CHAPTER 2

1670 Words
“WALA KA NA ba talagang ibibigay sa pamilya natin kundi kahihiyan, Temarrie?  Ito na ang pangatlong beses mong nasangkot sa gulo!  At ngayon, sa presinto ka pa namin nadampot!” Nakasimangot na lang si Temarrie habang pilit na bina-blockout ang eksena sa kanyang harapan.  Ang kanyang ama at dalawang nakatatandang kapatid na lalaki ay tila mga buwitreng anomang oras ay dadagitin na siya sa sobrang pagkabuwisit na nakikita niya sa mukha ng mga ito.  She tried imagining their faces as those cartoon characters she always saw on television when she’s not doing anything with her life.  Kaya lang hindi effective, lalo pa nga at halos mabasag na ang lahat ng glass furnitures nila sa sala sa lakas ng boses ng kanyang ama. “Kung hindi pa nagawan ng paraan ng mga kuya mo na mapakiusapan ang mga pulis, baka nasampahan ka na talaga ng kaso.  At robbery pa ang kaso, of all cases!  Napakayaman ng pamilya natin para makasuhan ka pa ng ganong klase ng kaso!”   “Temarrie, talaga bang bored ka na sa buhay mo at iyon na lang ang naiisip mong makakapagpa-excite sa iyo?” singit ng Kuya Anthony niya.   “Alam mo, sis, okay lang naman sana iyon,” wika naman ng Kuya Marlon niya.  “Ang problema, hindi ka marunong pumili ng taong pagti-trip-an mo.  Alam mo ba kung sino ang lalaking nagsampa sa iyo ng kaso?”  “Hindi ko alam.” “Si Jubei lang naman.” Wala rin akong pakialam. “Si Juan Bernardo IV!” pigil na sigaw ng Papa niya.  Wala na yata talaga itong balak na huminahon.  “A Bernardo!  Ang kanilang angkan ang nagbigay sa pamilya natin ng pagkakataong magkaroon ng pangalan sa mundo ng pagne-negosyo, Temarrie!  Kung hindi dahil sa kanila, hindi natin matatamasa ang lahat ng kaginhawaang ito.  Kaya bakit mo nagawa iyon sa kanya?  Ano pa ba ang kulang sa mga bagay na ibinibigay namin sa iyo?  Ha?  Ano pa ba?” “Wala.” “Kung ganon bakit kailangan mo pang holdapin si Jubei?” tanong ni Anthony. Nagkibit lang siya ng balikat.  “Wala lang din.  Trip.” Alam niyang kahit magpaliwanag siya, pagagalitan pa rin siya ng mga ito.  Ilang beses ng nangyari ang eksenang ito sa tuwing masasangkot siya sa isang gulo.  Nagsasawa na lang siya sa pagpapaliwanag at pagtatanggol sa kanyang sarili sa mga ito.  Hindi naman kasi siya pinakikinggan kaya hinahayaan na lang niya ang mga ito sa gusto nilang isipin. Nagpatuloy sa salitan na pagsermon sa kanya ang kanyang pamilya.  Napabuntunghininga na lang siya at tumanaw sa labas ng bintana.  Nagngitngit na naman siya nang maalala ang lalaking nagpahamak sa kanya.  Buwisit talaga iyon!  Kung hindi dahil dito, may pera na sana siya ngayon na magagamit sa kahit na anong gustuhin niyang gawin.  Gaya na lamang ng iniisip niyang itayong negosyo.  Kaya naman ng kanyang pamilya na ibigay ang kakailanganin niyang puhunan.  Ang problema, walang tiwala ang mga ito sa kakayahan niya sa kahit na anong bagay.  Hanggang nang mga sandaling iyon, isang mahinang babae pa rin ang tingin ng mga ito sa kanya. Mula kasi nang mamatay ang kanyang ina ay naiwan na siya sa pangangalaga ng mga ito.  Hindi naman sila masasamang tao.  In fact, mababait nga ang mga ito.  Sunod lahat ng luho niya, sobra pa nga madalas.  Kaya lang, since lalaki ang mga ito, hindi alam ng mga ito kung paano aalagaan ang nag-iisang prinsesa sa kanilang pamilya.  They all treated her like a crystal glass.  Ang daming bawal.  Hanggang sa magsawa siya at ginawa na lang niya ang lahat ng gusto niyang gawin, walang restrictions.  And it felt good.  Kahit na nga isang rebelde naman ang naging tingin sa kanya ng kanyang pamilya. Iyon ang unang pagkakataon na nakahinga si Temarrie ng maluwag mula nang mamatay ang kanyang ina na siyang nagturo sa kanya na huwag patatali sa mundo ng mga lalaki.  Nang makawala siya, ginusto niyang may mapatunayan din sa kanyang pamilya na gaya ng mga ito ay kaya rin niyang makipagsabayan sa malupit na takbo ng buhay kahit isa lang siyang babae.  ‘Yun nga lang, malas yata talaga siya dahil imbes na matuwa ang mga ito ay naging numero unong kunsumisyon pa siya sa dami ng kapalpakang nagagawa niya.  But she never did stop trying.  Sawa na siyang maging pabigat sa kanyang pamilya tutal kaya naman talaga niya kung mabibigyan lang siya ng pagkakataon at suwerte. Siguro mas magandang tumaya uli siya sa OTB o Off-Track Betting, baka makatsamba uli siya.  Susubukan na rin niya ang lotto.  Hay naku, asar talaga ang lalaking iyon.  Malaki-laking pera rin iyon…Bad trip talaga! “Temarrie Icasiano!” Nilingon niya ang ama.  “Yes, Pa?” Sa tantiya niya, halatang napundi na nang tuluyan ang kanyang ama dahil sa hindi niya pagbibigay-atensyon sa mga sinasabi nito.  Oh, well.  Kailan nga ba naman ito natuwa sa kanya? “I don’t know what to do with you anymore, Temarrie.”  Hinawakan nito ang dibdib at malalim na huminga.  Nag-iba na rin ang tono ng boses nito, mas mababa na ngayon.  Senyales na suko na ito sa unica hija.  “Hindi ko na sana itutuloy pa ang plano namin ng kaibigan ko, but you’re giving me no other choice.   You’re going to marry Juan Bernardo’s son, just as we have planned years ago.” Ang mga nakatatandang kapatid ni Temarrie ang unang nag-react. “Pa, huwag namang ganyan.  May katigasan ang ulo ni Temarrie pero kaya pa naman natin siyang rendahan, without resorting to that.” “Nabibigla lang kayo, Pa.  At dala lang iyan ng galit.  Hindi iyan ang tamang paraan upang maresolba ang problema natin kay bunso.” Nawalan lang ng imik si Temarrie.  Nagtatampo na talaga siya sa mga ito.  Isang dambuhalang problema lang talaga ang tingin ng mga ito sa kanya. Sakit ng ulo. Kanser ng lipunan. “Matagal ko ng kilala ang anak ni Juan Bernardo,” patuloy ng kanyang ama.  “Jubei…He’s a good man.  Kahit paano ay nasubaybayan ko ang kanyang paglaki kaya alam kong magiging mabuti rin siya sa iyo, Temarrie.  Maaalagaan ka niya nang higit sa kaya naming ibigay sa iyo.” “Pero, Pa, hindi ba’t unfair naman iyan para kay Temarrie?” “As I’ve said, she had given me no choice, Marlon.  At pareho na na kayong may sariling pamilya ni Anthony.  Masyado na rin akong matanda para masubaybayan pa ang lahat ng kilos ng inyong kapatid.” “Pero, Pa--” “Are we done here?” tanong ni Temarrie. Pero hindi na rin siya naghintay ng sagot at tumayo na siya saka naglakad palayo. “Temarrie, sit down!” galit na utos ni Anthony. “Huwag kang bastos. Nag-uusap pa tayo rito.” “At tapos na rin akong makinig sa usapang ito na kayo-kayo lang naman ang nagkakaintindihan.” Huminto siya at nilingon ang kanyang ama at mga kapatid. “Marami pa akong gagawin.  Matutulog, kakain, magpapahinga. Mag-iisip ng mga bagong mapagkakakitaan. Tataya pa ako sa lotto.”   “Wala ka na talagang pag-asa pang magbago,” suko na rin ang tono ng boses ng Kuya Marlon niya. “Tama nga siguro si Papa. Kung maikakasal ka kay Jubei, baka sakaling maambunan ka ng kaunting kabaitan niya at magbago.” “Mabait naman ako. Hindi nyo lang nakikita. Puro lang kasi problema ang pinagtutuunan nyo ng pansin kapag dumadaan ako sa harapan nyo.” “And you’re going to marry Jubei Bernardo whether you like or not,” may finality na sa boses ng ama. “Huwag kang magtatangkang tumakas, Temarrie. It won’t do you any good.” Ngumiti lang si Temarrie at nagpatuloy na sa paglalakad patungong silid niya. Nang marinig uli niyang magsalita ang kanyang ama. “Binago ko na ang last will ang testament ko.  I am informing you, young lady, as early as now, na wala kang makukuha kahit isang kusing hangga’t hindi ka nagpapakasal kay Jubei kaya kung ako sa iyo, seryosohin mo ang mga sinasabi ko.” Nagulantang ang mundo ni Temarrie. She couldn’t believe what she just heard. Ang pamana niyang makukuha niya sa kanyang ikatatlumpung kaarawan, ang pamanang pinakahihintay niya, maglalaho lang sa kanya nang ganon-ganon na lang?   “You can’t do that, Papa. It’s against the law. I am a legitimate heir--” “Our family lawyer managed to find something that would make my wish come true.” “Kay Mama galing ang pamana na iyon, Papa. Para sa akin iyon.” “At sa akin ibinilin ng iyong ina ang pamamahala sa pamanang iniwan niya.  Kaya ngayon, hanggat hindi mo sinusunod ang gusto ko, wala kang makukuha—“ “That’s bullshit!” “Temarrie!” Galit na galit na sa kanya ang mga kuya niya. “Who do you think you are talking like that to our father?!” “Mag-sorry ka kay Papa!” Oo, nagsisisi siya sa sinabing mali. But she was just too hurt to utter an apology at the moment. “Masyadong kayong pakialamero!  Lahat na lang sa buhay ko pinakikialaman ninyo!  I’m sick and tired of it!” “Temarrie!” “I’m twenty eight already so just get off my back!  Geez!” Tuluyan na siyang lumabas ng bahay nang hindi na nililingon pa ang kanyang pamilya.  Kaya lang naman siya gumagawa ng kung ano-ano ay pang magkaroon sana ng paunang puhunan para makapagsimula ng maayos habang hindi pa niya maaaring magalaw sa bangko ang perang iniwan sa kanya ng kanyang ina.  Ngayon, imbes na dalawang taon na lang ang bubunuin niya bago iyon tuluyang makuha, nabulilyaso pa. “Hindi ninyo ako mapipilit sa gusto ninyong mangyari,” bulong niya nang sumakay sa kanyang sasakyan at pinaharurot iyon palayo.  “This is my life.  I’ll decide what I will do with it.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD