Ingat na ingat si Anina sa pagtimpla ng tsaa ni Isagani. Pinaghanda niya ito ng mint tea. Bahala na kung magustohan ito ni Isagani o ano. Basta ang mahalaga, nasunod niya ang utos nito. Dahan-dahan niyang pinatong ang tasa ng tsaa sa isang saucer saka maingat na dinala iyon sa opisina ni Isagani. Nadatnan niya naman itong tutok na tutok na nakaharap sa computer niya at tila may ginagawang mahalaga. "S-Sir ito na po ang tsaa niyo." Pero tila walang narinig ang binata. "Sir? Yuhoo?" Matalin na titig ang ginawad sa kanya ng binata. "Can't you just leave it there?" pagsusungit pa nito. Nagulat pa ng bahagya si Anina kaya medyo natapon ang tsaa sa kamay niya. She bit her lips to stop herself from shouting in pain. Sobrang init kasi niyon dahil galing heater pa ang tubig at kakasalin

