Pagod siya sa pakikipag usap sa mga bisita, lalo na sa katatapos lang nilang activity na mag asawa. Bagamat ganun ang pagod niya ay masasabi niyang sulit ang pagod niya ngayong araw. Di mababayaran ng salapi ang kasiyahan na dulot niyon sa kanyang puso. Bagaman nagulo ng bahagi ang huling bahagi ng kanilang selebrasyon ay di naman iyon naging dahilan para masira ang kanyang kasal. Hindi ang isang spoiled brat na anak ni Mayor ang sisira sa sayang kanilang nadarama. "Galit kaba sa ginawa ni Digna?" Tanong ng asawa na humiga na sa kanyang tabi. "Kahit sino naman siguro ay magagalit sa ginawa niya, pero somehow I understand where she is coming from. Mukhang dead na dead sayo yung bruha." Sabi niya na ikinatawa nito. "I didn't give her any hint or false hope about us. Gumagawa lang siya pa

