Alam kong malakas ang epekto ko sa kanya pero ang hindi ko lalong maintindihan ay pagkatapos ang mainit naming halikan ay unti-unti niyang tinanggal ang pagkakapulupot ng dalawa kong kamay sa kanay at mabilis ako tinalikuran. Sa sobrang pagkabigla ko ay hindi ako nakagalaw sa kinakatayuan ko. Nakasunod lang ang tingin ko sa kanya habang palayo siya ng palayo. Mabilis na nakaahon sa tubig si Nick at dumiretso isyang pumasok sa mansyon ng hindi man lang ako nilingon. Napakagat ako sa aking ibabang labi sa sobrang sama ng loob. Gusto kong sumigaw ngayon sa sobrang frustration na nararamdaman ko dahil kay Nick. Ano ba ang problema niya sa akin? Bakit paiba iba ang turing niya sa akin, minsan malamig minsan mainit? Kung kanina ay masaya at excited akong magtampisaw sa dagat, ngayon ay bigla

