Pagbaba namin dumeretso na kami sa kusina. Nagulat ako ng batiin nila ako.
"Naghanda kami ng kunting salo salo para sayo miss A." Sabi nila sa akin. Nagpasalamat ako sa kanila.
"Alam mo ba kung sino ang may pasimuno nito?" Bulong sa akin ni Mitch. Napatingin ako sa kanya.
"Sino pa kundi si Vice." Sabi ni Mitch sa akin. Napatingin ako kay Zid. Nakita ko na nakatingin siya sa akin. Namula ako kaya umiwas ako ng tingin.
Sumunod na araw tanghali na kami nila Mitch. Kami ni Mitch ang nakatoka para magikot. Sila Olive at Yeula ang nakabantay sa likod na gate may dalawa pa silang kasama.
"Grabe ang daming Infected parin sa labas. Pano kaya tayo makakalabas niyan?" Sabi ni Mitch habang nakatingin kami sa taas ng school kita kasi ang labas. Nakatumpok sila aa gate ng school kasi nararamdaman nila ang mga kilos namin sa loob.
"Sabi nila may kukuhanin silang sasakyan. Para masakyan ng mga tao. Naghahanap pa sila ng lugar na maari nating lipatan. Pagnakahanap na sila sasabihan na nila tayo." Sabi ko sa kanya. Bumaba na kami. Papunta kami sa likod pagdaan namin sa CR. Nakarinig kami ng kaluskos dito. Nagkatinginan kami ni Mitch. Pumasok kami sa loob nakita namin ang isang bata.
" Anong ginagawa mo dito? Sino ang kasama mo?" Tanong namin sa kanya.
" Mama. " Sabi niya saka tinuro ang banyo. Nakarinig kami ng kalampag sa loob.
"Excuse me may tao ba diyan sa loob?" Tanong ko . Saka kinatok ko ang pintuan. Biglang kumalabog ang pintuan. Parang may nagwawala sa loob. Nagkatinginan kami ni Mitch.
" Dalahin mo ang bata sa labas Mitch. " Sabi ko aa kanya.
" Pano ka? " Tanong niya sa akin.
" Ayos lang ako. Ilabas mo na ang bata. " Sabi ko sa kanya.
" Sige, tatawag narin ako ng tutulong sa atin. " Sabi ni Mitch. Tumango ako. Nilabas na niya ang bata. Patuloy na nagwawala ang nasa loob. Nakita ko na makakaya niyang sirain ang lock. Humanda ako. Kinuha ko ang map na nasa tabi. Saktong nahahawakan ko ang map. Nasisisra ang pintuan. Mabilis na sinigod ako nito. Hinarang ko ang map sa kanya. Napasandal ako sa ding ding. Nakita ko na iba na ang kulay ng mata niya. Malakas na sinipa ko siya. Bumalandra siya sa tabi. Umayos ako ng tayo. Mabilis na tumayo ito. Pero bago pa siya makasugod sa akin. May humigit sa kanya. Saka malakas na binalandra siya sa tabi. Sabay tukod sa kanya at pinaputukan siya sa ulo. Napatanga ako. Tumayo si Zid at nilapitan ako.
"Ayos ka lang?" Tanong niya sa akin. Doon lang ako natauhan. Tumango ako.
"Ilabas na niyo yan at linisin niyo dito. " Sabi niya sa mga kaibigan niya na kararating lang.
"Hindi ka ba nasugatan?" Tanong niya uli sa akin.
"Hindi, ayos lang ako." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka huminga ng malalim.
"Bakit kayo lang ang nagiikot?" Tanong niya.
"Nagmemeryenda kasi yung dalawa naming kasama. " Paliwanag ko sa kanya. Hindi siya umimik. Hinatid niya ako sa Canteen.
"Aalis na ako. Kukuha pa ako ng gamit para ayusin ang pintuan ng banyo." Sabi niya sa akin.
"Zid!" Tawag ko sa kanya. Lumingon siya sa akin.
"Salamat uli." Sabi ko sa kanya. Tumango siya saka ngumiti. Bago tumalikod na.
"Zane! Kumusta ayos ka lang ba?" Tanong ni Mitch sa akin. Tumango ako sa kanya.
"Pano kayo nagkita?" Tanong ko sa kanya.
"Nakasalubong namin siya sa hagdan. Kararating lang nila. Tinanong niya ako kung nasaan ka kaya sinabi ko sa kanya. Yun lang at tumakbo na siya sa CR. " Sabi ni Mitch.
" Nasan na yung bata? " Tanong ko sa kanya.
" Nandun sa mama mo. " Sagot niya sa akin.
" Anong nangyari sa taas miss A. Bakit nakarinig kami ng putok ng baril? " Tanong ng mga nagluluto sa amin.
" May isa na naman pong naging infected sa atin. " Sagot ni Mitch.
" Sino? " Tanong ni Aling Lydia.
" Yung babae na may anak na batang lalake. Nung isang araw lang siya dumating. " Sabi uli ni Mitch.
" Yung parang adik na medyo payat. Sabi nila nagtatrabaho daw yun sa Beer House dati. " Sabi naman ni Aling Bining.
" Talaga? " Sabi naman ni Madame Sandra.
Tumango naman si Aling Bining. Nagpaalam na mjna ako sa kanila.
" Tapos na naman ang Ship natin diba. Maliligo muna ako. " Sabi ko kay Mitch.
" Sama ako sayo. Gusto ko ding maligo. Ang init maghapon. " Sabi naman ni Mitch. Tumango na lang ako sa kanya. Pagdating namin sa silid nandun na sila Olive.
" Eto na pala sila." Sabi ni Yeula.
"Bakit?" Tanong ko sa kanya. Nagulat ako ng yakapin ako ng nanay ko.
"Buti naman at ligtas ka anak." Sabi niya sa akin. Ayos lang po ako nay. " Sabi ko sa kanya.
'Wag mo ng gagawin sa susunod yun anak. Tumawag ka ng makakatulong hindi yung haharapin mo magisa ang infected. Sabi pa naman ni Berto malakas daw ang infected. " Sabi ni nanay sa akin. Totoo yun malakas ang isang Infected ilang beses ko na silang nakaharap. Sa totoo lang kinabahan din ako kanina.
" Wag na po kayong magalala nay. Ayos na naman po ako." Sabi ko sa kanya.
" Wag po kayong magalala nadiyan naman po si vice handang magbuwis ng buhay kay A. " Sabi ni Mitch. Siniko ko ito.
" Ha? " Sabi ni nanay.
"Naku nay wag niyo pong intindihin ang sinabi ni Mitch. Nagbibiro lang po siya. " Sabi ko saka sinamaan ko ng tingin si Mitch. Natawa sila Olive.
" Maliligo lang po kami nay. " Paalam ko kay nanay. Sumama narin sa amin sina Olive.
" Ikaw sinasabi mo kay nanay. Kainis ka talaga. " Sabi ko kay Mitch.
" Bakit? Totoo naman ang sinasabi ko no. Halos liparin kaya ni vice ang CR kanina ng malaman niga na may kasama kang Infected sa loob. " Sabi nito. Hindi na lang ako umimik.
" Alam mo halata na talagang may gusto sayo yang si vice e. Hindi lang makapag salita. Natotorpe sayo A. " Sabi ni Yeula.
" Ang tapang na tao. Si A lang pala ang katapat. " Sabi naman ni Olive.
" Tigilan niyo nga yung tao. Wala naman sinasabi. Masyado lang kayong tamang hinala e. Lahat naman tayo niligtas nila no. " Sabi ko sa kanila habang naliligo kami.
" Oo. Pero iba talaga ang pagaalala niya kapag ikaw ang nanganganib. " Sabi na naman ni Mitch.
" Ewan ko sa inyo. Maligo na nga kayo baka kakain na tayo. " Sabi ko sa kanila.
" Namumula siya. " Tukso nila sa akin. Sinabuyan ko sila ng tubig. Tawa sila ng tawa.