"Kevin!" Nabigla kong bulaslas sa pangalan niya ng bigla siyang lumitaw sa harapan ko at naupo sa bankanteng upuan roon. Saktong itataas ko na sana ang kutsara sa bibig ko para kumain ng bigla kong binaba iyon sa klase ng titig na binibigay niya sa akin. Speaking of awkward. Nandito ako ngayon sa canteen kumakain mag-isa dahil absent si Krissa. Sa pagkakaalam ko ay nasa Quezon sila, doon sa hacienda ng pamilya nila. Natuwa ata sa bakasyon ang babaitang iyon at dalawang araw ng absent. Ni hindi man lang pino-problema ang ilang araw niyang absent. "Hi Red, you're beautiful as usual." Nakangiti niyang pagkomplimento sa akin. "Ah, thanks." Ngumiti naman ako sa kanya at sanay na sanay na sa komplimento niya. Isa si Kevin sa masugid kong tagasabi sa akin na maganda ako mula high school

