"Anong ginagawa mo rito?" Nabigla kong tanong kay Raphael na ngayon ay ngiting ngiti habang nakapamulsang nakatayo dito sa lobby ng Headquarters building namin. Hindi ko alam kung anong pinunta niya rito, o baka may kailangan siya sa akin? Saktong-sakto na nandito siya dahil pauwi na ako, mabuti na lang ay nasaktuhan ang pagtawag sa intercom ko kanina na nasa baba pala siya nag-aantay sa akin kundi nagkasalisi kaming dalawa. "I wanted to see you. Bawal ba?" tanong niya sa akin na kinailing ko na lang. Napalingon ako ng marinig ko ang tilian ng mga ilang empleyada na mukhang ewan dahil kay Raphael. Hindi na ako nabigla na nabibihag niya ang puso ng mga kababaihan dito, kahit noong college kami ay pogi na talagang ito si Raphael, ngayon ay mas lalo siyang naging gwapo at nagmature. Rapha

