Kinabukasan maaga pa ako nagising. Para magluto ng pagkain namin at para narin magasikaso ng pagpasok sa skwela. Pagkatapos namin kumain sabay sabay kami na umalis. Kami ni Tim papasok sa school si nanay naman magtitinda sa palengke. Hinatid muna namin si nanay sa palengke.
"Dito na po kami nay." Paalam ko kay nanay. Hinatid ko muna sa school niya ang kapatid ko bago ako pumasok sa schol ko. Sumakay ako ng tricycle dahil medyo malayo ng konti sa lugar namin ang Montessori.Hindi kagaya ng skwelahan ng kapatid ko nilalakad lang namin kasi malapit lang sa palengke
"A!" Sigaw ni Yeula ng makita nila ako na pumapasok sa gate ng Montessori. Ngumiti ako sa kanila.
"Kanina pa kayo?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi kakarating lang namin. Kumusta nagawa mo ba ang assignment natin sa Math?" Tanong niya sa akin. Tumango ako sa kanya.
"Ipaliwanag mo nga sa akin yung Chpater 2 dun may hindi ako maintindihan eh. " Sabi ni Mitch sa akin. Tumango ako saka pumasok na kami sa loob ng room.
" Grabee talaga si Mrs Santos napaka teror niya masyado no. " Sabi ni Olive. Katatapos lang ng klase namin.
" Oo nga, kaya minsan hindi na ako nahinga pag siya na ang teacher natin. Lahat ba naman bawal. Bawal kang timingin kahit saan. Bawal magsalita hangat hindi niya sinasabi na pwede na kayong magtanong." Sabi ni Mitch tawa ako ng tawa sa kanila. Lumabas na kami ng room oras na kasi ng break time namin.
" Mauna na kayo, mag babanyo lang ako." Sabi ko sa kanila.
" Sama ako sayo A." Sabi ni Nicole sabay hawak sa braso ko. Nauna na sila Olive sa canteen.
Pumasok naman kami ni Nicole sa CR. Maraming nag CCR ng pumasok kami.
"Ang tagal naman niyan kanina pa siya sa loob naiihi na ako." Sabi ng isa.Nakita ko na mahaba na ang nakapila sa Cubicle.
"Sino ba ang nasa loob?" Tanong ko sa kanila.
"Hindi nga namin alam kung sino ang nasa loob." Sagot ng isa. Nang kumalampag sa loob. Napalingon kami dito. Napakunot ang noo ko.
" Ayos ka lang ba? " Tanong ko dito. Hindi ito sumagot kaya tinulak ko ang pintuan. Nagulat kami ng makita na nangingisay ito sa cubicle. kinuha ko ang panyo ko sa bulsa ko saka nilapitan ito. Sinalpakan ko ang bibig niya ng panyo. Biglang tumirik ang mata nito at nawalan ng malay. Nataranta ako ng hawakan ko ang leeg niya na wala na itong pulso.
" Anong nangyayari sayo? Humingi kayo ng tulong sa faculty room sabihin niyo may sinumpong dito ng Epilepsy. " Sigaw ko sa kanila. Pero mga nakatanga lang sila.
" Ako na lang sabi ni Nicole. Kaso ng aktong aalis na ito biglang nagising ang studyante bigla ako nitong inatake nahawakan ko ang ulo nito. Nagsigawan ang mga studyante sa gulat nagtakbuhan ang iba. Nagpapambuno naman kami ng studyante. Hindi ako nito makagat kagat kasi nakasalpak sa bibig niya ang panyo ko. Kaso natanggal ito sa pagpapambuno namin. Kakaiba ang lakas niya. Saka para siyang nawawala sa sarili niya. Kaya ginamit ko ang lahat ng lakas ko para pigilan siya. Napaupo ako sa cubicle habang hawak ko ang ulo niya. Nagulat ako ng may humablot dito sabay binalandra ito sa ding ding.
"itali niyo ang kamay niya at paa bilisan niyo." Sabi ni Zid. Saka sinalampakan ng notebook ang bibig ng studyante. Tinali nila ang kamay at paa ng studyante. Saka lang may dumating na mga teacher.
"Anong nangyayari dito?" Tanong ng principal.
"Si Donna Sir na wawala sa sarili." Sabi ni Zid saka inalalayan ako na tumayo sa pagkakaupo ko sa cubicle. Huminga ako ng malalim saka tumayo.
"Ayos lang kaya kong tumayo." Sabi ko at hindi tinanggap ang kamay niya. Huminga na lang siya ng malalim.
"Dalahin niyo siya sa clinic." Sabi ng Principal pinagtulungan nila Zid si Donna papunta sa clinic.
"Grabe nakakatakot ang itsura niya. Para siyang nabaliw. Buti na lang hindi ka nakagat niya A." Sabi ni Nicole sa akin. Hindi ako nakaimik dahil hindi pa ako nakakamove on sa nangyari.
"Ayos lang kayo?" Tanong nila sa amin ng makita nila kami.
"Hmm." Sagot namin. Naupo na ako sa mesa.
"Sabi may nabaliw daw sa CR at gustong mangagat." Sabi ni Mitch.
"Oo no, si Donna ng section Seven. Nabaliw at gustong kagatin si A." Sabi ni Nocole.
"Talaga? Ikaw pala yun A?" Tanong nila. Tumango ako. Nagkwento naman si Nicole.
"Ay, grabe A. Buti hindi ka nakagat niya no. Sabi kasi ng mommy ko ang mga may sakit ng epilepsy nakakahawa daw ang laway nito." Sabi ni Mitch sa akin.
" Loka loka, Ano kaba hindi nakakahawa ang epilepsy. Kasi may naging pasyente si mommy ko na may sakit na ganyan. Kailangan lang kapag sinumpong ang pasyente ng epilepsy kailangan mong agapan ang dila niya kailangan may isalpak ka sa bibig niya para hindi niya makagat ang dila niya." Sabi ni Olive dahil doctor ang mommy nito.
" Ay, kaya pala sinalpakan mo ng panyo ang bibig ni Donna. Akala ko kaya ka gustong kagatin ni Donna kasi sinalpakan mo siya ng panyo mo. " Sabi ni Nicole. Natawa kami dito. Yun ang naging topic ng mga studyante sa loob ng canteen ang nangyari sa CR. Bigla silang nagsitahimik ng pumasok ang grupo nila Zid. Pumunta ito sa akin.
" Sa susunod pag ganun ang sitwasyon matuto kang humingi ng tulong. Alam mo bang yang katapangan mo na yan ipapahamak ka niyan. Pano kung nakagat ka ni Donna?" Inis na sabi ni Zid sa akin. Inis na tiningnan ko ito.
"Teka nga ano bang kinagagalit mo? Hindi porket niligtas mo ako kanina pwede mo na akong sermunan at isa pa pala bakit ka nga pala nasa CR ng mga babae kanina? " Tanong ko sa kanya. Napakamot ito sa ulo niya.
"Narinig ko kasi na may sumigaw sa CR niyo kaya pumunta kami dun." Sagot niya sa akin.
" Wag ka ng magalit A kung hindi sila pumunta dun baka nakagat kana ni Donna kanina." Bulong ni Nicole sa akin. Huminga ako ng malalim.
" Tayo na nga." Sabi ko kayla Olive saka tumayo na.
" Siya nga pala. Salamat kanina. " Sabi ko na lang sa kanya bago ako tumalikod.
" Buti naman natuto karing magpasalamat.Kala ko aalis ka na naman ng hindi man lang nagpapasalamat." Sabi niya sa akin Inis na nilingon ko siya saka inis na hinila sila Nicole.