Chapter 1
Chapter 1
"Good job, Miss Laurel!"
"Thank you, Prof," nakangiting sagot ni Yvonne sa kanilang profesor. Perfect score siya sa subject na ito. She is happy. She is proud of herself.
I'm sure my family will be proud of me.
"Galing, ah!" nakangiting bungad sa kanya ng dalagang si Kristine. Ito ang isa sa pinakamatalik niyang kaibigan.
"Good job, Babe!" bati sa kanya ni Katarina. "I'm proud of you," dagdag pa nito. Katarina is her new found friend. Nakilala niya ito sa isang debate last year bago sila naging magkaibigan. Katarina is her neutral friend. Hindi niya ito matatawag na best friend ngunit loyal ito sa kanya. Hindi man niya ito kasing close kagaya ni Kristine, isa naman ito sa mga kaibigang hindi siya iiwanan. Alam niyang hindi siya nito sasaktan.
"Thank you, everyone!" proud niyang sambit habang nakangiti sa lahat. Alam niyang deserve niya iyon. Ilang araw din kasi siyang nag-aral at alam niyang tama lahat ang mga sagot niya.
"Grabe! Ang galing mo!"
"Libre naman diyan!" pang-aalaska ng kaibigan niya. Tumawa si Yvonne bago ngumiti.
"Okay," nakangiti niyang pagsang-ayon sa gusto ng kaibigan. "Sa starbucks tayo. Libre ko," dagdag pa niya.
"Kuripot!"
"Hmp!"
Nagtawanan sila. Dahil tapos naman na ang kanilang klase ngayong araw, sabay silang lumabas ng campus. Dahil mayaman ang kaibigan niyang si Katarina ay sumakay sila sa sasakyan nitong Mercedes Benz. Luma na ito dahil bigay pa iyon ng Daddy ng dalaga pero dahil magaling itong mag-alaga ay mukha pa rin itong bago. "Mukhang hindi naluluma, 'no?" komento ni Kristine nang makapasok sila sa sasakyan.
"Of course!" mayabang na ani Katarina. Sabay silang natawa sa dalaga. Hindi masyadong nagpapansinan si Kristine at Katarina. Hindi niya alam kung ano ang nakikita ni Katarina kay Kristine na hindi niya nakikita sa kaibigan. Hindi niya maintindihan ang sinasabi ni Katarina na pina-plastic siya ni Kristine. Na hindi ito tunay na kaibigan. Tinatawanan na lang niya ito dahil sabay naman silang lumaki ni Kristine. Mas kilala niya ito kumpara kay Katarina.
"So? What's your plan, Yvonne?" maarteng tanong ni Katarina.
"Hmm. I'm still pursuing Medicine. Iyon talaga ang gusto ko, Rina. How about you?" intriga niyang tanong rito.
"Medicine of course! I want to be a Psychiatrist!" sagot ng dalaga. Puno nang determinasyon ang boses nito nang sabihin iyon. "How about you, Kristine?" baling nitong tanong sa tahimik lang na nakikinig na si Kristine. Nasa labas ng bintana ang paningin nito at kanina pa parang naiilang sa kanya.
"A-Ah," nauutal nitong sabi. "H-Hindi ko pa alam," anito bago nag-iwas ng tingin.
"What?" naguguluhang tanong ni Yvonne. "Bakit naman?"
Nakangiwi itong ngumiti nang lingunin ang kaibigan. "Hmm. Hindi pa ako nakakapag-isip," tipid nitong sagot.
Ngumiti na lamang si Yvonne. "Just make sure na makakapag-decide ka na," paalala niya sa kaibigan.
"Yes, I will," magiliw na sagot nito kaya napangiti si Yvonne.
Kaagad silang bumaba nang marating nila ang kanilang destinasyon. Napangiti siya nang makita kung gaano kagara ang pinagdalhan sa kanila ng kaibigang si Katarina.
"Wow! I like this place!" namamanghang komento ni Yvonne sa tanawing nagbigay sa kanya nang magandang pakiramdam. She felt peace in her heart just watching the beautiful creation. The sun is about to set resulting into a beautiful scenery.
"I know right!" mayabang nitong tugon bago tumawa. Nilingon ni Yvonne ang kaibigang si Kristine. Pati ito ay nakanganga at nakangiti. Kinuha nito ang cellphone at kumuha nang iilang litrato habang may ngiti sa labi.
"Let's take a picture together!" nakangiting bulalas ni Yvonne kaya naman ay lumapit sa kanya ang dalawa.
They pose here and there hanggang sa mapagod sila kakukuha ng litrato. Naupo siya upang tingnan ang mga pictures. Ang kasamang si Katarina ay um-order ng drinks sa isang Coffee House kasama si Kristine. She was scanning the pictures when she caught a glimpse of something familiar. Inilibot niya ang paningin ngunit wala namang kahina-hinala. Kumabog ang kanyang dibdib ngunit kaagad rin naman siyang napanatag nang makita ang text ng nobyo.
Ngumiti siya. "I thought he's here," aniya sa sarili.
Nag-angat siya ng paningin nang may inilapag na kape sa harap niya. She thanked Katarina at inismiran lang siya nito. "That's not free, B*tch!"
Tumawa nang mahina si Yvonne. That's typical for Katarina. Ngumiti lang siya. "I know," nakangiwi niyang usal.
"Where's Kristine?" nagtatakang tanong niya nang makitang wala ang kaibigan.
Lumingon naman ang kasama upang tingnan ang pinanggalingan nila. "I don't know," malumanay nitong sagot ngunit nakataas ang kilay.
"Let's forget about her," anito na iwinasiwas pa ang kamay sa ere. "I have something to tell you," panimula ni Katarina habang umiinom si Yvonne ng kape.
"What is it?" intrigang tanong ni Yvonne. Hindi niya alam kung bakit nakaramdam siya nang mayinding kaba dahil sa paraan nang pagtitig sa kanya ng kaharap. "Tell me. Kinakabahan naman ako sa 'yo," pilit ang ngiting aniya.
"Hmm," anito habang inikot-ikot ang iilang piraso ng buhok nito. "Let's just say, take extra care when your with your closest friend in an unfamiliar place," usal ni Katarina dahilan upang matigilan si Yvonne.
Kaagad na kumunot ang kanyang noo. "What do you mean?" naguguluhan niyang tanong sa kaibigan.
"Nothing. Pinag-iingat lang kita," bawi nito sa sinabi kanina lang.
Tumango naman si Yvonne. Ipinagwalang-bahala na lamang niya ang narinig. Malapit na ring mag-uwian. Tiningnan niya ang kanyang cellphone at wala man lang siyang natanggap na text mula sa kanyang nobyo. Tinawagan niya ito ngunit busy ang linya nito na lalo niyang ipinagtaka. Tinawagan niya ulit ngunit hindi na niya ito ma-contact.
Nanlulumo niyang ibinaba ang kanyang cellphone. "What happened?" nakataas ang kilay na tanong sa kanya ni Katarina.
Nagkibit-balikat si Yvonne bago sumagot. "He's not answering my calls. Pinatayan pa ako," nakangusong sagot niya sa kaibigan.
"Baka naman na-low battery lang?" anito.
"I don't know," nakangiwing sagot ni Yvonne. She felt a strong thud in her chest. Pakiramdam niya ay may mali. "It's just this weird feeling in my chest. It's bothering me," pagbibigay-alam niya sa kaharap.
Nagulat ito at mabilis na tumayo. "Do I need to take you to the hospital?" nagugulat nitong tanong ngunit umiling si Yvonne.
"No need. It's not something serious," pigil niya sa kaibigan. "Anxiety," pigil ang hiningang usal niya.
"Why?"
"I don't know," kinakabang sagot ni Yvonne.
"Hush, Babe. Ihahatid na lang kita para makapagpahinga ka na," presinta nito kaya tumango siya.