CHAPTER 02

919 Words
Dahil sa nangyari mas ginusto ko munang umiwas nalang. "Bakit ba kasi ayaw nilang maalis sa isip ko?!" Asar na sigaw ko habang sinisipa ng malakas yung batong nasa harapan ko.  Napaharap naman agad ako ng may marinig akong sumigaw. Patay may tinamaan pa yata ako. Malas talaga. May nadamay pa ko dahil sa galit ko kila Andrea at Nick. "Sorry!" Mabilis kong takbo sakanya. Nakayuko siya at hinihimas ang ulo niya. "Napaka sakit! Patay ka talaga sakin!" Galit na sigaw niya kaya naman napaatras ako ng konti.  "Hindi ko naman sinasadya." Agad kong paliwanag at humarap naman siya sakin na ikinatulala ko bigla.  Para bang nag slow motion ang paligid. Galit na galit siya sakin ngayon habang nag sasalita pero hindi ko siya marinig. Napatitig lang ako sa mala-anghel niyang mukha at hindi ko mapigilan yung sarili ko na mangiti. "Aray!" Reklamo ko ng pitikin niya ko sa nuo. Kaya naman nagising ako sa katotohanan at napatingin ulit sakanya. "Talagang tinitigan mo lang ako?! Alam mo bang nag kabukol yata yung ulo ko!" Sigaw niya pa habang naka pamewang. Grabe siya. Nag sorry na nga yung tao eh. Hindi ko naman talaga sinasadya na tamaan siya. "Sorry." Pout ko sakanya habang nakatitig. "Sorry lang?!"Galit niya nanamang sigaw habang pinandidilatan ako. "Bakit? Gusto mo ba idala na kita sa clinic?"  "Malamang!" Sigaw nanaman niya. Kaya naman napapikit nalang ang isa kong mata habang lumalayo ng konti sakanya. Kaya niya naman ng mag isa pero nag papasama pa. Pero dahil kasalanan ko naman. Inakay ko na siya at tahimik na lumakad.  Bigla naman siyang nag smirk ng tumingin sakin. Kaya naman napataas ako ng kilay. "Bakit ba tingin ka ng tingin?!" Reklamo ko sakanya. "Bigla kasi kitang nakilala. Ikaw yung tatanga tangang babae na dinala ko nung nakaraang araw sa clinic." Sagot niya habang tumatawa.  "Grabe sakit mag salita. Ako? Dinala mo sa clinic? Di nga kita kilala eh." Asar na sagot ko sakanya ng tawagin niya kong tanga. "Ikaw 'yon. Sure ako." Dagdag niya pa kaya naman bumitaw ako sa pag kakaalalay sakanya. "Pano mo naman nasabi?!" Pag mamasungit ko habang humaharap sakanya.  Ngumiti lang siya at tumawa ng malumanay habang tinitignan ako. Bigla ko tuloy naalala yung nangyari nung nakaraan. Na may nag dala saking lalaki sa Clinic. Siya 'yon?! Ibig sabihin binuhat niya ko? Nabuhat niya ko na parang prinsesa? Napaimagine tuloy ako sandali habang buhat niya ko sa isip ko. Gwapo pala talaga yung nag dala sakin. Akalain mo tama si Best sa sinabi niya. Best?! Bwisit naalala ko nanaman siya. "Tanga ka ba?! Kita mo oh. Ayan pa yung bukol mo sa nuo. Saka yung bag mo na binuhat ko ang bigat kaya niyan." Panira niya sa pag iimagine ko. Napaka yabang.  "Ok kaya nga idadala na kita ngayon sa Clinic para kwits na tayo diba?" Asar kong ngiti sakanya. "Ah. Yan pala yung ganti mo pa sa pag tulong ko sayo. Ok." Bigla niyang seryosong sabi sakin habang lumalapit. Nilapit niya yung mukha niya sa mukha ko at "Kalimutan na natin yung Clinic. Idadala nalang kita ng Dean's Office." Pananakot niya pa kaya naman napakunot ako ng nuo. Bigla niya naman akong hinila hanggang sa makapasok kami sa isang room. Nag tinginan tuloy samin yung mga kaklase niya. Binitbit niya yung kulay violet niyang bag at bumalik sa pag kakahila sakin. "Bitiwan mo na nga ako! Masakit na kaya! Susunod ako. Wag kang mag alala hindi ako tatakas." Inis kong panlalaban sakanya.  "Fine." Tanging sabi niya lang habang bumibitaw sakin. "Alam mo nakakainis kana. Kanina pa tayo palakad lakad ha! Pati bag mo nakakainis titigan!" Reklamo ko sakanya habang sumusunod. "Pati bag ko dinadamay mo pa. Sumunod ka nalang." "Bakit kasi violet pa?" Inis kong bulong habang sumasabay na sa pag lakad niya. "And so?" Irap niya. Grabe ang lakas ng tenga. "Teka lang? Doon banda yung department namin. Ang layo na natin ah?" Gulat kong realized habang humaharap sa direction ng building namin. "Nag bago na isip ko. Nandito na tayo." Ngiti niya naman sakin sabay hila papasok ng pinto. "Milktea shop?" Tingin ko sakanya. "Oo bakit? May problema ba? Sa nauuhaw na ko eh." Masungit niya nanamang sabi kaya naman naupo nalang ako at tumahimik. "Sabi kay Dean daw..." Asar ko pang bulong habang nakatingin sakanya na nag bababa ng bag. "Ayaw mo non di na kita isusumbong?" Ngisi niya pa sakin. Kaya naman nanlaki yung mata ko at umayos ng upo. Ang gwapo niya─lumakas tuloy yung t***k ng puso ko. "Ano gusto mo?" Seryoso niya pang tingin nanaman sakin. "K-kahit ano..." Ilang kong sagot sakanya at tumingin na sa ibang direction. Napabalik naman ako ng tingin sakanya at tinitigan siyang gwapong gwapong nakatingin sa itaas na menu. Kanina kayabang niya tapos bigla niya nalang akong niyayang bumili dito. "Oh." Abot niya sakin ng Dark Chocolate Milktea. Favorite ko. Napatingin tuloy ulit ako sakanya at nahihiyang kinuha 'yon. "Thank you." Ngiti ko sakanya habang ramdam na ramdam ko yung kabog ng puso ko. *Ring*Ring* "Ahm Excuse lang." Salita ko sakanya. Tumango lang siya nag patuloy sa pag kain ng donut.  Kakaiba yung feeling ko ngayon. Ngayon lang ako kumain sa labas na may kasamang lalaki bukod kay Nick. "Hello?" Sagot ko habang lumalayo sakanya.  "Hoy babae! Asan ka ba?!" Sigaw sakin ni Mars sa kabilang linya. "Nandito sa tapat ng school. Bakit?" Taka ko pang tanong habang sumisilay sa lalaking kasama ko. "Di mo ba nabalitaan na ngayon daw yung long quiz natin? Pumunta kana dito bago dumating si Ma'am! Pakopya na din tuloy..." Salita niya na ikinalaki ng mata ko. Patay. May klase pa nga pala ko! "Aalis na ko. Maiwan na kita ah." Mabilis kong kuha sa bag ko at milktea na bigay niya sakin. "Bakit nag mamadali ka?" "Nakalimutan ko may klase pa kasi ako. Bye! Thank you dito." Mostra ko sakanya at mabilis na tumakbo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD