Nagising siyang nanginginig sa sobrang lamig. Di niya lubos akalain na ganun kalamig. Halos mangatog siya sa lamig, pero ng kalaunan ay na realize niya na muli na naman pala siyang sinusumpong. "Nilagnat ka, tsss dapat kasi di tayo masyado nag lakwatsa kanina e." Masuyong sabi ng asawa na nilalagyan ng basang bempo ang kanyang noo. Gusto niyang pumalahaw ng iyak, sa sakit na biglang lumukob sa kanya. Tila namingi siya na di niya mawari, di niya nagawang magsalita dahil tila naparalisa maging ang kanyang dila ay di niya mautosan na magsalita, parang nakatali o parang namamaga ito na di niya magawang maigalaw man lang. "Hey, don't cry baby masakit ba ang ulo mo? Just rest okay? Do we need to bring you to the hospital?" Tanong pa nito sa kanya. Nang di parin siya sumagot ay tila natarant

