"Halika ka na Krissa, ano pa bang ginagawa mo?" nakakunot ang noo ko habang nakatingin sa kaibigan ko.
Napailing ako at hinablot na ang braso niya para makapila na kami at maka-order ng pagkain. Kanina pa ako gutom na gutom kasi itong si Krissa may inaantay na dumating, talagang inuna pa ang lumandi sa lalaki kesa ang kumain.
"Ehh saglit lang antayin pa naman sila Christian dumating, five more minutes pa please," pagmamakaawa sa niya sa akin pero hindi na ako nakinig at tinuloy-tuloy ang paghila sa kanya hanggang sa nasa pilahan na kami dito sa canteen.
Pinadyak-padyak ni Krissa ang dalawa niyang paa sa sahig habang nakasimangot sa akin na parang bata. Inikot ko lang ang mga mata ko sa kanya, imbes kasi na makakain na kami nag-aantay pa kami sa may pintuan ng canteen na parang ewan lang.
"Jusko naman, crush na crush mo talaga si Christian. Para namang di mo nakikita sa mga practice game nila araw-araw." Ako naman ngayon ang inikutan ng mata ni Krissa.
Mabaha kasi ang pila sa canteen lalo na sa ganitong araw, lunes na lunes. Hindi ako pwedeng walang kainin ngayon dahil hindi ako nakakain kaninang breakfast. Late kasi akong nagising kaya wala akong pagpipilian kundi kumain at magpakahirap sa pila ngayon sa canteen.
"Pag nagsabay kasi tayo sa pila nila Christian, may chance na makausap ko siya ng matagal at mapansin na niya ang kagandahan ko," turan ni Krissa.
Natawa naman ako ng malakas dahil nakikita ko ang dalawang puso sa mga mata ni Krissa. Talagang ang lakas ng tama ni Krissa sa classmate at team mate ni Nick. Napailing na lang ako ng maalala ko si Nick.
"Buti na lang hindi ako kasinglala mo, Krissa." Mahina kong sambit, napatingin naman ako kay Krissa ng matawa siya naman ang tumawa ng malakas.
"Ikaw? Sayo ko nga nakuha ang style na ito sa pagiging stalker e. Hello girl, super lala mo kaya." Mayabang na sabi ni Krissa sabay tapik sa braso ko.
"Hoy, hindi kaya," naramdaman ko ang pamumula ng pisngi ko. Alam kong may katotohanan ang sinabi ni Krissa kaya wala akong masabi pabalik sa kanya.
"Anong hindi? E alam mo nga buong schedule ni Nick. Alam mo ang lahat ng phone number ng mga kaibigan niya--" Mabilis kong nilapat ang kamay ko sa bunganga niya. Ang lakas kasi ng boses na parang ipaparinig sa lahat ng tao sa canteen.
"Isigaw mo pa," sinamaan ko siya ng tingin na kinabungisngis niya lang.
"Anong isisigaw ni Krissa? Hi Krissa." Nabigla ako ng maramdaman ko ang pamilyar na braso na nakaakbay sa akin ngayon at ang pamilyar na amoy na gustong-guto kong singhutin sa araw araw na ginawa ng diyos.
Inayos ko ang ekspresyon ng mukha ko bago ako lumingon kay Nick. Tinananggal ko ang pagkakaakbay niya sa akin, pagkatapos kong itinulak ang braso niya sa pagkakaakbay sa akin ay muli niya akong inakbayan.
Narinig ko ang pagtikhim ni Krissa kaya agad ko siyang pinanlakihan ng mata. Nararamdaman ko na ang pamumula ng pisngi ko na agad mahahalata ng mga tao sa paligid ko dahil sa mapuputi kong balat. Baka magmukha na akong kamatis nito pag hindi pa lumayo sa akin si Nick.
"Wala, niloloko ko lang si Red. Hi Nick, asan si Christian?" Mabilis na sabi ni Krissa habang sinusuyod ng tingin ang buong canteen para hanapin ang crush niya. Muli kong tinanggal ang pagkakaakbay niya sa akin habang ngiting ngiti pa rin siya.
"Nasa dulo ng pila." mabilis naman na sagot ni Nick. Muli niya akong inakbayan pero agad niya iyong tinaggal dahil sisikuhin ko sana siya, Nakaramdam ata ang kumag.
Mabilis na nakakaramdam sa ibang bagay itong si Nick, matalino at magaling sa lahat ng bagay pero bakit hanggang ngayon hindi pa din niya napapansin na gusto ko siya? Siya ang definition ng pagiging manhid.
Mula ng lumipat ang pamilya nila Nick at maging kapitbahay namin ay naging sobrang malapit na pamilya nila sa amin. Kami ng kapatid ko at sila Nick ay naging malalapit na magkaibigan hanggang ngayon na nasa high school na kami kaya siguro hindi niya napapansin na may feelings ako sa kanya.
"At ngayon, nakikisingit ka sa pila? Aba naman Nichole." Pinanlakihan ko siya ng mata kahit na sa loob-loob ko ay masaya akong lumapit siya sa akin. Tinatawag ko siya sa totoong niyang pangalan para asarin siya dahil pambabae ang pangalan niya at hindi bumabagay sa kanya.
"Bili mo ko choco pudding pretty please," turan niya habang nginingitian niya pa ako na parang tuta na nagpapacute.
"Ay magaling." hindi ko mapigilang turan. Sabi ko na nga ba.
"Please," nagpapacute pa rin siya sa akin na kinangiti ko. " Yes," agad niyang inabot sa akin ang 500 pesos pera niya kaya wala na akong nagawa.
"Ops, wag ka muna umalis. May kapalit ito, libre mo ako ng lunch ngayon." Pinanliitan niya ako ng mata habang ang ngiti sa labi ko ay malawak. Wala namang halong pilitan ito, kung ayaw niya akong ilibre ay siya na ang pumila.
"Fine, ang kuripot mo talaga, ang dami mo namang pera." Nginitian ko siya, tumango siya sa akin at tatalikuran na sana ako ng hawakan ko siya sa braso. "Meron pa?" hindi niya makapaniwalang tanong sa akin.
"Syempre, sasamahan ko akong mag shopping ngayon linggo. Don't try to make excuses, wala kayong practice ngayong linggo dahil birthday ng coach niyo kaya buong sabado lang practice niyo." Dire-diretso kong salita at hindi na hinayaang makasagot pa sa akin si Nick.
"Paano mo nalaman?" Nalitong tanong ni Nick. Matamis akong ngumiti at kinindatan siya.
" Ako pa ba, so ano payag ka ba?" Tanong ko sa kanya. Nakatingin lang siya sa akin at napatango.
"May choice pa ba ako? Na sa iyo na iyong pera ko, dalawang pudding na bilhin mo." Gusto kong humalakhak ng malakas pero ngumiti na lang ako ng malawak at tinalikuran siya.
"Red, sa table na namin kayo maupo, andoon na din si Raph." Lumingon ako at ngumiti kay Krissa na ngayon ay nakangiti na rin na parang baliw.
"Ngiting-ngiti ang kaibigan ko." Panloloko sa akin ni Krissa na halatang narinig lahat ng pinag-usapan namin ni Nick ngayon.
"Naku, ikaw din naman, mauupo daw tayo sa table nila." Sambit ko na lalong kinangiti ni Krissa.
"Masaya din ako para sayo friend, may date ka sa linggo." Agaran ko na namang tinapal ang kamay ko sa labi ni Krissa, kung ano-ano kasing lumalabas sa bibig ng babaeng ito.
Kelan ko lang kasi siniwalat kay Krissa ang nararamdaman ko para kay Nick, bago pa lang kami mag third year high school. Paulit-ulit na niya kasi akong kinukulit kaya wala akong choice kundi ang sabihin sa kanya ang totoo. Nag-promise naman si Krissa sa akin as brest friend ko na hindi niya sasabihin kahit kanino pero parang di na ako maniniwala kasi sa lakas ng boses ng babaeng ito ay hindi lang iilan ang makakarinig kundi lahat ng tao dito sa campus namin.
"Hay naku, boses mo Krissa. Tsaka ilang beses ko ng ginawang chaperone si Nick. Tagabitbit ko lang siya ng mga bibilhin ko." Pagrarason ko pa, magsasalita sana si Krissa ng tawagin na kami para umorder ng pagkain.
"Andami mo namang inorder?" tanong sa akin ni Krissa na nginitian ko lang. Inubos ko ang sukli ni Nick na five hundred niya para sulit talaga ang bigay niya
"Libre ito kaya okay lang tsaka mauubos natin ito, wag ka mag-alala." Natatawa kong sabi.
"Akin na yang dala mo," nabigla ako ng kinuha ni Raph ang dala kong tray na medyo mabigat dahil punong puno ng pagkain kaya kinuha ko na lang ang iilang drinks na naiwan para bitbitin.
"Ang bait naman po, salamat." Naglakad na kami pabalik ng table ng may mapansin ako. Napatitig ako sa gawi nila Nick at kakaiba ang naramdaman ko ng mapansin ko kung paano tumingin si Nick kay Ria.