Chapter 18

2684 Words
  Six Months Later...     “Ok lang naman kami dito, but, well, wala ka ba nababalitaan diyan about what is happening back here in Libertad?”     Napakunot ang noo ko kay Mors na kausap ko ngayon using the ice element skill of Caspar that allows someone who also wields the same element to communicate with each other via a sheet of ice like mirror pero ang reflection ng kausap mo ang nakikita mo instead of your own.     “Wala naman. If it’s that important or emergency, I am sure babalitaan ako ng Imperial Ministress for Foreign Affairs. Bakit ba? Ano ba ang nangyayari?”     Parang sasagot ito pero after a minute or two of silence ay mas pinili na lang niyang umatras out of the blue, “You know what? Mas ok siguro na hindi mo alam since nandiyan ka naman safely sa Encanteria.”     “Safely? What do you mean safely?”     Pero umiwas siya at nagbago ng subject sheepishly as he tried to smile.     Gaya ni Wynda, bigla ding nagbago ang physical na hitsura niya the moment he passed his masteral. It also coincided with him breaching his fourteenth year at nagsimula nang tamaan siya ng puberty.     Medyo bumaba na ang boses nito at tumangkad bigla to the point na halos habol na kami ng height and that’s saying something dahil may katangkaran na ako, even more so than my Hazemancer friend.     Nawala na din ang baby fats niya sa katawan that made him leaner and at the same time, packed more muscle. Pati na rin sa mukha niya, nawalan na din ng bilog at naging defined na lalo ang jaws niya that made his angelic face more handsome than ever before.     Halos itapon na ng mga kasing-edad niya ang sarili nila sa kaniya when they see this tall, dark and hansome teen boy walking towards their way to ask if they have any problems he can help them with.     Pero kahit madaming nagbago sa kaniya physically, unlike Wynda, ganoon pa din ang pakitungo niya sa akin.     Mabait pa din siya, maalalahanin and overall, walang nagbago sa kaniyang sweet personality.     He still have this puppy eyes of him na ginagamit niya para paikutin ako sa mga topic na ayaw na niyang pag-usapan pa anymore.     “Kamusta ka naman diyan, Vladira? Miss na kita. Si Wynda, laging wala na dito sa guild dahil hindi na matigil ang kaniyang media engagements around the continent. Busy din ang mga guildmates natin fight guild sieges.”     Napakurap naman ako sa sinabi niya, “Wow! Nalaban na kayo ng guild sieges?! Ang galing naman!”     “Naku, hindi naman kami nananalo. It’s not the goal of Neox. Gusto lang namin magpraktis ng kinakalawang na skills ng ibang mga naunang members kaya sugod lang kami ng sugod kung saan-saang mga fortresses at nakikipaglaban sa ibang mga guilds,” masayang kwento nito as judging by his expression, mukhang enjoy na enjoy siya sa pakikipag laban, “Iba talaga pag nakita mo ang mga ka-guild natin na nalaban ng seryoso. Grabe, walang sinabi ang lower tier guilds at kahit ang mga top eight sa ibaba natin ay walang magawa at all.”     Ngumiti naman ako as I felt happy for him, “Mabuti naman at nakakasali na sa mga guild sieges ang samahan natin. At least hindi na tayo pagdududuhan ng ibang mga guilds at militar kung malakas ba talaga tayo o hindi.”     “Kaya nga. Salamat sa kinikita natin, hindi na masyadong focus sa pag-bubusiness ang Neox Sodality. We are finally becoming more guild-like and a force to be reckoned with.”     Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya, “Natin? As far as I know, kayo lang nila Wynda ang nagpapasok ng pera sa guild, hindi ako.”     “The monetary aid that the empress sent us half a year ago really sealed the deal, Vladira. Salamat doon sa perang iyon Gaius and Sasha finally declared our guild solvent for the next several decades kahit hindi tayo magpasok ng pera. Please, don’t think less of yourself, may naitutulong ka na malaki sa samahan natin, never forget that.”     I just smiled at his own cute way ng pag-papaalala sa akin na I am not the least even though the reality points that way.     “Talaga bang hindi na halos nakikita diyan sa guild manse si Wynda, Mors?” takang tanong ko and I immediately know na may mali dahil nag-iwas siya ng tingin sa akin, “Parang napaka-imposible naman na hindi siya makakatigil diyan between her supposed engagements kung sila Cailee at Candice nga ay laging nakakatambay diyan after their more than fourteen, sometimes even eighteen hours of shows.”     Bumuntong-hininga na lang ang Neomancer at napailing slowly sa akin, “Simula noong sumikat siya, she became distant and aloof. Kahit sa guild sieges, may ibang ugali siya na nilalabas na nahahalata na din nila Faz at Grasya. Siguro kung nandito ka, baka hindi siya magkakaganoon.”     “Ganiyan na siya nandiyan pa lang ako, Mors,” I pointed it out to him clearly na nagpakurap naman sa kaniya, “If you remember after pa lang ng first television interview niya, nagbago na siya abruptly. Gaya na lang din sa inyo ang pakitungo sa akin and as you well know, pinabayaan ko na lang dahil buhay naman niya iyon by the end of the day at labas na tayo on whatever she is doing.”     “Pero, naalala mo ba iyong napag-usapan natin about dun sa member noong Aindrac Order na nakita ni...”     I looked at him angrily as I try to tell him wordlessly na huwag na niyang ituloy pa ang sasabihin niya, “Mors, hindi ba napag-usapan na natin iyan?”     “But, it may be connected to the...”     Hindi na niya naituloy ang sasabihin niya sa akin dahil pinakita ko sa kaniya ang aking nag-ngangalit na expression.     As much as kakaiba ang ikinikilos ng childhood friend ko, wala pa din akong nakikitang malaking issue para manghimasok kami ng basta-basta na lang sa buhay niya.     Magkaibigan man kami simula pagkabata, ni minsan, hindi ako namakialam sa pamumuhay niya.     Truth to be told, siya pa nga ang nagdidikta sa akin ng mga dapat gawin para hindi ako pagtinginan ng ibang mga tao pag kasama ko siya dahil nga naman sa nadadamay siya sa aking masamang reputasyon.     Kahit masakit minsan sa dibdib at sa pandinig ang mga sinasabi niya, sinisikmura ko na lang iyon dahil ang lagi kong iniisip ay para na din naman sa ikakabuti ko ang mga sinasabi niya.     Though minsan, aminado ako nahahalata ko na kulang na lang huwag na niya akong samahan sa hiya.     Natanaw lang talaga siya ng utang na loob sa akin gawa ng tatay ko but beyond that, never ko nadama na close talaga kami on a personal level.     We are childhood friends but that’s about it for her.     Pero sa akin, kahit ganoon siya, she is my light. Always will.     Siya ang unang tao na nag-tyaga sa akin outside my family and househelp kaya napakalaki ng impact niya sa buhay ko.     Kahit siguro ipagtabuyan niya pa ako at lait-laitin in the future, wala akong mararamdaman kundi eternal gratitude for everything she have done para sa akin, even if it’s just for the memory of my departed father.     “Vladira...”     Napakurap ako at tsaka ko lang napansin na kanina pa pala ako nakatitig sa kawalan at naghihintay lang sa akin ang kausap ko.     “I’m sorry, Mors. Nawala lang ako sa thoughts ko for a while. But regardless, let her be. I owe her more than enough para hindi siya abalahin sa kung anong gusto niya sa buhay niya. I urge you to do the same.”     Huminga na lang ito ng malalim at tumango that made me smile a little, “Good. Now, hindi na kita aabalahin pa, namamagod na ata iyong engkanto na nag-coconnect sa ating dalawa at alam ko din na may quests ka. Pakamusta na lang ako sa lahat ng nandiyan. I’ll probably talk to you again by the end of my tenure here next year, see you by then!”     “Ingat, Vladira! Ikaw na lang ang nag-iisang ate ko na natitira, sana bumalik ka.”     Napakagat ako sa aking labi when he said that and my heart sunk when he looked at me yearningly with those puppy eyes of his na as expected, hindi nagbago kahit madaming changes na nangyari sa kaniya physically.     “Oo naman, babalik ako. Maaari bang hindi? Bye!”     “Bye!”     Iyon lang at natapos na ang usapan naming dalawa and the prince who is sitting at the corner of my bedroom let out a loud sigh.     Napalingon ako sa kaniya at nagulat ako when I saw him blushing profusely and tries to hide his face.     Aba, aba, aba...     “Eto ang unang pagkakataon na nakita kitang nagkaganyan, Caspar. Bakit namumula ang mga pisngi mo?”     Mabilis itong umiling at tumayo bago ako makalapit sa kaniya pero nacorner ko agad siya dahil isa sa mga natutunan ko sa kaniya ay ang pagigi niyang dakilang lampa.     For all the powers he posses as an enchanted, nakuha pa talaga niya ang pagiging flat-footed ng tatay niya.     That and madalas ay nalipad talaga ang mga enchanteds. Even without wings, their sheer powers alone let them command the frigid winds to carry them about.     I looked up at his face and he is really and honestly blushing and I think alam ko kung bakit.     Natamaan siya ng malala sa kaibigan ko.     “Ibang klase talaga ang Neomancers ano? Sabi nila kawangis sila ng mga anghel. Ano sa tingin mo?”     Napalunok lang ito sa tanong ko at umiling.     “Hindi pa ba tayo ganoon nagkakapalagayan ng loob para mai-share mo sa akin ang nararamdaman mo ngayon, Caspar?” may halong tampo na sabi ko dito sabay kunwari’y naiyak ako, “And here I thought totoo ang sinabi mo na parang magkapatid na tayo.”     Tumango agad ito at hinabol ako, “Oo, totoo naman ang sinabi ko na ate na ang turing ko sa iyo. Kaso hindi ko alam kung paano ipaliwanag ang nararamdaman ko. Naninikip ang dibdib ko at parang kinakapos ako ng hininga. Pag naaalala ko ang hitsura niya, napapangiti ako at kinikilig.”     “Patay tayo diyan, Caspar!” natatawa kong biro na as expected hindi niya nagets at nag-panic mode agad ito.     “Ha?! Patay?! Mamamatay ako?! Teka, immortal ako, paano ako mamamatay?!”     I just shook my head and sat at the chair of the balcony that overlooks the icy expanse of the Imperial Capital of Arcticia, “Just kidding. Didn’t I taught you na more oftentimes than not, the use of word “patay” in the mortal continent is just an expression, katatawanan lang to say that something is very serious.”     “So seryoso nga itong nangyayari sa akin ngayon?” sunod na tanong niya as he sat on the opposite chair and looked at me pleadingly for answers which I happily give.     “Very, Caspar. You are experiencing something more dangerous than playing with death itself para sa aming mga mortal. Congratulations on your first taste of love!”     Napakurap siya sa akin bago napasinghap when he finally understand what I am talking about, “Sigurado ka ba?!”     “All symptoms points to love. Mukhang malakas ang tama mo sa Neomancer ko, tell me, what attracted you to him? May dugo ka mang tao, pero ang standards mo ay kasing taas ng sa nanay mo on many things you are not even willing to confess.”     Napakurap si Caspar sa sinabi ko as he closed his eyes and tried to remember my friend, “Iyong mukha niya, it’s really like those of the angels. Walang bahid ng pula o ng kakikitaan ng mali. Everything is perfectly, his eyes, his mouth, his nose and freckles. His skin is really captivating at nakakahatak siyang magsalita.”     “Well, I can agree on all points sa sinabi mo. Ganiyan talaga siya at lalo nang lalaglag ang panga mo pag nakita mo siya sa personal,” I assured him as we saw several imperial guards of the empress kissing each other’s hands, “Nagtataka din talaga ako na out of all beings, mga engkanto at engkantada pa talaga ang kakikitaan ko ng full-acceptance sa same s*x relationships.”     He smiled at what I said and nodded happily as we saw from over yonder two female enchanteds flying to the setting sun while kissing lovingly, “Well, it wasn’t always like this. Gaya din dati ng ibang mga lahi ang Tundria sa pamumuno ng lolo ko and the ones before him. Pinagbabawal nila ang ganoong mga relasyon pero the moment that my mother was instructed by god’s vessel to accept everyone in her empire without any condition and so she did. Kahit ano pa ang gender mo o ang prefference mo in a relationship, as long as you are paying your taxes, swears loyalty to her and follows the imperial laws, tatanggapin ka niya no questions asked. Bahala ka na sa buhay mo basta nagawa mo ang tatlong iyon.”     “And in return, mas tumaas ang kita ng mga mamamayan ng Tundria, productivity increases and taxes as well. Not to mention it solidified the control of the empress because of that benevolent and equal decree. Win-win sa lahat ng angulo in my book,” impressed na wika ko as I studied his still flustered face curiously, “If ever you are serious about pursuing Mors and making him your own, I highly advise na simulan mo sa maayos na kwentuhan, followed by sweets, drinks, soft drinks to be exact, tapos makinig ka lang sa walang katapusan niyang kwento at matutuwa na siya talaga sa iyo and will remember you.”     Pero sa halip na matuwa ay malungkot ang expression ni Caspar, “Tatanggapin ba niya ang isang tulad ko?”     “Wala kang dapat problemahin diyan. Alam niya ang pakiramdam na mahusgahan dahil lang sa kanilang estado o pinanggalingan. He knows full well that someone’s past doesn’t define you as a person. It is what you do at the present to make yourself accountable and justify what you have done and be sure to dream of a better future. That’s how he rolls as a person.”     Napakurap ang prinsipe, “Rather simple, if you ask me.”     “That’s one of his many charms, Caspar. Gaya mo, he wears his heart on his sleeve at kung ano ang nararamdaman niya that very moment, iyon ang tunay at ang makikita mo sa kaniyang expression.”     “Will there be a chance, if ever?”     Nagkibit-balikat na lang ako at nag-unat, “Who knows? Labas na ako diyan. Sa pagitan ninyong dalawa na lang iyon and all I can do is watch from afar and cheer for your two, if ever nga na i-pursue mo siya. Let me warn you, madami kang kakumpetensya, Caspar. Galingan mo.”     “I will. I never felt that way before in my life. Iba kasi ang mutual attraction ng mga engkanto,” paliwanag nito na tinanguan ko naman agad.     “Napansin ko nga. More of reason and logical understanding between two ang main reason bakit nagkakatuluyan ang mga enchanteds. More of the mind, not the heart. Well, as you experienced, pag sa tao, kabaligtaran completely. It’s your heart that does all the work, the mind just shuts off.”     Napatawa na lang siya nervously as he cutely tries to calm himself down.     Who knows, magkatuluyan kaya ang dalawang ito?     Siguro pwede ko silang i-ship para naman magkaroon ng kaunting excitement and thrill ang buhay nila. Heck, even someone like me pines for a happay ending, kahit alam ko full well na hindi ako makakakuha noon ever.     It won’t stop me ever for wishing it for someone dear to me.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD