"Bakit hindi ka pa nakadamit?" tanong sa akin ni Ate Millie, ang kasambahay namin simula bata pa ako. Nakasimangot akong humilata muli sa aking higaan, plano ko talagang lumabas ngayong linggo, ngayon ang araw na sasamahan ako ni Nick sa pamimili sa mall kaso parang hindi naman matutuloy. Kahapon habang nakasakay ako sa kotse nila ay hindi ko na siya inimik, tinutok ko lang ang atensyon ko sa labas at hindi siya pinansin habang tinatawag niya ako ng ilang beses, kahit anong sabihin niya ay hindi ko pinakinggan, ganoon kasama ang loob ko sa mga narinig ko kahapon. Ang sama lang ng loob ko sa sinabi niya kahapon, kahit anong tanggal ko sa isipan ko ng mga salitang sinabi niya ay hindi ko magawa. Tumatak talaga sa utak ko ang bawat salitang binitawan niya. "Tigilan niyo nga si Red. Kapat

