CHAPTER 04

721 Words
Nagninilay nilay nanaman ako dito sa library ng bigla nanaman siyang dumating at binulabog ako. Napasigaw pa ko sa gulat ng ilapag niya yung libro ng malakas sa mesa. Panira talaga. Makakatulog na sana ko eh. "Ikaw nanaman?" Asar kong tingin sakanya. Pero ngumiti lang ulit siya sakin habang binababa ang mga gamit niya. "Bakit sawa ka naba sa muka ko?" Pag aasar niya pa habang nag papaganda ng mata. "Sa tingin mo?!" Taas ulo kong tingin sakanya. "Hindi. Sa gwapo kong ito mag sasawa ka?" Nagulat ako sa sinabi niya kaya naman napatawa nalang ako. Ang lakas... "Pwede ba maganda araw ko wag mo sirain." Kunyaring pag mamasungit ko pa sakanya. Pero natutuwa naman talaga akong nandito siya. "Hahaha Maganda araw mo niyan ha? Nag mumukmok ka mag isa sa library." Sarcastic niyang sabi habang tumatango tango pa at nakatingin sakin. "Eh ano naman sayo?" Nakakainis 'tong Evil na'to! Tamang bwisit nanaman ang gagawin niya sakin. Kita niyo yung ngiti niya mag sisimula nanaman. "Grabe naman 'to. Kasisimula lang ng araw ang init na ng ulo mo!" "Dahil sayo! San pa?!" "Tara libre nalang kita ng donut?" Aya niya pa sakin habang nakakagat labi. Para siyang bata. Tuwang tuwa sa donut. Favorite niya daw kasi 'yon. Kung mataba lang sana siya edi sana nabara ko na siya ngayon.  "Grabe ang init ng dugo mo sakin. Bahala ka jan papangit ka." Panimula nanaman niya. Kaya naman tinignan ko siya ng masama at hinawakang mabuti yung lapis sa gilid ko. Saka ko inambang sasaksakin siya.  Tumawa nanaman. Ano ba ko Clown niya? "Oo na pangit na ko. Happy?" Irap ko sakanya. "Sinong nag sabi sayo? Ang ganda mo kaya!" Seryoso niyang salita kaya naman napatulala ako. Pinag tritripan niya talaga ko. Sa sobrang pula at hiya ko. Naasar ako at inapakan siya sa paa. "Aray!" Sigaw niya sabay bawal ng librarian.  Kaya naman napa evil smile ako at umalis agad. Yes! Nakaganti din ako! "Hoy! Ikaw! Ano nanaman ba? Bat ginawa mo sakin 'yon ha? Sinabihan na ngang maganda. Mananakit pa." Asar na habol niya sakin pababa ng hagdan. "Hoy ka din! Pwede ba wag mo nga akong sundan!" Asar kong sabi sabay palo ko sakanya at syempre tinulak ko siya palayo. Muntik na siya ma-out balance sa hagdan. Buti nga! Beh!!! "Hoy! Ikaw princess ha! Sobra na p*******t mo sakin! Kinakausap lang naman kita!" Habol nanaman niya. Kaya naman ng makalapit siya sakin. Tinulak ko siya ulit. "Ayoko nga kitang kausap! Tabi nga!" "Ikaw binabalaan kita!" Banta niya sakin habang nakaturo pa. "Eh ano?" Mayabang kong ngisi sakanya. "Hahalikan kita! Isa pang p*******t mo sakin! Makakatikim ka talaga." Natahimik nalang ako sa sinabi niya. Hahalikan niya daw ako? Natatawa nalang ako sa sinabi niya. Kaya naman napapailing nalang ako at bumaba sa may hagdan. Kaya lang bigla akong natapilok. Malas. "Ahhhh!!" "Oh princess!" Hila niya sa kamay ko papunta sakanya kaya naman napayakap ako.  Naramdaman ko yung mabilis na t***k ng puso niya at nanlaki ang mata ko ng mabalik ang diwa ko. Nakayakap siya sakin! Kaya naman agad akong namula at "Bitiwan mo nga ako!" Pagpupumiglas ko at pinalo siya. "Ano ba! Niligtas na nga kita eh. Ikaw pa galit!" Asar niya pang sabi sakin kaya naman asar ko din siyang tinulak palayo. "Sino ba kasing nagsabi sayo na tulungan mo ko? Kaya ko............." Di ko na natuloy ang sinabi ko. Pati katawan ko di ko magalaw naramdaman ko yung labi niya na nakalapat sa mga labi ko. Nang tinanggal niya. Nakatunganga lang ako. Walang imik. "I told you." Ngisi niya habang nauunang bumaba ng hagdan. "Hoy! EVIL! Humarap ka dito! Di pa tayo yaring mag usap!! Wala kang karapatan na gawin sakin 'yon!!" Pag habol ko naman sakanya. Pero di niya ko pinansin at mas binilisan ang pag baba. "Hoy! Pansinin moko!" Sigaw ko ulit. Nauntog naman ako sa likod niya ng huminto siya bigla. "Bakit ayaw mo?" Ngisi niya pa sakin habang nang aasar at hinahawakan ang labi niya. "Sinong walang hiyang nag sabi na gusto ko?" Inis ko tanong sakanya.  "Ah kung ganon. Ibabalik ko nalang." Seryosong tingin niya sa labi ko at hinalikan akong muli.  "Ipapapulis kita!!!" Namumula ko ng sigaw sakanya. "Bakit naman? Binalik ko na nga ah!" Nakangisi niyang sabi. Napayukom nalang ako ng kamao habang nag titimpi sakanya. "Alam mo bang 'yon ang first kiss ko? Kahit na mga naging boyfriend ko di ako nag papakiss tapos ikaw lang ang kumuha?!"  "Aba bakit? First kiss ko din naman 'yon ah?" Ngiti nanaman niya sakin kaya naman mas lalo pa kong nainis. At nag dabog nalang paalis sa harapan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD