CHAPTER 01

1253 Words
"Hay sobrang ganda ng umaga sariwang hangin and guess what?! Mayron pa kong Ice Cream! Yummy!" Tuwang tuwa kong sabi ng dinalhan ako ni Best ng ice cream sa bahay. Unang araw ko 'tong walang nararamdamang pag mumuryot sa katawan. Bwisit na Nick 'yon! Who you ka sakin ngayon! Nakakainis naman utak! Wag mo ng banggitin yung tungkol kay Nick ok? Pati pangalan! Teka? Hay! Nako nabanggit ko nanaman. Ang hirap kasi nasasaktan na nga ako naiisip ko padin siya kung nakakain naba siya? Kung kamusta kaya siya? Baka mamaya di niya tinitignan yung pag tawid niya o kaya baka mamaya bigla siyang mag kasakit. "OA ka naman jan best ha!" Sabi niya sabay tapik sa braso ko. "Syempre ikaw ba naman ilibre ng bestfriend mo ng ice cream eh! Syempre napaka napaka saya ko!" Sabi ko habang tina-taas yung ice cream na libre niya sabay wagayway. "Oo na! Ano ok kana sa breakup nyo ni—" Hindi ko na siya pinatapos magsalita syempre nagsalita nako agad para di na niya masabi yung pangalan nung unggoy na'yon. "OO NAMAN AKO PA!" Sigaw ko sabay dila sa ice cream tumutulo na kasi. "Nag aalala lang naman ako sayo dahil dalawang buwan kana ding nag e-emote dahil kay Nick" Gusto kong sabihin sakanya na 'Grabe best ang supportive mo talaga! Nililimot na nga binanggit pa pangalan ni unggoy!' kaya lang nahihiya ako concern lang naman siguro siya. "Oo na ok na nga ako best ikaw naman wag mo na siyang bangitin!" "Naku ikaw best ha! Wag na wag na kitang makikita sa harapan ng boarding house nung lalaki na'yon na iiyak iyak!" Naisip ko bigla ganun ba talaga ako ka OA na umiyak ng umiyak at nag mamakaawa sa harapan ng tinitiran niya na makipag balikan? Bakit ko ba kasi siya minahal ng sobra? Bakit ako nag tiwala sa kanya?! Kahit masakit isipin at limutin ang ginawa niya. Lagi padin siyang sumasagi sa isip ko. Nag mumukha na kong tanga. Ewan ko ba atleast masasabi ko na okay na ko ngayon kesa dati. Nasa school kami ngayon monday kasi kahit hirap pa kong pumasok dahil sa nangyari eto parin ako humuhugot ng lakas ng loob. Kasi malay mo mag kita kami baka mamaya makasalubong ko siya. Ano naman kaya ang sasabihin ko? Syempre hindi 'yon maiiwasan. Ayon pala si Andrea ang best ko! "Andrea!" Oooppss bigla kong natanaw si Nick. 'Si Nick!?' Si Nick pala yung kausap niya! Bakit naman kaya?? Kinakabahan ako makaalis na nga habang hindi pa nila ako nakikita. "Bilis bilis... Ahh..!!!" Napasigaw ako ng madapa ako napakasakit. "Nasan ako?" Tanong ko sa babae habang dinidilat ko yung mata ko. "Nandito ka sa school clinic may nakakita kasi sayong lalaki. Ang sabi niya nakahandusay ka daw doon sa daan kaya pinunta ka niya dito." "Aray!" Sigaw ko sabay hawak sa ulo ko. Bakit ba kasi ang tanga tanga ko? Tatakbo na nga lang madadapa pa. "Sa tingin ko tumama yang ulo mo sa bato kaya nagkabukol." Salita ng nurse habang nag bibilang ng gamot sa bote. "Baka nga po salamat po Miss." Pilit ngiti kong sabi. "Okay ka lang ba?!" Sigaw ni Andrea sakin papalapit. "Oo naman bakal ata 'tong ulo ko!" Sabay tawa ko pero gusto ko talagang itanong sakanya yung tungkol sa nakita ko kanina. "Nagbibiro ka pa jan?! Tignan mo nga itsura mo!" "Bakit ano mali sa akin?" "Ang putik ng damit mo!" Napatingin ako agad sa damit ko. Omg!! Napaka dumi nga di ko namalayan ang sakit kasi ng ulo ko. ARRGHH! Ang malas ko naman ngayong araw sabi na eh dapat sinunod ko nalang yung bulong ng higaan ko sakin na matulog nalang ako at wag ng pumasok. Habang naglalakad kami ni Best pauwi nasa isip ko yung nakita ko kanina gustong gusto ko na talaga itanong sakanya! Di na ko mapakali! "Best! Wait I have something to ask kung okay lang?" Mabilis kong tanong habang nag papa-cute sakanya. Kinakabahan ako kung wag na lang kaya? Ibahin ko nalang ulit yung usapan. Hay ano ba yan?! Sobra akong kinakabahan pati yung puso ko kabog ng kabog. Di ko alam kung bakit. "Oo naman." Masaya niyang sagot sakin. "Kanina kasi....." 'Sasabihin ko ba? O Hindi? Pero di ako mapapanatag!' "Kanina kasi? Ano?" Napayuko ako habang pinag mamasdan yung kamay ko na nanginginig sa sobrang kaba. "Ano kasi..." Subok na sabi ko ulit. Pero parang nabuhol na yung dila ko. "What? Haha Pwede bang sabihin mo na? Ano? Siguro pogi yung nagdala sayo sa clinic noh?! Kilig ka siguro best! Yon ba yung sasabihin mo?" Biro niya sakin pero kinakabahan kasi talaga ako at wala akong pakialam doon sa nag dala sakin sa clinic. Dahil ang gusto ko malaman yung tungkol kanina. "Ano--kasi...nakita ko kayo magkausap ni Nick kanina and I just..." Papahina kong sabi. Hay I feel free ngayon nawala na yung kaba. Tinignan ko siya ulit dahil sa pag hinto niya sa pag lalakad. "Ah...yon ba?" Bigla niyang sabi.. Hala! Bakit ganon biglang lungkot ng mata niya. Anong mayron? May sinabi ba sakanya yung bwisit na lalaki nayon kanina! Humanda talaga siya pag nag kita kami. "Ano ba kasi talagang mayron at seryoso kayong nag uusap kanina ha?" "Kasi best may ipagtatapat ako sayo." 'Hala! Ano kaya 'to ngayon ko lang nakitang ganito kaseryoso si Best! Ayan kasi tsismosa ka! Pero ok lang siguro 'yon noh? Atleast napanatag ako.' "Ano 'yon sabihin mo na binibitin mo pa ko!" "Ahm wala haha!! Wag mo ng pansinin!" Sabi niya sabay tawa ng malakas. Hanggang makauwi na kami sa bahay di ko parin siya napaamin. Ano kaya talaga yung pinaguusapan nila kanina?! Bakit ba kasi curious ako?! Pero syempre best ko siya at ex ko 'yon! Bakit ganun sila mag usap ang seryoso? Kainis talaga!!! "Yun ba yung ex-girlfriend ni Nick?" May narinig akong nag bubulungan sa shower room habang naliligo ako actually kasi kayayari lang namin mag swimming lesson. "Oo siya nga! Haha" "OMG! Kawawa naman si Cryz." Ano daw ako kawawa? bakit ako naging kawawa? Ano ba kasi pinag uusapan nila? "Actually I think tanga lang kasi siya! haha" Tanga ako? Grabe na'tong mga 'to ha. Malabas nga pero wait? Pano ko malalaman kung susugurin ko sila? Kaya wag nalang. "Grabe pinanakip butas lang pala siya ni Nick!"  "Kamo pa yung bestfriend niya yung dahilan kaya naging sila ni Nick!"  Sunod sunod nilang usapan. Kaya naman napatakip nalang ako ng bibig habang pinipigilan ang hikbi. ◂ ❚ ⊱ꕥ⊰ ❚ ▸ Nakita ko ulit silang dalawa magkasama. I dont think na kaya ko silang lapitan at itanong yung mga tanong ko na kailangan ng masagot AGAD AGAD! Napatingin ako sa kanilang dalawa ulit na nasa classroom sinampal ni Andrea si Nick pero bakit? Aalis na sana ako. Kaso nang pag atras ko biglang nabunggo ko ung upuan.  Wag sana silang tumingin kasi mas lalo lang akong maaawa sa sarili ko. "Cryz!?" Tingin ni Nick. Gulat na gulat silang dalawa ng makita ko. Syempre siguro dahil mabubuko ko na yung lihim nila. "Ahm...Pasensya na nagambala ko ata kayo?" Naiiyak ko ng sabi habang nilalakasan ang loob. Palayo na ko kaso nahabol ako ni Andrea. "Ahm.. kasi..di ko alam kung pano ieexplain sayo baka kasi magalit ka." Paunang salita niya. "Ano ba kasi 'yon ha?! Pati yung tungkol sa panakip butas? Paki explain lang please!" Naiinis kong sabi sakanya habang nag pipigil ng iyak. "Kasi kami ni Nick..."  "Ano kayo?!" galit kong sigaw sakanya. "Ex ko kasi si Nick at di ko naman aakalain na gagamitin ka niya lang para pag selosin ako. Hindi ko magawang sabihin sayo kasi masasaktan ka." "Ano?!" Gulat kong tanong na para bang may dumurog sa puso ko.  Tumakbo agad ako at sumakay ng jeep para di niya nako mahabol. Napaka sakit isipin na niloko ka ng dalawang mahalagang tao sa buhay mo at ngayon di ko na alam kung pano pa ko babangon. Hindi ko na alam kung saan ako mag sisimula.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD