Hindi na nagawang makapag-concentrate pa ni Anina sa ginagawa niyang designs sa sketch pad. Nag-e-echo kasi hanggang ngayon sa isip niya ang mga sinabi ng mommy ni Isagani. Out na dapat nila ngayon pero nag-stay siya sa opisina para gumawa ng sample designs niya ng jewelry habang si Isagani ay nakatitig lang sa kanya at hinihintay siyang magsalita "Are you just going to ignore me like this?" Tila bata na nagtatampong sabi ni Isagani sa kanya. His face is resting on a table kung saan nagde-design si Anina. Anina gently bit her lips. "Hindi naman kita ini-ignore. Nagfo-focus lang ako sa ginagawa ko dahil ayaw kong mapahiya ulit sa mommy mo." Paliwanag nito. "About her, sorry ulit. Hindi ko talaga alam na pupunta siya ngayon. Hindi tuloy kita napakilala ng pormal. But my mom is really l

