"O saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Krissa, papasok na kasi kami sa gymnasium ngayon kung saan may practice game sila Nick.
"Saglit daan lang ako sa banyo." Mabilis ko namang paalam dahil naiihi na talaga ako. Kanina ko pa kasi pinipigilan ang ihi ko dahil late na akong nakarating dito sa campus.
"O sige, papasok na ako sa loob ha at hindi na natin nasimulan practive nila." Mabilis na sabi ni Krissa na pumasok na sa loob at hindi man lang ako sinamahan ng babaita.
Patakbo akong pumasok sa banyo at mabilisang umihi, Pagkalabas ko ng banyo ay saktong namang pagkalabas ng banyo ni Kevin, isa sa mga kaibigan ni Nick na ka team mate niya din.
"Late ka na ngayon ah," napangiti naman ako ng alanganin kay Kevin. Sabay na kaming naglakad papasok sa loob ng gym. Medyo pawisan na si Kevin na nababakat sa damit niya, halatang knaina pa talaga nagsimula ang practice nila.
"Nakatulog kasi ako, sinundo pa ako ni Krissa sa bahay para makaabot." Natatawa ko namang sabi sa kanya.
"Ah kaya pala, akala ko nakalimutan mo na ngayon iyong practice namin hindi bukas." Nakangiti niyang sabi sa akin.
"Muntikan na, ba't ka nga pala nakikipagdaldalan sa akin? Shooo punta ka na doon." Pagtataboy ko kay Kevin na kinatawa niya na lang.
"Okay lang iyan, break na din namin. Nasabi ko ba sayong ang ganda mo?" Pagkasabi ni Kevin ay bigla kong naramdaman ang pag-akbay ni Nick sa balikat ko kaya hindi ko na nasagot si Kevin. Agad ko siyang siniko dahil basang-basa siya ng pawis tapos inakbayan ako.
"Aray naman Red, grabe iyong siko mo parang kutsilyo." Napadaing na sabi sa akin ni Nick habang hinihimas ang tagiliran.
"Kasi naman, alam mong pawisan ka." Pinanlakihan ko siya ng mata, muli akong humarao kay Kevin na nakatingin lang sa amin ni Nick.
"Sige Red, doon na muna ako kina Chris." Paalam niya sa akin na kinatango ko lang dahil inakbayan na naman ako ni Nick.
"Ay, inakbayan na naman ako." Sisikuhin ko na sana si Nick uli ng mabilis niang tinangga ang raso sa balikat ko.
"Bakit kasi ganyan na naman kaikli damit mo?" Halata sa boses niya ang pagkairita. Napatingin naman ako sa damit ko. Anong mali sa suot ko?
"Ayos lang naman ang damit ko, anong meron sa damit ko?" Kumunot naman ang noo ko sa sinabi ni Nick.
"Wala, wala, sige na doon ka na kay Krissa. Babalik na ako kina Coach." Mabilis niyang paalam at agad akong tinalikuran. Patakbong bumalik si Nick sa kateam mate niya habang ako ay napaisip sa sinabi niya.
Abnoy ba ang lalaking iyon?
Pumunta na ako sa pwesto namin ni Krissa at nanonood ng practice game nila Nick. Hindi kami nawawala ni Krissa sa mga training at laro nila Nick, noong una ay ayaw ni Krissa sumama sa akin hanggang sa naging crush niya si Christian kaya ngayon ay may buddy na ako sa panonood sa kanila.
"Christian, ang galing mo!" Sigaw ni Krissa na may papalakpak pa, Natatawa naman akong tumingin sa kanya ganoon din ang mga kalalakihan na natatawa na lang kay Krissa, Sanay na ata sa kanya ang lahat ng tao rito, sila-sila lang naman kasi ang magkakalaban pero kung makapag cheer e akala mo nasa totoong laro ang crush niya.
Mabilis na lumipas ang oras at matatapos na ang practice game, naiwan akong mag-isa dahil agarang umalis si Krissa dahil sa family dinner nila kada sabado. Kahit siguro na super busy ng schedule ni Krissa ay maisisingit pa rin niya sa buhay niya si Christian na halata naman indenial lang ng nararamdaman kay Krissa.
Pagkaalis ni Krissa ay nagpunta na din muna ako sa banyo dahil may hindi ako nararamdamang maganda dahil sa nananakit ang puson ko. Natuptop ko ang noo ko ng makita ko ang bakat ng dugo sa kulay yellow kong dress.
"Paano na kaya ito? Kasi naman ang bilis umalis ni Krissa." Pagkausap ko sa sarili ko habang naglalakad-lakad sa loob ng banyo. Napabuntong hinga ako at agad na kinuha ang cellphone ko.
Wala na akong choice kundi tawagan si Raph para humingi ng tulong, ayokong tawagan si Nick kasi nakakahiya ang nangyari sa akin ngayon.
Agad kong naidial ang cellphone ni Raph pero apnay ring lang at hindi sinasagot. Nakailang tawag din ako pero wala pa din. Huminga ako ng malalim at tinawagan ang cellphone number ni Nick, nakadalawang ring lang ay agad niyang sinagot ang tawag ko.
"Nick!" Halata sa boses ko ang saya dahil sa pagsagot niya ng tawag ko.
"Bakit napatawag ka?" Nabosesan ko ang pagkabigla sa boses niya dahil sa pagtawag ko.
"Nasa gym ka pa diba? please tulungan mo ako."
"Bakit anong nangyari?" Halata sa boses niya ang pag-alala dahil sa sinabi ko.
Huminga ako ng malalim, wala na akong choice, si Nick lang talaga makakatulong sa akin ngayon.
"Nasa banyo ako ngayon ng pangbabae, emergency ito. Kailangan mong magdala ng jacket or oversized mong tshirt." Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Nick sa kabilang linya pagkatapos kong magsalita.
"Parang alam ko na nangyari sa iyo. Sige punta na ako dyan after a minute." Agad akong binabaan ni Nick ng tawag kaya wala akong nagawa kundi ang mag-antay.
Mag-dadalawang minuto lang ang lumipas ay agad kong narinig ang katok sa pintuan. Agaran kong binuksan ang pintuan, nakamuwestra na sa akin ang overshized t-shirt niya.
"Wala akong jacket na dala kaya ito na lang gamitin mo." Mabilis na sabi ni Nick kaya hindi na ako nakapagsalita.
"Salamat." Iyon na lang sinabi ko at agad kong sinara uli ang pinto ng banyo.
"Aantayin kita dito sa labas ng banyo, bilisan mo diyan." Pagkasabi niya ay mabilis kong dinoble sa dress ko ang oversized t-shirt na binigay niya sa akin. Buti na lang ay kulay itim ang t-shirt kaya hindi mahahalata ang tagos ko kung matagusan uli.
Napatingin ako sa salamin, nanlaki ang mata ko ng makita ko ang logo ng t-shirt na suot ko ngayon. Ito ang favorite na t-shirt ni Nick tapos sinout ko lang kasi may tagos ako, ramdam na ramdam ko ang pamumula ng mukha ko.
Pagkalabas ko ng banyo ay mukha agad ni Nick ang humarap sa akin. Kinagat ko ang labi ko bago ako nakapagsalita at humarap ng maayos sa kanya. Nakapagpalit na pala siya at dala-dala niya ang gym bag niya ngayon.
"I'm sorry, ang favorite t-shirt mo pa talaga ang nahiram ko. Palitan ko na lang ito?" May pag-aalinlangan kong sabi sa kanya.
"Its okay, bagay sayo." Nakatingin siya sa akin saglit at humarap na para maglakad.
"Huh?" nalilito kong tanong.
"Halika na." Hinila na niya ako kaya nakasunod na ako sa kanya. " Sumabay ka na sa amin ni Raph pauwi, natawagan ko na si Manong Henry, hindi ka na niya susunduin."
Naglakad na kami papuntang parking lot ng marinig namin ang malalakas na kantiyawan ng mga kateam mate ni Nick.
"Oy kanina lang yellow iyong kulay ng damit ni Red ngayon naging itim na."
"Oo nga, iyan iyong favorite t-shirt ni Nick diba?"
"Kayo na ba?"
"Sa wakas."
Sunod sunod ang kantiyawan nila sa amin hanggang sa madaanan namin sila. Natawa naman sa kanila si Nick at kunwaring pinagsusuntok ang mga kaibigan niya. Nakita ko andoon din si Raph pero dumeritso agad na pumasok sa kotse nila.
"Tigilan niyo nga si Red. Kapatid ang turing ko sa kanya at ganoon din siya sa akin," narinig kong sambit ni Nick.