Tumingala ako ng marinig ko ang pagkatok ng kung sino sa itaas ng mesa ko. Agad naman akong napangiti ng makita ko si Anna, isa sa mga taong under ng team ko. "Naku Ma'am, maiiwan ka naman namin dito sa opisinang mag-isa." Nahimigan ko ang pag-aalala sa boses niya habang nakatingin sa akin. Ganoon din ang ekspresyon ng mukha nila Reese at Macky na mukhang ayaw ding umalis dahil magiging mag-isa na lang ako sa floor namin. Halos lahat na kasi ng empleyado sa kompanya ay nakauwi na. "Naku, umuwi na kayo at wag niyo akong alalahanin rito. Tinatapos ko lang itong mga graphs para sa report na kailangan bukas." Nakangiti kong sambit sa kanila. Napakamot naman ng ulo si Macky habang ang dalawang kateam mate kong babae ay halatang bothered sa pag oover time ko ng halos araw-araw. "Sigurado k

