Napataas agad ang makakapal na kilay ni Isagani nang makita ang isang babae na tila namamasyal sa loob ng hotel ng resort nila. Hindi naman ito mukhang bisita sa ayos nito dahil naka-sandals lang ito at daster. Nag-init agad ang ulo niya. Bukod sa katotohanan na late na nga siya sa umaga na 'to ay ito pa ang unang bubungad sa kanya ngayon? Hindi siya nag-aksaya ng kanyang oras na lapitan ang babae. Pero nang makalapit siya dito at isang hakbang na lang ang agwat nila sa isa't isa ay bigla na lang itong humarap.
Parehas silang nagulat sa isa't isa. Agad na namilog ang mga mata ni Isagani nang mamukhaan ang babae. His eyerbrows eventually met. "Ikaw?" tiim-bagang na tanong niya.
Sa gulat ng dalaga ay nasagi niya ang isang vase na nakapatong sa lamesa sa kanyang gilid.
Nanlaki ang mga mata ni Anina. Napa-puppy eyes na lang siya sabay kagat ng kanyang labi. Lagot. Ang likod ko kasi, e. Aniya sa isipan. Bigla tuloy sumakit ang ulo niya. Dagdagan pa ng mukha ni Isagani na tila lalamon ng buhay. Nanginginig ang mga kamay niya. Samahan pa ng panlalambot ng kanyang tuhod. Para siyang magco-collapse any moment.
Isagani locked her on the wall using his arms.
Kagat-kagat pa ni Anina ang labi niya habang sinusndan ito ng tingin.
"Who the hell told you to enter the hotel?"
Ramdam ni Anina ang galit sa boses ng binata. Mas lalong nangatog ang tuhod niya sa takot. Huhu, Sir Wade! Send help! Nanginginig ang mga labi niya. Napipi na yata siya at walang kahit na isang salita na gustong lumabas sa bibig niya.
"Answer me!"
Mariing napapikit siya sa lakas ng boses ni Isagani. Gusto na niyang maiyak. Maluha-luha siyang sinikap na tiningnan ng mata sa mata ang binata. "K-K-Kasi. . .S-S-Sir--"
"Sir Isagani, I was the one to let her in."
Sabay na napalingon ang dalawa sa nagsalita na si Wade. Naglakad ito papunta sa kinaroroonan nila.
Mas lalong nagsalubong ang kilay ni Isagani. "What?" inis nitong sagot.
"Wala naman sigurong masama kung makikita niya ang hotel, hindi ba? Besides, you just hired her father, Mang Antonyo."
Napapikit na lang si Isagani na napahilot sa ulo niya. Mukhang mas lalo yata itong sumakit ngayon. "What if visitors came at this hour? Siya ang bubungad sa kanila? Ano na lang ang iisipin nila? That this resort is cheap?"
Nasaktan naman si Anina sa narinig niya. Napaatras siya at nanghihina na napasandal sa dingding.
"I can see no problem with that, Sir. She's pretty. She just need to wear something decent."
Napayuko si Anina bago siya humakbang palapit sa nag-uusap na dalawa. "Hindi na bale, Sir Wade. Salamat at nakita ko ng malapitan ang hotel. Pasensya na rin. First time ko kasi." Nahihiya nitong sagot.
Magmamartsa na sana siya palabas nang muling magsalita si Isagani. "And you think you can get away with what you have just destroyed? Mas mahal pa sa buong suot mo ang presyo ng vase na binasag mo."
Napahilamos ng kanyang dalawang palad si Anina. Diyos ko po! Ano ba ang pinaggagawa mo, Anina? Nakakahiya ka talaga! Oo nga pa la at nakabasag ka ng gamit! Lagot na! Mapapatay ako ni nanay kapag nalaman niya 'to. Natataranta niyang wika sa isipan. Gusto na lang niya maglaho o 'di kaya naman ay magpalamon sa lupa sa sobrang kahihiyan. Nagmukha pa tuloy siyang tatakbo sa ginawa niyang kasalanan.
"Ms. Montes, you did that?" tanong ni Wade sabay turo sa nabasag na vase na nakaagaw ng atensyon niya.
Kakamot-kamot ng kanyang ulo si Anina saka dahan-dahan na humarap sa kanilang dalawa.
"Ahh, e. . .k-kasi n-nagulat lang ako! Promise! Hindi ko naman sinasadya, e! Totoo! Kahit isabit niyo pa 'ko sa kable ng kuryentee. O, kahit ibitin niyo pa ako ng patiwarik! Huhu! Huwag niyo akong ipakukulong!" mangiyak-ngiyak at natataranta pa nitong sagot.
"F*ck. Ang sakit mo sa tenga. Cam't you shut up??" Suway sa kanya ni Isagani.
Napakamot ng ulo si Wade saka mabilis na inakbayan si Anina. "Ako na lang ang bahala magbigay ng penalty kay Ms. Montes, Sir Isagani."
Pinaningkitan ng binata si Wade ng kanyang mga mata. "No." Pagdidiin nito.
Mukhang wala na nga yata akong kawala. Goodbye, nanay at tatay. Mukhang hihimas na nga ako ng malamig na rehas ngayong araw. Patawarin niyo nawa ako. Aniya sa isipan na mukhang siguradong-sigurado na ipakukulong siya ni Isagani.
"Hindi sasapat ang penalty natin sa mga nakaka-damage ng property ng hotel, Wade. You are aware of that. You think she is capable to pay?" pang-uuyam nito.
"Then in what way she can pay for the her mistake? Ni wala nga siyang trabaho."
Kinakabahan na si Anina sa maririnig niya mula sa binata. Bakit pa kasi ako nagkamali na pumasok dito? Sana hindi na lang ako sumama kay Wade. Aniya sa isipan. Ni hindi pa nga kasi sila nakakapaglibot ay nakagawa na agad siya ng kasalanan.
"I will let her in. Ipasok mo siya sa housekeeping department."
Napaawang ang labi ni Anina. "Ha? A-Anong alam ko sa housekeeping? T-Teka, teka. Hindi ba puwedeng tagatimpla na lang ako ng kape o taga mop ng sahig? Sige na, Sir!"
"Are you teaching me what to do? Mataas ang sahod ng housekeeping department namin dito. Mas mabilis mong mababayaran ang nabasag mong vase. Aarte ka pa ba? Are you acceptong the offer o--"
Pumagitna sa kanilang dalawa si Wade. "Tatanggapin niya, Sir Isagani. She will accept the offer. Right, Anina?" anito sa dalaga saka pinaningkitan niya ito ng mata para mapilitang sumang-ayo na lang.
Alanganin pangg napa-oo na lang si Anina. What more can she do? Si Isagani na ang nagsalita. Sa kabilang banda, mukhang may magandang dulot rin naman ito dahil ibig sabihin lang no'n ay mas malaki ang chance na palagi silang magkita ni Isagani kahit na mainit ang dugo niya dito. Ngayon lang niya napagtanto na sa lahat ng pagkikita nila ni Isagani, halos walang nangyari na maganda. Lagi na lang siya napapahamak. Ngayon, pinasok na naman niya ang sarili niya sa gusot.
"I suppose I made myself clear. Wade, please report to my office. I need to talk to you."
Iyon lang ang sinabi ni Isagani saka mabilis na nilisan doon si Anina na tila hindi pa rin makapaniwala sa nagyari ngayon lang.
Napakamot pa ng kanyang batok si Wade nang tingnan niya si Anina na mukhang maiiyak na. "Hey, Ms. Montes. Cheer up. Sir Isagani is just arrogant but he's kind. Look at the brighter side, he just gave you a job. Isn't it nice?" Pilit na pagpapaliwanag sa kanya ni Wade.
Napaisip naman si Anina. Tama nga si Wade. Mukhang dapat pa nga siyang magpasalamat kasi may naidulot pa rin pa la na maganda sa kanya ang nangyari. Ang ginawa niya pang kasalanan ang naging dahilan para mas lalo siyang mapalapit sa binata. Iyon lang ay nagkaroon siya ng utang na kailangan niyang bayaran. Sa pamamaraang hindi naman niya alam kung paano.
"Puwede na ba akong umuwi ngayon?" tanong niya kay Wade.
"Yes. Puwede ka nang umuwi. Ipatatawag ka naman niya for sure kaya hintayin mo na lang ang balita."
Dumiretso si Wade sa opisina ni Isagani. Pinare-report siya nito at hindi niya pa alam kung ano na naman ang kailangan ng kaibigan niya. Naalala niya ang paper bag na iniwan niya sa lamesa nito. Paper bag na galing kay Anina na naglalaman ng lunch at ng gawa nitong bracelet.
Pagdating niya doon ay nadatnan niya si Isagani na tila sinusuri ang bracelet na hawak nito. Nakita at kinuha niya lang iyon sa paper bag na nakapatong sa lamesa niya and he's wondering where did it camme from. Tamang tama naman na dumating si Wade.
"Where did this thing came from?" salubong pa ang kilay niya nang magtanong siya.
"Oh. . .thaat thing. As usual, mula sa admirer mo. I haven't seen that. Ang cute naman! Patingin nga?" Akmang aagawin sana ito ni Wade pero inilayo iyon ni Isagani sa kanya.
"Don't touch it." Suway ng binata.
Lumapad ang ngiti ni Wade. Nakakaloko niyang tiningnan si Isagani. "Uy? Nagustohan mo yata 'yan, ah?" Pang-aasar nito.
"Tsk. Just shut up and take that food." Inis na utos nito saka inikot ang kanyang swivel chair para mapaharap sa dagat. Mula sa opisina niya ay tanaw rin ang dagat na sakop nila. Tanging salamin lang kasi ang dingding sa kanyang opisina kaya malaya niyang nakikita ang magandang tanawin sa labas.
Lihim na isinuot ni Isagani ang bracelet without knowing where it came from. Nagustohan niya ito. It look nice dahil mukhang pinagpaguran ang detalye no'n. Masyadong maganda para itapon niya lang. Ngayon lang yata siya natanggap ng gano'n sa buong buhay niya. Lagi naman siyang nakakatanggap ng mamahaling regalo, but this hits different. Kung sino man itong nagbigay sa kanya, bigla niyang na-appreciate ang effort nito ngayon. Ang pagod nito sa paggawa ng bracelet ay hindi kayang tumbasan ng mamahaling bagay na binibigay sa kanya.
"Maganda ba?" Pang-uuyam ni Wade.
Isagani just cleared his throat at hindi masyadong pinahalata na gusto niya ito. "Not really, pero puwede na."
Gustong matawa ni Wade sa sagot nito. Sa isipan niya ay nagpapakipot lang si Isagani. Alam na alam niya ang galaw at isip nito. Ang pa-ubo ubo nito at ang galaw ng butas ng kanyang ilong ay alam na alam niyang basahin. Sa kanya pa ba ito magloloko? They're best friends. Alam na alam nila ang galaw ng bituka ng bawat isa. Kulang na nga lang ay magkapalit na sila ng mukha. Pero syempre, kailangan pa ring ilugar ni Wade ang sarili niya dahil sa trabaho, hindi magbabago ang katotohanan na boss niya pa rin si Isagani at body guard lang siya nito.