CHAPTER 3

1245 Words
“WHAT DO you mean, pag-iisipan mo pa?  Akala ko ba nagkasundo na tayo noong huling beses tayong nagka-usap na sa akin mo ibibigay ang lugar na ito?  Bakit ngayon, pag-iisipan mo na naman?” “Pasensiya na, Temarrie.” “Manny, naman…” Gustung-gusto ng sigawan ni Temarrie ang ahente ng abandonadong establishment na nais niyang bilhin.  Pinigilan lang niya ang sarili dahil mabait naman ito at sa isang banda, naiintindihan din niya ito. “Look. Ang usapan natin,within this week ay maibibigay mo na kahit kalahati ng presyong napagkasunduan natin, hindi ba?  You even called me up to confirm that the other night, Temarrie.  Tapos biglang-bigla, nagbago na naman ang ihip ng hangin sa iyo.” “Nagkaroon lang naman ng kaunting aberya, Manny.  Pero sinabi ko naman sa iyo na maibibigay ko rin ang perang iyon, hindi ba?  Bigyan mo lang ako ng kaunti pang panahon.” “I am willing to give it to you, kung sa akin lang ang establishment na ‘to.  Ang kaso, hindi.  Nagmamadali na ang may-ari nito na maibenta ang lugar na ito dahil aalis na sila patungong America next week.  They wanted the money as soon as possible.  And someone else was willing to give that money anytime. In fact, hindi lang isa ang nakapila para mabili agad ang lugar na ‘to. At mas makulit pa sila sa iyo. Babangungutin na nga ako sa pangungulit ng mga sekretarya nila na ibigay ko na sa kanila ang deal sa lugar na ‘to. Kaya kung hindi ka tutupad sa usapan natin ngayon, I’m really sorry pero sa hindi na kita mabibigyan pa ng extension.” “Pero, Manny…” Napabuntunghininga na lang ang kaibigan niyang ahente.  “Hindi talaga kita maintindihan, Temarrie.  Mayaman naman ang pamilya mo pero bakit kailangan mo pang magpakahirap na magtayo ng sarili mong negosyo? Just ask them to give you something to do in your family business, kung gusto mo talagang magtrabaho.”   “My family has nothing to do with this,” nakasimangot niyang sagot. “Can we not talk about them now? Ako ang kausap mo kaya ako na lang ang pagtuunan natin ng pansin, puwede?” “Oo na, oo na.  Hindi na ako makikialam sa personal mong buhay.”  Tumunog ang cellphone nito at saglit na binasa ang mensahe roon. “O, eto na naman ang sekretarya ng isa sa mga buyers ko. Nagpa-follow up tungkol sa alok na presyo ng amo niya kung tanggap ko na raw ba.” “Sino ba ang amo niyan?” “Zaccheus Romero.” “Who?” “Someone you don’t know.” May isa na namang nag-text dito. “That was my client, the owner of this place. They don’t want to wait any longer, Temarrie. It’s either you say yes now, o ito na ang huling beses tayong mag-uusap in regards to this place.” “Hindi ba talaga puwedeng mag-extend ng kahit mga dalawang araw pa?  I have the money.  It’s just that…” “You don’t really have it.” Humalukipkip lang si Temarrie at pinagmasdan ang kabuuan ng lugar.  Iyon na talaga ang pinakamainam na spot para sa negosyo sanang naiisip niyang itayo.  Very accessible sa lahat at mura pa ang offer na presyo dahil nga nagmamadali na ang may-ari na maibenta iyon.   “Kung hindi lang sana nakialam sa buhay ko ang kurimaw na lalaking iyon, masaya na sana ako ngayon sa piling ng abandonadong establishment na ‘to…” Nakaka-depress talaga… Narinig niyang malakas na napabuntunghininga na lang si Manny. “Hay…sige na nga. You’re my wife’s bestfriend so I’ll reconsider you, Temarrie. For the last time.” Nagniningning ang mga mata niya nang balingan ang ahente. “Talaga, Manny?! Mare-reconsider ka? Thank you! Thank you--” “Pero kaunting panahon na lang talaga ang maibibigay ko sa iyong palugit. My hands are tied, you know.” “Oo, oo!  I’ll give it next week.” “Next week? Akala ko ba--” “I’ll give you the money in five days.” Napakamot na lang ito ng ulo. “Earlier, please.  Para hindi mahalata ng kliyente ko na may pinapaboran akong buyer.  If not, then I have no choice but to give the offer to Mr. Bernardo.” “Mr. Bernardo? Akala ko ba Zaccheus Romero ang pangalan ng isang buyer mo?” “I said I have two very persistent buyers. Si Mr. Bernardo ang isa.” Hindi gusto ni Temarrie ang timbre ng pangalang iyon.  “Why are you giving him this place? Why not Zaccheus Romero? Mas maganda ang name nya. Mas type ko.” “Mas trip ko ang pangalan ni Mr. Bernardo. Jubei.” “Ju…bei…” “Yep. May-ari ng Windurst Productions at ng Shinra Corporation.  Magkakaroon yata sila ng business expansion kaya interesado sila sa establishment na ito.  And they’re willing to double the price just to get this as soon as possible, Temarrie.  Even triple it. Mas maganda ang offer niya kaya iniisip kong sa kanya ibigay ang kontrata.” Naniningkit na ang mga mata ni Temarrie dahil sa curiosity. Surely, maraming tao naman ang may pangalan na Jubei Bernardo. Right? “Itong Mr. Bernardo na tinutukoy mo, ano pa ang alam mo sa kanya?” Napatingin si Manny kay Temarrie sandali bago sumilay ang isang ngiti.  “Interesado ka rin pala sa kanya.  Kunsabagay, lahat naman yata ng babae ay interesado sa nag-iisang tagapagmana na iyon ng kayamanan ng mga Bernardo.  Well, for one, he was still single.  At least, that’s what he wanted to let everyone know.” “Meaning?”  Wala siyang interes sa lalaki.  Ang gusto lang niyang malaman ay kung sino ito talaga.  Ngunit hindi na rin masama ang malaman niya ang ilang impormasyon sa taong itinuturing niyang naging tinik sa kanyang lalamunan, kung tama nga siya ng taong tinutukoy. “With all that money, not to mention that look…In fact, even without money, imposibleng wala pang girlfriend ang isang iyon.  Unless he’s gay, of course.” “Well, looks can be decieving.” “Nah.  Wala sa itsura niya o sa kilos.  Sigurado rin akong may giflriend na iyon, itinatago lang niya para hindi pagbantaan ng ibang babaeng nagkakagusto sa kanya.” “Alam mo, Manny, may potensyal kang maging showbiz reporter.  Kapag nagsawa ka na sa trabaho mo bilang real state agent, mag-apply ka sa tv.” Tumawa lang ito.  “Hindi pa ako nagsasawa kaya ngayon ay kailangan ko ng umalis.  Kailangan pa ako ng iba ko pang kliyente.  Let me know kung ano na pasya mo before next week.  I’m really sorry, Temarrie.  Pero hanggang doon na lang ang maibibigay kong extension sa iyo.” “Don’t worry, okay na iyon.  Teka,  may isa pa akong tanong.” “Ano iyon?” “Ano ang buong pangalan ni Mr. Bernardo?” “Jubei.” “No. I mean, his real name.” “Oh. Juan Bernardo.” Nakahinga nang maluwag si Temarrie. Juan Bernardo is a very common name. Imposibleng parehong tao ang tinutukoy namin-- “The Fourth.” “Ha?” “That’s his full name. Juan Bernardo IV.” Hihikain yata siya nang wala sa oras.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD