. Isa lang ang naramdaman ni Anina. Iyon ang halos kapusin na siya sa paghabol ng kanyang hininga dahil sa sobrang bilis ng t***k ng kanyang puso. Sa mga oras na 'yon na nasilayan niya muli ng harap-harapan ang mukha ng lalaking dalangin niyang mapansin siya.