bc

Desiderio Domini

book_age16+
86
FOLLOW
1K
READ
dark
kickass heroine
bxg
bxb
witty
sword-and-sorcery
another world
superpower
supernatural
weak to strong
like
intro-logo
Blurb

Halina at maglakbay tayo sa isang mundo kung saan ang pantasya ay realidad. A world where reality meets magic and creatures from the fiery depths are ever threatening this wondrous world where humans live side by side with creatures we only believed to be mere figments of our imaginations. Samahan natin si Vladira as she begins her journey to find the truth about the death of her beloved father kasama ang kaniyang ever loyal friend an si Winda as they travel around the world in search for the truth along with their guildmates.

chap-preview
Free preview
Chapter 1
“Kuya sa susunod kasi, doon ka dumaan sa Centaur Lane sa gilid ng kalye. Baka mahuli ka nang mga pulis mapa-deport ka at ma-ban dito sa Sapienos” paliwanag ni Vladira sa isang tikbalang na nakita nyang nag-stop over sa pedestrian lane na para sa mga tao. Bumuntong hininga ang kabayo at sa isang kisap-mata ay nag-anyo itong tao. Magandang lalaki ito sa hiram nitong anyo at mukhang binatilyo na nasa edad kinse hanggang disesyete pero alam nyang higit libong taon na itong nabubuhay. Matangos ang ilong nito at malamlam ang mga mata. Itim at puti din ang kulay ng suot nitong sando, kakulay ng totoo nitong anyo at may payat na pangangatawan.  Napakamot ito sa ulo at ngumisi. “Ah... ganoon ba? Pasensya na, unang beses ko lang dumaan dito sa Sapienos,” paliwanag nito sa kanya. “Ngayon alam mo na kuya.” Tumango ito kumaway, “Oo. Salamat sa paalala binibini. Mauna na ako sa iyo ha? Uuwi na ako sa Liosta,” aktong magkakatawang-kabayo na ito ng parang may biglang naalala, “Naalala ko pala, may isang malaking grupo ng mga kapre na naghahanap ng mapapangasawa ang nadaanan ko kanina. Papunta sila sa direksyong ito. Kung ayaw mong maisama sa Catabo ay mainam na lumisan ka na sa lugar na ito,” iyon lang at kumaway itong muli at bumalik na sa orihinal nitong anyong batik na kabayo at mabilis na tumakbo papunta sa Centaur Lane at nawala sa isang kisap-mata. Tumawid na din naman agad si Vladira sa pedestrian lane. Wala syang balak maging senyora ng mga kapre dahil wala din naman syang balak mag-asawa. Kaka-graduate lang nya ng college at madami pa syang pangarap sa buhay. Pinagtitinginan sya ng mga taong nakakasalubong nya pero sanay na sanay na si Vladira. Nakasuot sya ng itim na roba at pulang gwantes. Kalahati ng kanyang mukha ay natatabingan ng kanyang mahabang buhok na hanggang tuhod at nakaitim syang lipstick at eyeliner. Naka-wedge sya at pula ang kulay ng kanyang mga kuko. Isang maliit na bungo ng tao ang nasa gitna ng kanyang itim na bracelet habang isang scarf na kulay dugo ang nakapulupot sa kanyang leeg na nawagayway sa ihip ng hangin. Ang suot nya ay ang normal na uniform ng mga Necromancy class graduates. Pero hindi ito normal sa iba dahil solo lang siyang grumaduate bilang isang Spiritualist, ang tawag sa mga estudyanteng hindi pa nagma-masteral para maging Necromancer, ang pinakamataas na titulo na kayang maabot ng isang tulad niyang galing sa Medium class. Noong first to fourth year college sya, ang tawag sa kanya ay isang Medium. Isang estudyante na may kakayahang makapagpapasok sa katawan sa mga namayapang ispirito ng tao. Pinag-aaralan naman ng isang Medium sa college kung papaano magtawag ng mga ispirito at kausapin ng harapan ang mga ito. Noong grumaduate sya ay naging Spiritualist na sya at kayang-kaya na nyang makipag-chikahan sa mga pumanaw na. Minsan nakakapagod pero kadalasan ay nakakatuwa dahil madami kang natututunan sa mga ito. Pero ang Necromancer class ang pinaka-kakaiba, kinatatakutan at iniiwasang kurso ng mga bata dahil lahat nga naman ay takot sa multo, maliban sa kanya na isang napakagaling na Necromancer ang kanyang namayapang ama. Meron ding haka-haka na lahat ng Necromancer ay namamatay agad. Pero para sa kanya, lahat naman ay maaring mamatay ng maaga at kung talagang oras na ng isang tao ay oras na talaga nya. Sanay na din naman sya sa reaksyon ng mga ito at hindi na rin iba sa kanya na sya ay kinakatakutan. Binilisan ni Vladira ang lakad papunta sa tagpuan nila ng kanyang kaibigang si Winda. Magpapasa sila ng resumes sa mga guild ngayon at kailangan silang makadami dahil sa Akimrea pa sila maghahanap ng guild. Namataan ni Vladira ang isang babaeng nakatayo sa harap ng rebulto sa parke. Nakasuot din ito ng roba pero kulay violet ito at kulay puti ang gwantes. Violet din ang kuko, lipstick at eyeliner nito. Naka puting hair clip ang itim na buhok nitong hanggang balikat. Puti ang wedge nito at puting usok ang disenyo ng suot nitong bracelet. Tulad nya ay meron din itong scarf sa leeg pero kulay puti naman. Maganda ito at nakangiti sa kahit sinong taong mapatingin dito. “Vladira! Grabe! Akala ko mamaya pang hapon ang dating mo!” sigaw nito sa kanya ng makalapit na sya dito. “Pasensya na Winda, meron kasing tikbalang na nagkamali ng daan...” Umikot ang mata nito at tinaas ang kilay bago sya dinuro, “Vladira, kelan pa ba papasok dyan sa kokote mo na hindi lahat ng nilalang dito sa Gaia ay kailangan mong tulungan! Pasalamat ka at mabait yung tikbalang at hindi tumitingin sa panlabas na anyo! Paano na lang kung ang natulungan mo ay isang taong sa halip na magalak ay ipakulong ka pa sa kasong pananakot?!” “Oo na, oo na... Wag na nating pag-usapan yun at bilisan na natin. Sayang naman kung mapagsarhan tayo ng Teleportation Portal! Mahal ang bayad tsaka wala akong balak gugulin ang limang araw sa paglalakad papunta sa kapitolyo,” akit nya dito sabay turo sa Teleportation Portal gate na nasa likuran lamang ng rebulto. Ang Libertad ay ang capital city ng Sapienos kung saan nakadestino ang main office ng mga guild. Ang mga guild ang nagsisilbing training grounds at workplace ng mga nagtapos ng college sa Sapienos. Ang isang guild ay maaring tumanggap ng hindi hihigit sa dalawang-daang katao para maging guild-members. Bawat guild ay may kanya-kanyang qualifications na dapat ma-reach para makapasok sa kanila. Ngayong taon ay may tinatayang higit sa dalawang milyong guild sa buong Sapienos. Nang makapasok sila sa gate ay tumayo sila isang gilid malayo sa karamihan. Ang mga propesyon nila ay kakaiba at kinatatakutan ng ibang tao. Si Wynda ay isang Illusionist ang panglwa sa class ng Hazemancer. Dati itong Imaginer at naging Illusionist ng maka-graduate. May kakayahan itong gumawa ng ilusyon galing sa usok na nagmumula sa imahinasyon nito. Madalang ang nakuha ng ganitong kurso dahil mabibilang lamang ang mga taong may angking lawak at kulay ang imahinasyon tulad ni Wynda. Takot ang mga tao sa mga Imaginer, Illusionits at lalo’t higit sa mga Hazemancer dahil kaya nitong manipulahin at linlangin ang iba gamit ang isip lamang. Sa loob ng Teleportation Gate Portal ay isang spiritual circle ang nakaguhit sa sahig. Lahat ay nakatayo at nakikipagkwentuhan sa kani-kanilang mga kasamahan at kaibigan. Merong mga Pyromancer, Hydromancer, Glaciemancer at hindi mabilang na Performer. Ngayong taon ay boom na boom ang kurso ng Performer. Sa University nga nila ay higit dalawang libo ang grumaduate na Dancer ang pre-requisite ng Performer. Singer ang tawag sa mga batang nag-aaral pa lang ng Performer. Dancer pagkagraduate at Performer pagkatapos ng masteral. Kadalasan ay magaganda lamang, sexy, cute, talented at confident ang nakuha ng kursong ito. Pero meron din namang mga nagpipilit ipasok ang sarili sa kursong ito kahit wala itong mga talent o hitsura dahil na din sa kadahilanang mataas ang employment rate at exposure ng mga Performer dahil lumawak ang showbusiness nitong nakalipas na taon. Malaki ang kita ng mga ito kaya bentang-benta sa mga guild na halos puro Performer na ang mga myembro. “As I was saying Lizzy, kakilala ng Daddy ko ang mga Guild Leaders sa Libertad. It will be a piece of cake to apply. Ganyan talaga ang mayayaman at magaganda, madaming connections,” pagmamayabang ng isang Dancer na babae sa dalawa pa nitong kasama sa tapat nila. Kunwaring napalingon ito at plastic na ngumiti ng matamis, “Oh dear! Papunta din kayo ng Libertad?” “Oo,” tipid na sagot ni Winda na halatang nagpipigil. Tumawa ito at nagtaas ng kilay, “You honestly think that freaks like you two can get a position as a guild member? Sa hitsura pa nga lang bagsak na kayo! Your gruesome courses added insult to the injury. Walang matinong guild na kukuha sa inyo!” Si Vladira naman ang sumagot, “Kaya nga magta-try kami. Pag wala eh di wala. Wag mo na kaming idagdag sa alalahanin mo dahil dadami yang kulubot na pilit mong tinatago sa likod ng makapal mong foundation,” sabi nya dito sabay turo sa mga nakalaylay na balat na pilit nitong pinapatungan ng make-up. Pangit naman talaga itong si Eva Lozada. Nagparetoke lang kaya nagmukhang tao. Mayaman ang pamilya nito at kung ano-anong procedures ang ginawa sa katawan nito para lang magmukhang tao na nagkatawang pangit at hindi pangit na nagkatawang tao. Sobrang laki ng dibdib at parang labanos sa puti ang balat na tinurukan ng gluthathione. Kung tutuuisin nga, wala itong magiging kaibigan dahil pangit na nga eh ubod pa ng sama ang ugali, kung mahirap lang ito ay walang linta na kakapit dito. “How dare you! Wala akong kulubot!” galit na tanggi nito sabay pasimpleng itinaklob ang buhok sa noo, “Magababayad ka sa panloloko mo sa akin!” umatras ito at ibinuka ang malaking bibig. MEGA VOICE             Pagkasigaw nito ng mga katagang iyon ay isang malakas na tili ang nanggaling sa nakabuka nitong bibig at napatakip lahat ng mga tao sa loob ng Teleportation Circle sa kani-kanilang mga tainga. Ang iba ay napaluhod sa sobrang pagkabingi. Tumingin si Vladira kay Winda na parang may nakapasak sa usok sa tenga nito at walang nakikinig. Kumindat ito sa kanya at tumango. Ayaw ni Vladira ng away pero alam nya na pag hindi nya ito pinatulan ay sasabog ang eardrums ng mga tao sa palibot nila. SCREAMING BANSHEE Pagkabigkas nya ng mga katagang iyon ay may isang multo ng babae na nakakatakot ang lumitaw sa tabi ni Eva at inilapit ang bibig nito sa tenga nito at umirit ng matinis. “HANAPIN MO ANG PUMATAY SA AKIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIINNNNNNNNNNNNNN!!!” Napatigil sa pag-irit si Eva at nagtatakbo palayo kasama ng mga kaibigang nito papunta sa sulok ng circle habang habol habol ng tinawag na multo ni Vladira. “Buti nga! Ng maranasan din naman nya ang mabingi,” tatawa-tawang sabi ni Wynda na lumapit sa kanya. Bumuntong hininga na lang si Vladira at ngumiti, “Buti na lang nag-alok yung multo ng tulong kanina bago sya umakyat sa langit. Nakiusap sa akin na gusto nyang makapagsaya bago lumisan ng Gaia. Kaya yun, pinagbigyan ko... Ah... ok na? Masaya ka naman?” tanong nya sa babaeng multo na lumitaw sa harap nilang magkaibigan. “Opo. Salamat po ng madami Ma’am Vladira at napagbigyan nyo po ako. Hinding-hindi ko po kayo makakalimutan,” sagot ng dalaga sa kanya na unti-unting nagliliwanag at naglalaho sa paningin nila. “Salamat din Lucresia. Makakapiling mo na din ngayon ang pamilya mo,” pamamaalam nya dito. Nawala na ito sa paningin nila pero nakinig nila ang huling kataga nito na, “Ipagdadasal ko po lagi kayo... Salamat...” “Hay naku. Nadagdagan na naman ang natulungan mo Vladira. Dami nang magdadasal para sa iyo sa taas! Ang lakas mo na kay Lord!” sabi ni Wynda sa kanya ng bumukas ang Gate at isa-isa nang naglabasan ang mga tao. “Kulang pa nga itong nagagawa ko. Ang laki ng utang ko kay Lord. Nawa ay nabawasan kahit kaunti,” sabi ni Vladira sa kaibigang na naglalakad sa tabi nya. Ngumiti si Wynda sa kanya at tumango, “Basta ako, dapat madami akong good deeds na magawa. Nakakahiya naman kung hindi ko susuklian man lang ang second chance na binigay sa akin ni Lord,” makahulugang sambit nito sa kanya bago sila tuluyang makalabas sa gate at tumambad sa kanila ang Libertad, ang capital city ng buong Sapienos. "Ay naku sinabi mo pa! Pero for now, let's study the very basics. Alam mo naman napakataas ng standards ng mga guilds lately. Better polish up what little we know, Winda."   "Korek, Vladira! Now, nasaan na nga ba yung handbook naten about sa history ng mundong ginagalawan naten when you needed it the most?”  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
69.3K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
129.6K
bc

Ang Mahiwagang Puting Liquid

read
41.8K
bc

Luminous Academy: The Intellectual

read
41.1K
bc

Guillier Academy ( Tagalog )

read
185.1K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
100.6K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
160.4K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook