"Hanggang ngayon hindi ka pa rin nagbabago," napa-tsk sa akin si Raphael. Maldemonyo ko lang na nginitian si Raphael dahil alam kong asar talo lang siya sa akin. Nandito kasi kami ngayon sa isang high end mall kung saan nagsho-shopping ako all expense paid niya. Ito ang kabayaran niya sa akin dahil natalo ang team niya sa NBA finals game. Nagpustahan kaming dalawa ni Raphael na siyang kapatid ni Nick tungkol sa team na mananalo/ Sadyang swerte ang paborito kong team kung saan nandoon ang paborito kong player na si Lebron James. Kanina pang masamang tingin ang pinupukol sa akin ni Raphael dahil kung ano-anong mga damit ang mga pinamili ko. Lalo ata siyang naasar sa akin dahil pati ang mga damit na hindi ko gusto ay binibili ko pa din. "Hindi talaga ako nagbabago, lalo na ang kagandahan

