CHAPTER 05

1279 Words
"Wah! Ang pogi niya talaga!" Sigaw ni Andrea. "Nakakatuwa si Fatima kahapon! Inisnob siya. Asa asa ka pa kasi Girl!" Pang aasar pa ni Venus. "Anong kinapogi non? Mukhang bakla!" Singit naman ni Nick habang umuupo sa tabi namin. "Nako! Nick wag ka nga jan!" Asar na sabi ni Mars. Nagtatawanan silang lahat dito sa loob ng room. Samantalang ako nakikinig lang sa usapan nila. Ano naman ang sasabihin ko? Eh hindi ko pa nga 'yon nakikita. "Girl, seryoso kang masyado jan?" Tingin sakin ni Mars kaya naman nginitian ko lang siya. "Baka mamaya binasted ka nanaman ha?" Loko naman ni Andrea sakin na ikinagulat ko. Bakit?Close naba ulit kami para pag salitaan niya ko ng ganun? Kahit biro 'yon di ako natutuwa. "Hindi ah!'" Plastic kong sabi sabay tawa. Nakatingin lang si Nick samin. Alam niyo kasi binasted siya ulit ni Andrea dahil may iba siyang gusto. Si Hiro. Hindi yung kilala ko ah. Yung bagong heartthrob ngayon dito sa school. "So tell about Hiro..." Ngiti ko naman sakanila.  "Actually he's cute and charming sobra!" Sagot naman ni Andrea. "May kilala din akong Hiro kaso yung kilala ko siraulo!" Tawa ko sakanila. Bigla naman silang nag lapitan lalo sakin at nakichismis pa. "Sino 'yon? Manliligaw mo?!" Sigawan nila habang kinikilig pa. Kaya naman nagulat ako at todo defend sakanila. "Hindi noh!" Mabilis kong sagot. "Grabe Girl, di kana kasi sumasama samin tapos di kana rin nag kwekwento..." "Pasensya na ha. Busy lang." Pag sisinungaling ko sakanila. Sakto namang nag katinginan kami ni Andrea. "Busy? Haha Girl san naman?! Sa bago mong boyfriend?" Tawanan nilang lahat.  Bakit ko pa ba kasi binanggit yung Evil na'yon?! Napagkakaisahan tuloy ako eh. ◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸ Nasa Milktea shop kami ngayon. Nakakatuwa makakabili nanaman ako ng paborito ko.  "Donut?" Nabaling na tingin ko. Naalala ko tuloy si Evil. Ang tagal nadin nung huli kaming nag kita pag katapos nung─OMG?! Bakit ba kasi iniisip mo siya? Tuloy bumabalik sa utak ko yung labi niya. "Girl, may assignment kana ba?" Kalabit sakin ni Mars. "Wag mo muna yan isipin bukas pa naman yan!" Singit naman ni Andrea. Kaya naman napabalik ako ng notebook sa bag na iaabot ko na sana kay Mars. Bigla namang may nag hiyawan sa labas. Ang lakas rinig na rinig dito sa loob ng shop. Napatayo naman sila Andrea habang sinisilip kung sino 'yon. Napatulala ako ng pumasok ang dalawang lalaki sa may pintuan. Lahat ng babae naka nganga na halos. Tapos kinikilig pa.  Napaismid naman ako kay Evil ng mag tama ang mga mata namin. Siguro yung kasama niya yung pinag kakaguluhan? Sabagay ang gwapo din niya. Kaso parehas silang Hiro ang pangalan? "Hello." Sabi nung babae kaso as usual masungit si Evil. Evil talaga eh. Inisnob ba naman yung babae pero yung kasama niya mukhang mabait nag hi din kasi... "Ang cute ni Hiro noh?! Kausapin niyo siya bilis!" Utos ni Mars habang nag aapir pa sila ni Venus. Hahaha Nag combined na ang dalawang planeta. Char. "Baka sungitan ako ulit niyan kayo naman!" Singit ni Fatima na namumula. Mukhang crush na crush niya talaga. Sino bang Hiro? Parehas bang Hiro talaga yung pangalan nila?  Takang taka na ko. Tapos tumitingin pa sakin si Mr. Evil. Inirapan ko nga saka ngumisi. Kaasar niya talaga. "Hey Cryz!" Napaharap ako kay Nick ng bigla niya kong tawagin. "Bakit?" Nabigla kong tanong agad. Napatingin naman silang lahat sakin.  "Wala. Ikaw nalang kasi ang lumapit sa crush nilang lahat." Utos niya pa sakin kaya naman napa buga nalang ako ng hangin habang di makapaniwala sakanya. "Oo nga Cryz." Tapik pa sakin ni Mars. "Lapitan mo nga si Hiro dali." Tuloy tuloy nilang utos. "Ano naman gagawin ko pag kalapit ko? Di ko naman crush 'yon." Mabilis kong pag hindi sakanila pero sinamaan lang nila ko ng tingin. "Fine. Lalapitan ko na." Walang magawang surrender ko sakanilang lahat. "Lalapitan mo siya diba? Paabot nito please?" Sabi nung isa tapos tinanggap ko naman. "Ok iaabot lang pala eh!" Nakangiti kong sabi. Yung mukha nila parang pinapahiwatig na 'goodluck' nalang sakin. "Girl, masungit yan. Ingat ha!" Salita pa ni Andrea. Parang feeling ko tuloy mamalasin ako "Fighty!" Sabi naman ng ilan na hindi ko naman kilala.  Bigla tuloy akong kinabahan. Bakit ba ko pumayag? Daig ko pa isasabak nila sa gera. Lumapit na ko don sa kasama ni Mr. Evil. "Ikaw ba si Hiro?! Eto oh may nag papaabot sayo ng cake." Pilit kong ngiti habang tumitingin tingin sakanila. Tinawanan naman nila kong lahat pati na etong pinag bibigyan ko. Bigla niya namang tinuro si Mr. Evil sa tabi niya habang di parin tumitigil sa pag tawa. WHAT?! Napatingin ako kay Evil at tinignan niya ko ng 'Katanga mo talaga.' look. Napabaling tuloy agad ako ng tingin sakanila at─ "Cryz!" Sigaw nung isang kaklase namin. Kaya naman humarap ako at tinitignan yung minostra niya. "Cryz, yung isa si Hiro!" Sigaw naman ni Mars. Oh bakit? Bakit siya pa yung gusto nilang lahat? Patay nanaman ako sakanya. Ayokong humarap. Ayokong humarap. Pero tumayo naman siya sa kinauupan niya at ngumiti sakin. Wala na kong magagawa. This is it! Kaya naman napalunok ako habang humihinga ng malalim. "May ibibigay kaba sakin?" Tanong niya ng mahinahon. Bakit kasi siya pa? Napakagat nalang ako sa labi ko habang pinipilit mag salita. "Aahm....kasi....." Pautol utol kong sabi dahil sa kaba. Siguradong pag kayari nito mas lalo niya pa kong pag tritripan. Asar. "Kung wala. Pwede kanang umalis sa harap ko." Salita niya habang akmang tatalikod na sakin. "Cryz! Ibigay mo na!" Sigaw ni Fatima pero mas malakas padin yung sigaw ng puso ko. "Hoy babae! Ibigay mo na yung cake! Wag mong sayangin!"  "Cryz! Ibigay mo na yung cake ko sakanya please?" Paawa pa sakin nung babae kanina. Aalis na sana ko kayalang baka magalit silang lahat sakin. Kaya wala na kong magagawa. "Ahm...eto yung cake oh pinabibigay niya." Sabi ko sabay turo dun sa babae. Di ko siya kilala pero ako kilala niya na dahil kanina pa sila sigaw ng sigaw sakin. Biglang tumingin ng masama si Evil sakin. Pag katapos tumingin ng masama sa babae. Natakot talaga siya kaya nag tago sa kaibigan niya. Nakatitig silang lahat kay Hiro. Siguro iniisip nila kung tatangapin niya. "Oh eto na yung cake." Pamimilit ko pa. Ngumisi siya at sinabing "AYOKO!" "Ano?" Sabay sabay nilang bulungan sa gulat. "Sayang naman yung cake." Sabi pa nung iba. "Grabe ang sungit talaga. Bakit ba kasi baliw sila jan? Eh hawak gwapo naman natin sakanya." Bulungan pa ng ibang kalalakihan. Kaya naman sabay sabay silang tinignan ng masama nilang lahat. "Bakit sa tingin mo tatangapin ko? Eh pinaabot lang naman sayo yan." Cool niya lang na sabi habang nakatingin sakin at naka crossed arms. "Tanggapin mo na. Bakit ba ang sungit sungit mo? Nireregla ka ba?" Asar kong sagot sakanya. At nagtawanan naman silang lahat sa sinabi ko. Habang siya nakangiti na parang naaasar na sakin. "Ano naman sayo?" Pag mamatigas niya pa. "Aba! Talagang!..." Marami pa sana akong sasabihin kaso bigla siyang mas lumapit pa sakin. Nagulat kaming lahat ng kinuha niya yung cake. Ngumisi siya sakin at itinaas yung cake. "Gusto mo talagang kainin ko 'to?!"  Bakit parang masama ang pakiramdam ko dun sa malaevil smile niya? "Oo sayang─" "Kung ganon. Ikaw ang mag subo sakin! Princess..." Madiin niyang sabi habang nakangisi. "Princess daw? Diba Cryz ang pangalan niya?" Bulungan pa nila. Napakagat labi naman ako habang tumitingin sa paligid. Sabi na at mamimiss interpret nila yung tawag niya sakin na'yon. "Evil talaga..." Asar na bulong ko habang tinitignan siya ng masama. Nakangisi lang siya at nakapamulsa. "O kaya naman kakainin ko 'to pero may kapalit." Ngisi niya nanaman sakin. "Ano? Hay pinaabot lang talaga kasi sakin yan eh." Asar na sabi ko nalang habang di mapakali. "Ikaw lang naman kasi ang pumipilit." Tawa niya sakin habang inaabot ulit yung cake. "CRYZ!!!" Hiyawan nilang lahat kaya naman napa atras ako. "Hi." Biglang lapit naman ni Andrea na ikinatingin naming lahat. Nilahad niya yung kamay niya at tinignan lang 'yon ni Hiro. Bumaling siya ng tingin sakin at di ko nalang siya pinansin. Uupo naba ko? Kasi nandito na ang tunay na maganda. Naasar ako pag nakikita siya dahil kay Nick tapos ngayon dahil dito.  Bakit kailangan niya ding lumapit? 
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD