Kinaumagahan ay pinatawag agad ni Isagani si Anina para pumuntang office nito. Sa tulong ni Wade ay muling nakapasok si Anina sa loob ng resort hindi para maglibot-libot lang, kundi para sa trabaho na pinapataw sa ni Isagani sa kanya. Kinakabahan pa siya dahil naaalala niya ang nangyari kahapon lang. Kinakabahan siya sa bawat hakbang niya dahil nga sa nagawa niyang kasalanan, ngayon, napa-paranoid na siya ngayon. Bantay-sarado siya sa bawat galaw niya dahil baka any moment ay makabasag na naman siya. Isa’t kalahating nerbyosa pa naman siya.
“Excited ka na ba?” tanong ni Wade sa kanya. As usual, nakangisi na naman ito. Lagi ba siyang ganyan? Ani Anina sa isipan.
“Mukha bang excited ang itsurang ‘to, Sir Wade? Huhu. Kabado ako masyado. May kasalanan ako, e. Paano kung frame up pa la ‘to? Paano kung may mga pulis pa la doon tapos, kasabwat ka pa ni Sir Isagani? Uuwi na lang yata ako,” nag-aalala nitong wika.
Napahagalpak tuloy ng tawa sa kanya si Wade. Seryoso kasi talaga ito at mukhang mangiyak-ngiyak pa habang nagsasalita. “Ano ka ba, Ms. Montes. Tigil-tigilan mo nang kakabasa ng mga nobela at kapapanood ng teleserye nang hindi ka ma-paranoid ng ganyan, okay?”
Iyon na yata ang isa sa pinakatamang advice na narinig ni Anina. Nasobrahan nga lang yata siya sa kapapanood ng teleserye at kababasa ng pocket books kapag may libre siyang oras. Hay! Masyado na siyang nag-iisip ng kung anu-ano. Hindi naman siguro siya ta-traydurin ni Wade hindi ba? Tutal, siya naman ang naglista sa kanya kahapon mula sa galit ni Isagani. Tama!
Huminga ng malalim si Anina habang nakasunod lang kay Wade. As usual, nakasuot ito ng daster, but this time, hindi iyon sleeveless. It was a puff flowing dress pagkatapos ay nagsuot siya ng sandals. Hindi nga niya sigurado kung ganito ba dapat ang suot niya ngayon dahil hindi naman niya alam ang damitan dito sa mga lugar na ganito. Nagsuot lang siya ng usual na suotan niya.
Saglit na napahinto si Wade sa paglalakad ng huminto sila sa tapat ng opisina ni “Wait,” anito sabay tingin kay Anina na noon ay kinakabahan na ng sobra. Nanlalamig ang mga kamay nito habang tanaw tanaw ang pintuan ng opisina. Mukhang pintuan yata ‘yon papasok sa imyerno.
“Are you ready? Namumutla ka yata?” Puna sa kanya ni Wade nang mapansin na balisa ito at kinakabahan.
“Sasamahan niyo po ba ‘ko sa loob, Sir Wade?”
“Oo naman. Kailangan kitang samahan.”
Dahil doon ay bahagyang nakahinga ng maluwag si Anina. Salamat naman, Lord at sasamahan pa rin ako ni Sir Wade dahil hindi ko alam kung makakalabas pa ba ‘ko ng buhay kapag mag-isa lang akong maiiwan sa loob kasama ni Sir Isagani. Natatabunan tuloy ay pagkagusto ko sa kanya. Natatabunan ng takot ko.
Napalunok ng laway si Anina nang pihitin na ni Isagani ang door knob. “Sir, we ‘re coming in,” wika ni Wade.
Hindi na sumagot pa si Isagani kaya pumasok na lang si Wade at sumunod lang sa likod niya ang dalaga na hawak-hawak ang kanyang kamay na kapwa nanlalamig.
“Nandito na siya, Sir.”
Inilibot ni Isagani ang kanyang swivel chair para mapaharap kina Wade a Anina. Hawak-hawak nito ang libro na binabasa niya. Agad na napako ang mga mata ni Anina sa bracelet na nakapatong sa lamesa nito. Lihim siya na napangiti. So, tinago niya ang bracelet? Hindi niya tinapon? Tama ba ‘ko? Napahalukipkip siya at tila hindi pa kayang paniwalaan ang nakikita niya. Gusto niyang tumalon mula sa second floor ng building na ito sa saya.
Isagani cleared his throat saka ibinaba ang libro na binabasa niya dahilan para makita ng buo ang maamo at guwapo nitong mukha. Umiigting ang panga nito at bagay na bagay lang sa hulma ng kanyang mukha, sabayan pa ng tangos ng ilong nito na talaga namang pak na pak.
Sinuri nito ang suot ni Anina from head to toe. Mabilis na napaangat ang kilay niya. “Wala ka bang ibang mas maayos na damit?”
Napakagat-labi ang dalaga. Sabay himas ng batok niya. “W-Wala po, e. Halos lahat ng suot ko ay daster.”
Huminga ng malalim si Isagani saka nilapag ang libro na binabasa nito. “Wade, please call the head of the housekeeping department nang mabigyan siya ng uniform at magmukha namang tao.”
Nagpantig ang tenga ni Anina sa sinabi nito. Gustong mag-apoy ng ilong niya pero kinakalma niya lang ang sarili niya. Relax, self. Crush mo ‘yan, relax! Magiging boss mo pa. Ngayon ka pa ba susuko ngayong gumawa na ng paraan ang tadhana para mapalapit ka sa kanya? Hindi, hindi ka puwedeng sumuko ngayon. Pilit na tinatatak niya sa kukote niya.
“Okay, Sir. Do you have anything else to ask?” dagdag na tanong ni Wade.
“So far, wala na. Iwan mo muna kami dito ni Ms. Montes.”
Napalunok agad ng laway si Anina. Ito ba ‘yong part natulad nang napapanood ko sa mga erotic drama? ‘Yung maiiwan kaming dalawa tapos ipapa-lock niya ang pinto at pagsasaluhan namin ang mainit na tagpo? Mariin siyang napapikit para sapukin at suwayin ang sarili niya. Nababaliw ka na, Anina! Nasobrahan ka na yata talaga sa kakateleserye mo! Suway niya rin sa kanyang sarili sabay iling-iling.
“May sakit ka ba sa pag-iisip?”
Agad na napatigil si Anina at nanlaki ang mga mata nang magsalita si Isagani. Napangiwi siya nang ma-realize na para nga talaga siyang baliw sa ginagawa niya. Nakakahiya! Bumalik ka nga sa katinuan mo, Anina!
“P-Po??” nauutal na sagot nito.
She can’t help but be mesmerized of how handsome Isagani could be kapag ganito kalapit. Nakakahulog ng panty ang mukha nito. Gusto na lang niya na magpalunod ulit nang masagip siya muli ng binata.
“Tsk. Wala ka sa sarili mo. If you can’t pull yourself together, hindi ka pa puwedeng isabak sa trabahong ‘to. You need a training.”
“E, ‘yun na nga po ang sinasabi ko kahapon. Wala pa akong alam sa trabaho na ibinigay niyo sa akin. Puwede bang sa ibang paraan na lang?”
Isagani’s lips eventually twitched. Wait, Anina ano’ng ibang paraan ba ang sinasabi mo?! My gosh! Paano kung iba ang takbo ng utak ni Isagani? Nakakahiya ka talaga, self! Nakakahiya! O, lupa kainin mo na lang ako! Huhu!