Chapter 1 - Red
“Siya ba iyong panganay mong anak, William?” narinig kong tanong ni mama sa lalaking kaharap niya na nakaakbay sa isang napakagandang babae. Halatang magkasing edad sila ni Mama sa klase ng pag-uusap nila sa isa’t isa.
Napatitig ako sa babae habang nag-uusap sila Mama, kumurap ako ngunit nanatili ang titig ko sa kanya. Napansin ata nito ang pagtitig ko dahil ngumiti ang babae sa akin. Lumapit siya sa akin at hinaplos ang buhok ko ng malumanay.
“You’re so pretty and I really like your name, Red.” Naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko, gumuhit sa aking mga labi habang nakatingin sa babae. Napansin ko na nakatingin sa amin sila Mama at Papa na nakangiti.
“Thank you po,” mahina kong sambit.
“You can call me Tita Snow, and this is my son, Nick” Nalipat ang tingin ko sa katabi niya, nakatayo ang isang lalaking kaedad ko lang pero mas matangkad sa akin ng kaunti.
“Say hi and call him Kuya,” narinig kong sabi ni Mama. Napilitan akong ngumiti sa batang lalaki pero hindi ko sinunod ang sinabi ni Mama.
“Can I go, Ma?” Tanong ko ng ilang sandali, napabuntonghininga naman si Papa at napangisi si Mama sa akin. Nakatingin pa rin sa akin ang batang lalaki kaya napatitig rin ako sa kanya,
“Fine, pero dinner na natin mamaya. Puntahan mo na ang kapatid mo.” Tumango ako at tumalikod na para maglakad palayo.
“Mana sa akin ang anak ko, suplada.” Narinig ko pang sabi ni Mama kasunod no’n ay tawanan nila. Hindi ko na narinig ang mga sumunod nilang usapan dahil nakalayo na ako.
“ANONG ginagawa mo rito?” tanong ko sa batang tumabi sa akin.
Blangkong nakatingin lang sa akin ang batang lalaki pagkatapo ay humarap sa mga halaman kung saan din ako nakatingin. Bumuntong hininga na lang ako at tinanggal ang pagkakatingin sa kanya.
“Ikaw, anong ginagawa mo rito?” balik tanong sa akin ng batang lalaki na sa pagkakaalam ko ay ang anak ng mga kaibigan nila Mama at Papa na kakalipat lang sa kabilang bahay.
“Nanonood ng alitaptap, ikaw ba’t sinundan mo ako?” Nilingon niya ako at ngumiti. Nararamdaman ko na parang pinipigilan nito ang matawa. Ano naman kaya ang nakakatawa?
“You should call me ‘kuya’, you know?” nakangiti niyang sabi sa akin habang ako ay napakunot ng noo.
“You’re not my kuya, so why should I call you Kuya?” mabilis kong sagot sa kanya. Pagkatapos kong magsalita ay tumawa siya.
"Ba’t ka tumatawa?" Pagalit at nakanguso kong sabi sa kanya. "I think we're at the same age so why would I call you Kuya and you are not my brother anyway." Maarte kong sagot sa kanya.
Sa bata kong edad ay malakas na ang loob kong sumagot lalo na't alam kong nasa tama ako. At itong batang lalaki na nasa tabi ko ay ang lakas tumawa na kinakabwisit ko. Bakit ba kasi niyang pinipilit na tawagin ko siyang Kuya?
"Mas matanda ako sayo ng isang taon, you're eleven and I'm twelve so its natural for you to call me 'Kuya'. Your mother said so as well." Mabilis niyang sagot sa akin na kinainit ng pisngi ko dahil nasabi nga kanina ni Mama na tawagin ko siyang kuya.
"Urgh, isang taon lang naman," mahina kong sambit. Napangiti ako ng makita ko na ang mga umiilaw na alitaptap sa madilim naming hardin. Kanina ko pa inaantay ang mga alitaptap lumabas.
Napatingin ako ng tumayo si Nick at may kinuha sa tabi ko. Nanlaki ang mga mata ko ng makita ko kung anong ginagawa niya.
"Akin iyan!" Aabutin ko sana sa kanya ng mabilis niyang mailayo sa akin at ngumiti.
"Saglit lang," sagot niya sa akin.
Nakaupo pa rin ako habang nakatingin sa ginagawa niya. Hindi ko mapigilang mapangiti ng isa-isang hinuli ni Nick ang mga alitaptap at nilagay sa bote ko.
Mabilis akong napatayo at lumapit sa kikatayuan nito habang tuwang tuwa ako sa mga nahuli niya. Inabot niya sa akin ang bote kung saan nandoon ang mga nahuling alitaptap na nag-iilawan sa loob ng bote.
"Ang ganda," napatingin ako sa mga alitaptap na nasa bote. Naglakad ako pabalik sa may bench na inupuan namin.
"Kailangan natin silang pakawalan maya-maya." Napalingon ako sa kanya at tumango.
"I know, I have to free in order for them to live.." Unti-unti kong binuksan ang botelya at isa isang nagliliparan ang mga alitaptap palabas ng botelya.
"Pwede namang mamaya mo na sila pakawalan." Sabi ni Nick na nakatingin din sa mga alitaptap na lumilipad papalayo.
"Its okay, nakakaawa naman pag nasa bottle sila." Nakangiti kong sambit sa kanya.
"Kuya!" Napalingon ako sa batang kaedaran lang din namin na lumapit at naupo sa tabi namin. Nakatingin at inoobserbahan ko lang ang dalawa na nag-uusap.
"Ate!" Napalingon na ako ng tinawag ako ni Ria, ang kapatid ko. Tumakbo siyang lumapit sa akin at naupo rin sa tabi ko.
"Hanap ka nila, Mama. Pasok na daw sa loob." Sabi ni Ria sabay hila sa braso ko. Napatayo ako at hinihila niya pa rin ako hanggang sa natumba ako dahil sa maliit na bato na nakatago sa damo.
"Aray." Mangiyak-ngiyak kong daing ng maramdaman ko ang hapdi sa aking tuhod. Bilang bata ay lalong lumakas ang daing ko ng makita ko ang pagdudugo ng tuhod ko.
"Hala, may dugo. Sorry, ate." Narinig kong sambit ni Ria na lumuhod sa tabi ko. Naiiyak akong napatingin sa tuhod ko lalo na't naramdaman ko ang paghapdi ng gumalaw ako.
"Okay lang ako." Napakagat ako ng labi dahil lalo kong naramdaman ang hapdi sa paggalaw ko.
"Ipahid muna natin itong panyo ko sa dugo." Pinahid ni Nick ang panyo sa tuhod ko malapit sa sugat ko at tinulungan akong tumayo.
"Kuya knows first aid because Mom taught us." Nagmamalaki naman sabi ng kapatid nitong si Raphael. Naglakad na kami papasok sa loob ng bahay namin, nakasunod sa aming dalawa si Ria at Raphael.
"Naku, anong nangyari sayo Red?" Agad na tinignan ni Manang ang sugat ko sa tuhod ko.
"Manang, pwede pong pakuha po ng first aid kit niyo po." Magalang na sabi ni Nick kay Manang na kasambahay namin. Agad namang tumango si Mamang at kinuha ang first aid kit namin, maya-maya lang ay inabot na ni Manang ang first aid kit kay Nick.
"Ano iyan?" Napausog ako sa upuan ko ng makita ko na may kinuha siyang kung ano sa kit. Napangisi naman siya sa akin at muling binalingan ang maliit na botelyang kulay green.
"Hindi ito masakit, this is betadine to disinfect your wound." Bilang bata pa ay sinara ko ang mga mata ko ng maigi kahit sinabi niya sa aking hindi iyon masakit. Unti-unti kong naramdaman ang pagdampi ng bulak sa gilid ng sugat ko.
"Anong nangyari? Bakit may sugat ka Red?" Napalingon ako ng magsalita si Mama sa likuran ko. Agad namang lumapit si Ria sa tabi ni Mama.
"Kasalanan ko, Mama. Hinila ko po kasi si ate kanina kaya natumba siya." Nakayukong sabi ni Ria.
"Tita, nilagyan ko na po ng betadine to disinfect. Hindi po ganoon na nasugat si Red." Tumayo na si Nick at inabot kay Manang ang first aid kit.
"Nako, ang bata mo pa pero marunong ka na mag first aid kit. Thank you, Nick." Nakangiti ng malawak si Mama kay Nick.
"Nichole at Raphael, hali na kayo," nabigla naman ang Mommy nila Nick ng makita ang sugat ko na kakagaling lang mula sa sala. "Anong ginawa niyo kay Red?" Agad na tumayo ng diretso ang dalawa habang nakatingin sa Mommy nila.
"Mommy, wala po akong ginawa." malakas na sambit ni Raphael.
"Walang ginawa ang mga bata, natumba lang si Red kaya nagkasugat. Nagpasalamat ako kay Nick kasi tinulungan si Red sa sugat niya. Magaling sa first aid." Nakangiting sabi ni Mama kay Tita Snow na agad namang umaliwalas ang mukha. Nakita kong bumuntong hininga ang dalawa batang lalaki ng makita nilang nakangiti na ang Mommy nila.
"Tinuruan ko kasi itong dalawa para alam nila ang unang gagawin pag may nangyari sa kanila." Nakangiting sabi ni Tita Snow. " O siya, kami ay mauuna na at masyado na naming nagtagal."
Hindi na ako nakinig sa pag-uusap nila Mama at Tita Snow at napantingin kay Nick na nakatingin sa akin.
"Bukas, wag mong kalimutan lagyan uli ang sugat mo ng betadine." Napatango naman ako at tumalikod na siya sa akin.
"Saglit, ano-- salamat, kuya." Mahina kong sambit, naramdaman ko ang pag-init ng pisngi ko.
Sa mura kong edad ay nakuha na niya agad ang atensyon ko. At hindi ko alam na dito pala nagsimula ang lahat.