Inihanda ko na ang mga sangkap at mga gamit na gagamitin. Pagkaluto ay inakyat ko ang lalaki sa kanyang kwarto dahil ayaw nitong sagutin ang tawag ko sa phone. Pabababain ko na sya dahil luto na ang request niyang ulam. “Kamahalan, luto na po ang siling bualo. Lalamig na po iyon.” Katok ako ng katok at ayaw nitong sumagot kaya pumasok ako sa knyang kwarto. Nakadapa ito sa kama at mukhang tulog. “Mantika ka ba? Ang hirap mong gisingin. Huy,” lumapit ako para yugyugin siya dahil baka lumamig na ang ulam. “Hoy gising na po, sir. Mahal na prinsipe, gising na.” “Ay damuho ka!” gulat na sabi ko nang iikot niya ako sa kama at nasa ilalim na niya ako. “Gising ka naman pala. Bakit nagtutulug-tulugan ka pa?” inis na saad ko. “May naisip kasi ako,” nanatili ito sa ibabaw ko at di naman ako kum

