Sa tulong ng kapangyarihan ng nagmamadaling hari ng mga tikbalang ay hindi na kami nagtagal sa Liosta. Alam na ni Haring Didikto ang reason bakit kami napunta sa kontinente niya dahil kilala ang mga tikbalang na madaming alam sa mga sikreto at usapan hindi lang mga tao kundi pati na rin ibang mga immortal dahil nga sa kanilang kasing bilis ng kulog sila kung kumibo at hindi gaya ng mga pixies na sing bilis ng kidlat na wala nang nasasagap na usapan sa kanilang dinadaanan. Pero kilalang tikom ang mga bibig ng centaurs about what they know. Ayaw nila na nakikisawsaw sa problema ng ibang mga lahi. Masaya na sila na nakakalibot sa buong mundo at makasagap ng mga kaalaman na ginagamit nila para proteksyunan o pagandahin ang kanilang kontinente. “Tao ka?!” Napalingon

