Dinner time. Masaya akong kakain nanaman kami. Masarap ang buffet nila. Maraming ulam at deserts. Pinakamasayang araw ko ang araw na ito. Mabait pa si Marco at kung panaginip ang lahat, ayoko nang magising pa. “Mabait ba talaga ang anak ko sayo?” “Bumabait na sya dad. Di ka ba makapaniwala?” “I don’t know parang niloloko lang tayo eh. May sinabi ka ba sa kanya?” Kumpronta sa akin ni dad habang nakapila sa buffet. May alam kaya sya? Nag-usap sila kagabi ni Marco. Mabubuking ba ako? “Baka naman po nagbabago na talaga. Wala po akong sinabi sa deal natin,” pagsisinungaling ko sa lalaki. “Ok, good, keep up the good work, Isay.” Agad kaming naghiwalay at kumuhang muli ng pagkain. Para akong special agent na may delikadong misyon at nagrereport sa boss ko. Pagkakain ay kinausap ko si Marc

