bc

(The lost city Book 1) The beginning

book_age18+
56
FOLLOW
1K
READ
HE
badboy
campus
like
intro-logo
Blurb

Parehong kilala sa school si Aeris at Zid. sa magkaibang aspeto kilala sa pagiging campus queen at sa pagiging President ng scholl council Si Aeris samantalang Sikat na sanggano naman si Zid. Leader siya ng isang grupo na kinatatakutan sa school. Kaya inis sa kanya ang dalaga. Samantalang lihim na may pagtingin naman si Zid kay Aeris. Ayos lang sa binata kahit na bwibwisit si Aeris sa tuwing nakikita siya nito basta siya gumaganda ang araw niya makita niya lang ang dalaga. Pareho silang palaban sa klase at kahit sa mga sports kilala sila. Kaya lagi silang panlaban ng schol pero biglang nagkaroon ng pandemya sa lugar nila na umabot sa kinailangan nilang ipaglaban ang lahat hindi lang ang sarili nila upang mabuhay. Pano pa magkakaroon ng pagkakataon si Zid na aminin kay Aeris ang damdamkn niya para rito? May pagasa pa ba na maging sila kung nagkakagulo na ang lahat?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
"A, balita ko nanalo ka na naman daw sa archery. Nanguna na naman ang school natin sa larangan ng sport pareho kasi kayo ni Zid hindi nagpapatalo." Sabi ni Olive. Habang naglalakad kami papuntang canteen. Napasimangot ako ng marinig ko ang panganlan niya. Ng mapatingin ako sa gilid nakita ko ang grupo ni Court na binubully ang isang lalakeng studyante. "Wala na naman magawa itong mga bwisit na ito." Sabi ko saka nilapitan ang mga ito. "Wala na naman kayong magawa no? Nakakita na naman kayo ng mas mahina sa inyo kaya kinikikilan niyo na naman." Inis na sabi ko sa kanila. Tumingin sila sa akin. Ngumise ang isa sa kanila ang pinaka leader nila. "Andito na naman pala ang pakealamerang babae ng skwelahan. Alam mo maganda ka sana, kaso pakealamera ka lang. Sayang naman hinahangaan pa naman kita." Sabi nito sa akin. "Hindi ko sinabi na hangaan niyo ako. Pakekealaman ko kayo hangat mali ang nakikita ko na ginagawa niyo dito sa loob ng skwelahan. Dahil katungkulan ko yun bilang President council niyo. Isa pa bakit kaya hindi kayo magbanat ng mga buto niyo ng hindi kayo laging umaasa sa pinagpaguran ng iba." Sabi ko sa kanila. Inis na humarap ito sa akin. " Bakit naman kami magbabanat ng buto namin? Hindi naman kami katulad mo na mahirap kaya kinakailangan sumipsip sa itaas para makapagaral lang sa katulad nitong skwelahan." Sabi ng babae na kasama nila. Inis na hinarap ko ito. "Mahirap nga ako pero marunong akong magbanat ng buto at tumayo sa sariling paa ko at higit sa lahat hindi ako nakaasa sa magulang ko. Hindi kagaya niyo nakatapak parin sa sapatos ng mga magulang niyo. Sabi niyo nga hindi kayo dukha na katulad namin pero bakit namamalimos kayo sino ang mukhang dukha sa atin ngayon. Isa pa hindi ko kailangan sumipsip sa itaas para makapagaral ako dito. Pinaghirapan ko ang dahilan kung bakit ako nandito nagaaral. Sarili kong pawis ang pinuhunan ko. Kayo sarili niyo bang pagsisikal kung bakit kayo narito? Kung hindi sa mga magulang niyo wala kayo rito. Kaya wag kayong magyabang dahil mas nakakaawa pa kayo kesa sa akin. " Inis n sabi ko sa kanila. Inis na nilapitan ako ng isa. " Ikaw ang yabang mo talaga no. Sinong namamalimos na sinasabi mo? " Sabi ng isang lalake sa akin. Inis na hinarap ko ito. Hinihila na ako ni Olive. " Kayo. Sino pa ba? Sa tingin niyo ano ang ginagawa niyo? Hindi ba pamamalimos yan? nanghihingi kayo ng pera sa kapwa niyo studyante, nakakaawa kayo. Ganyan na ba kayo ka miserable hindi kayang ibigay ng magulang niyo ang mga pangangailangan niyo kaya sa iba niyo na lang hinihingi. " Sabi ko dito. " Abat! Gaga to ah. " Saktong hahawakan ako ng lalake ng may humawak sa kamay niya. " Subukan mo ng hindi na makilala yang pagmumukha mo. Tama ang lahat ng sinabi ng president natin. Bakit naghihirap na ba kayo at nanghihingi na kayo sa kapwa niyo studyante? Ilang beses ko narin sinabi sa inyo diba. Na sa labas niyo gawin ang mga kalokohan niyo kung ayaw niyo ng sinisita kayo. " Sabi ni Zid sa mga ito. Tiningnan ako ng leader nila ng masama . Saka tinapon ang sigarilo niya sa baba sabay tinapakan nito. Aktong aalis na ang mga ito ng tawagin uli sila ni Zid. "Yung basura niyo naiwan niyo. Gusto niyo bang ako pa ang magdampot niyan." Sabi nito. Agad na bumalik ang lalake saka dinampot ang sigarilyo niya. Sabay umalis na. Humarap sa akin si Zid. "Ayos ba ang ginawa ko miss President?" Tanong niya sa akin. Inis na inirapan ko siya saka ako umalis. Natatawa na tinapik siya sa balikat ng kasama niya na si Vince. Huminga na lang siya ng malalim. "Grabe, akala ko malalaglag ang puso ko sayo A. Buti na lang dumating si Vice nakahinga ako ng maluwag. " Maarteng sabi ni Olive. Natawa ako dito. " Andiyan lang pala kayong dalawa kanina pa namin kayo hinahanap. " Sabi ni Mitch ng salubungin nito kami pagpasok namin ng canteen. " Kasi itong si A nakipag away pa sa grupo nila Court." Sabi ni Olive sa mga ito ng maupo na kami. " Naku siraulo pa naman yun. " Sabi ni Yeula " Sinabi mo pa. Bastos pa yun. " Sabi naman ni Nicole. Hindi na lang ako umimik. " Buti na lang nga dumating si Vice. Akala ko talaga mapapaaway si A." Sabi uli ni Olive. " Ayun, si Vice ang hindi nila kayang harapin. Dahil siguradong hindi yun mahilig makipaglokohan sa kanila. " Sabi ni Mitch. " Isang sitahan nga lang sa kanila. Umalis na nga sila agad. " Sabi uli ni Olive na tumatawa. Hindi ako umiimik. " Hangang hanga sila dun e yun ang pasimuno sa mga kalokohan dito. " Bulong ko sa isip ko. " Malapit na naman ang Exam natin. Tutukan na naman tayo sa pagaaral. " Sabi ni Yeuna. Na napasimangot. Sa aming lahat ito ang tamad magaral. Lahat sila anak mayaman. Puro spoiled brat. Ako lang ang mahirap sa kanila. Pero matataas lahat ng grades namin lahat. Kahit kasi mga spoiled brat sila matatalino naman sila. " Basta sabay sabay tayo mag review ha. " Sabi ni Olive. Tumango sila. Kinahapunan dumaan muna ako sa palengke para tulungan ang nanay at kapatid ko sa pagtitinda. Bago sabay na kaming uuwi. Half day lang ang pasok ng kapatid ko hindi kagaya ko na buong araw. Pagdaan namin sa skinita nakita namin na nagkakagulo na naman. Nagkalat ang mga alagad ng batas at ambulance sa labas. Madalas na ito sa lugar namin kaya sanay na kami. Para na itong pangkaraniwan sa amin. Punong puno kasi ng bisyo ang lugar namin. Talamak ang droga at sugalan. Nakisiksik kami sa nagkukumpulang mga tao. "Anong nangyari Mameng?" Tanong ni nanay sa kapit bahay namin. "Naku yung anak ni Josie na binata nanggaling kagabi sa isang Bar dahil nagpa celebrate ang Boss nila sa kanila sa tagumpay ng project nila. Kanina daw kakaiba ang kinikilos nito bigla na lang daw tumirik ang mata at pinagkakagat si Josie. Kaya tumakbo palabas ang anak na babae ni Josie si Mila nanghingi ng tulong sa mga tambay. Pinagtulungan nila ito na itali. Kaya ayun dinala ng mga pulis at dinala sa ospital si Josie kasi wak wak ang braso niya. Grabe kung makikita mo ang itsura ng anak ni Josie parang wala na sasarili saka iba ang mata niya. Nagwawala siya ng husto. baka sa mental na nila yun dadalahin hindi na sa prisinto. " Sabi ni Aling Mameng. Napakunot ang noo ko. " Ano kaya ang ininom nun sa Bar. Ayos naman yun kahapon. Wala nga yung bisyo yun nga ang mabait na anak ni Josie. " Sabi ng isa. Umuwi na kami nila nanay dahil nakadaan narin kami kasi isa isa ng nagalisan ang mga tao sa daan.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
162.4K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
107.4K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

His Obsession

read
77.0K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
70.5K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
21.2K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook