Naisip ko yung plano naming magTagaytay habang nakasakay sa nirentahang sasakyan pauwi sa bahay. Matutupad pa kaya iyon o etching nya lang? :Ingat kayo sa pag uwi. text ko kay Mikee. Nasa bahay na kami. Wala namang sagot ang lalaki. Kinabukasan ay maaga kong nilutuan ang pagkain ang lalaki para ibaon niya sa opisina. Kinuha naman ito at naiwan akong muling mag-isa sa bahay. Iniintay ko ang text ni Mikee pero wala. Di rin ito pumunta at naghintay ako hanggang hapon. Pagkatapos ay umakyat na ako bandang alas sais at dadating na ulit si Marco na galing sa opisina. Iniwanan ko lang sya ng dinner niya sa kusina at bahala na sya. Sabi nya ay hwag daw kaming mag-pansinan sa loob ng bahay at sweet lang kapag nariyan ang daddy. Naging ganoon ulit ang routine ng aming buhay hanggang sa magyaya

