Belinda
“Beh.. doon ulit sa hide out mamaya after class ha” tumango ako ng sunod sunod at nakipag high five saaking mga kabanda.
“Oo naman!! Kitakits tayo sa hide out” I love singing pero ayaw ng mamay ko Wala daw akong mapapala sa pag babanda ko. Hindi kami mayaman sakto lang yung lahat ng aking panga-ngailangan ay natutugunan ng Mamay ko. Never kong naranasan magutom never kong naranasan na walang pamasahe at walang masisilungan. Pero ang kapalit ng kumportableng buhay ay never kong naranasan ang aruga ng isang ina.
Ofw ang nanay ko, kailangan eh dahil single mom siya. Namatay ang Tatay sa bar kung saan ito nag Pe-perform ng mga kabanda niya nang mag karoon ng gulo sa bar nasaksak ito. Isa pA ito sa dahilan Bakit ayaw na ayaw ng nanay na sundan ko ang yapak ng aking ama. Kaya kahit mahirap kailangan kong pagsabayin ang pag aaral sa umaga at pag babanda ng pA lihim sa gabi. Ayokong bigyan ng sama ng loob ang nanay ko lalo na at malaki ang sakripisyo nito mabigyan lang ako ng magandang buhay.
“Sir Aragon ano po bang kailangan kong gawin para makapasa sa klase niyo? Bigyan niyo po ako ng special project gagawin ko po” napaka hirap na man kasing paki usapan itong si Mr Aragon sakanya lang ako kulang ng credit to graduate. Nakabili na ng ticket ang mamay ko para mag attend ng graduation ko I can’t fail her lalo na at ang amo niya na Ninong ko ang nag papa- aral saakin.
“Ms. Gonzales you’re wasting your time Hindi ako nag bibigay ng special project para pumasa my rules is simple study hard to pass your finals pero Hindi mo ginawa kaya you failed” pag mamatigas nito. Napa buntung hininga ako dahil Hindi ko alam papaano kong sasabihin kay Mamay. Bagsak ang Balikat Kong nakarating sa hide out namin.
“May problema ba Beh.. tulala ka diyan” napakamot ako ng ulo. “Malaki ate Sab.. Hindi ako makaka graduate” lumapit ito saakin at inakbayan ako.
“Lalaki ba professor mo?” Napa kunot ang noo ko sa tanong niya.
“Oo ate bakit”
“Pasado ka na leave it to us” sabay ngiti nitong nakaka loko.
“Hindi ko gusto ang ngiti mo ate Sab May balak ba kayong patayin ang professor ko” natawa naman sila sa sinabi ko.
“Papaano kang papasa kung papatayin namin ang professor mo” oo nga naman May point sila.
“Kaya Huwag mo munang isipin yan mag practice muna tayo para sa Gig natin sa weekend at sosyal na bar ang next Gig natin kailangan magustuhan nila tayo para kunin tayong permanente sa bar nila malaki pa naman ang bayad nila dahil puro mayayaman ang customer” nakaramdam ako ng excitement kasi kung mayayaman ang customer baka May mga producer doon at May mag alok ng recording contract
“Ok ate Sab sige po” si ate Sabrina at ako ang lead vocalist si kuya Reginald “Reggie” ang aming pianist. Si Kuya Elias ang guitarist at si Devin ang aming singer drummer at ang aking nag iisang crush. Isa siya sa dahilan Bakit nila ako napapayag na sumali sa banda nila.
“ oo nga beh.. kaming bahala sa professor mo just focus sa practice natin ok” si kuya Reggie.
“Beh.. come here tignan mo itong arrangement ko sa kanta” tawag ni Devin saakin. Pero kahit May gusto ako sakanya hindi ako Naiilang sakanya. Gwapo siya at galing din sa mayaman na pamilya katulad ko graduating din siya at palihim lang din sumali sa banda namin. Pero Hindi katulad ko napaka talino niya kayang kaya niya pag sabayin ang pag aaral at banda. Balita nga namin ga-graduate siya sa Kursong business management as summa c*m laude.
“Hmm let me see?” Tumabi ako sakanya at pinakita niya ang arrangement niya sa isang kanta na kakantahin namin.
“Yeah I love it.. lahat naman ng arrangement mo gusto ko” nakangiti kong sambit. Ang landi ko din Hindi ako masyadong obvious.
“Eh ako kaya kailan mo magugustuhan” Meron siyang binulong pero Hindi ko masyadong marinig.
“Anong sabi mo?”
“Nothing sabi ko practice na tayo” nag kibit Balikat na lang ako. Ang practice namin ay umaabot minsan ng 10pm pero as much as possible gusto ko sana by 8pm tapos na kami para maka uwi ako ng maaga at magawa ang home work ko.
“Hatid na kita Beh” alok ni Devin. Tatanggi pa ba ako bukod sa tipid sa pA masahe crush ko pa ang mag hahatid saakin.
“Ok thank you” pabebe kong sagot. Lulan kami ng sasakyan niya at ako ay nakatanaw sa daan dahil iniisip ko pa din kung papaano ko sasabihin kay Mamay na Hindi ako ga graduate.
“Hey are you still thinking about your graduation?” Napansin niya sigurong tahimik ako.
“Yeah.. naaawa lang ako sa Mamay dahil nakabili na siya ng ticket pauwi ng Pilipinas for my graduation” napalingon ako ng hawakan niya ang kamay ko. “We told you don’t worry about it we have a plan already” Ito minsan ang pinag tataka ko sa Tuwing mag kaka dikit kami ni Devin never akong nakaramdam ng kaba or kuryente diba pag crush mo dapat ganon ang pakiramdam pag nag dikit ang balat niyo. Baka dahil alam kong Wala siyang gusto saakin at ang mga hawak niya ay walang Malisya.
“Ano bang Plano” Ngumiti ito na lalong nag pA gwapo sakanya.
“You’ll know tomorrow” mabilis nitong sagot.
Kinabukasan sa school nagulat ako ng makita ko si Devin sa parking lot. Nakasandal sakanyang mamahaling sasakyan.
“Where are you?” Tanong nito sa kabilang Linya. Ang mga babae Hindi alam kung papaano mag papansin kay Devin.
“Nandito na sa parking lot” lumingon lingon ito sa paligid at nang magtama ang aming mga mata Ngumiti ito.
“There you are the most beautiful girl in the campus” inirapan ko ito pero deep inside kilig na kilig ako. I ended the call at Mabilis akong lumapit sakanya.
“Ano bang ginagawa mo dito Devin?” Hindi naman kasi dito ang school niya sa international school siya nag aaral.
“Remember the plan para maka graduate ka?” Napa kunot ang noo ko.
“Ahh.. Ok so what’s the plan” inakbayan niya ako at Pinag dikit ang aming katawan. Kanilabutan ako ng maramdaman ko ang labi niya sa aking tenga at bumulong.
“This is the plan” panimula nito.
The plan
“Sino kayo?!” Bakas sa muka ni Sir Aragon ang takot
“Hold up to!” Napakagat ako ng labi ng makita Kong hinarang na nila kuya Reggie at kuya Elias ang professor ko. Kunyari ay ho-holdapin nila. Siyempre naka takip ang mga muka nila para Hindi sila makilala at inabangan nila si Sir Aragon.
“Hindi talaga ako sang ayon sa Plano niyo papaano kapag mapahamak Kayo?!” Bulong ko kay Devin habang nasa loob kami ng sasakyan.
“It’s Ok were going to rescue your professor” pinaandar ni Devin ang kotse niya at huminto sa harap nila sir Aragon. Bumaba kami sa kotse ni Devin.
“Hoy Anong ginagawa niyo kay Sir” sigaw ko Kunyari.
“Bitawan niyo siya kung ayaw niyong sumabog ang bungo niyo” sigaw ni Devin na kunyari pa ay bubunot ng baril. “Wow best actor yarn” tumakbo na nga sila kuya Reggie at kuya Elias. Lumapit ako kay sir Aragon.
“Ok lang kayo sir” Kunyari kong tanong at pag aalala ko. Best actress na din ako ganern.
“Salamat Ms Gonzales at Mr. Benitez” nagulat ako at kilala niya si Devin.
“Walang anuman Sir pero kay Ms Gonzales kayo mag pasalamat dahil siya ang naka kilala sainyo at nag pumilit na tulungan ka” shocks pag Hindi pA ako pinasa nito ako mismo ang mag aabang sakanya char!
“Ms Gonzales maraming maraming salamat saiyo see me in my office tomorrow at Mukang Hindi ko pa naibibigay ang credit na deserve mo” kay lapad ng ngiti ko sa narinig ko and as simple as that Wala na akong problema I will graduate and Mamay will be happy.
“Maraming salamat talaga sainyo.. utang na loob ko ang diploma ko sainyo” they are my real friends Hindi lang kabanda sila na ang naging pamilya ko.
“Sus walang anuman beh.. ikaw pa ba eh ikaw ang baby ng grupo” nalaman ko din na kaya pala kilala ni Sir Aragon si Devin ay dahil pinsan nito si Lucas Benitez at ang pamilya nila ay maraming na donate sa mga universities dito sa Pilipinas.
“Are you guys ready!!!” Sigaw ni ate Sab. Patungo kami sa forget me not Club. Doon kami mag pe-perform. Nang makarating sa club na pA awang ang labi ko dahil napaka high end ng club.
“Hey you know what’s cool about this club?” Bulong ni ate Sab
“What?” Tanong ko.
“The underground club.. meron pa itong underground pero para lang sa mga nag hahanap ng aliw at panandaliang ligaya” Hindi naman ako inonsente na sa mga ganong bagay kaya gets ko ang sinasabi ni ate Sab
“Yown!! After gig mag tungo tayo sa underground” Yaya ni kuya Reggie.
“Kayo na lang uuwi na kami ni Belinda” seryosong Sagot ni Devin.
“Walang KJ lahat tayo dapat subukan ang underground club” si kuya Elias. Hanggang sa wala ng nagawa si Devin at pagkatapos nga ng Gig ay nag tungo kami sa underground. It’s a different set up kesa sa taas. Ang daming babaeng nag sasayaw. Ang Gaganda nila at sexy at Mukang May lahi ang iba. The owner like us at pina pirma kami ng kontrata. Six months ang kontrata at after six months pag gusto pA nila kami pwede kaming I renew. Pero ako at si Devin dahil Malapit na kaming mag graduate Hindi kami pumirma. Mag pe-perform kami with the band hanggang pwede kami and thank god the owner agreed that’s how much he likes us. Naging Malapit din kami ni ate Sab sa mga babaeng nag PE perform sa underground they even teach us how to do pole dancing.
“Shocks Belinda mag perform kayo ni Sab kahit one night lang kikita kayo ng malaki” natawa ako sa biro ni Ate Max isa sa mga dancer.
“Bakit ka Tumawa I’m serious.. nakita niyo naman no touch watch lang sila tapos nag hahagis ng pera.. kahit isang gabi lang go na kayo katuwaan lang” pamimilit nito.
“I don’t think it’s a good idea beh..” Inis na Singit ni Devin.
“Why not papa Devin? Yung kikitain nila sa isang gabi sa pag sasayaw ay para niyo ng six months na kita sa Gig” nan laki ang mga mata namin ni ate Sab.
“Really? Isang gabi lang ganon kalaki ang kita?” Mukang na inganyo na si ate Sab.
“Yeah or more depends sa performance level mo.. diba kailangan mo ng pera Sab? Go na kayo kahit one night lang!” Nag katinginan kami ni ate Sab.
.”pag iisipan muna namin Max ok” Sagot ni ate Sab.
“Hindi ko yata kaya ate Sab ikaw na lang” Hindi ito kumibo kaagad.
“Ok sige go ako one night lang” nakangiting Sagot ni ate Sab.
“I’m happy you didn’t say yes Belinda” si Devin.
“I didn’t say yes yet.. but I can still change my mind” this is me gustong gusto ko maka experience ng ibat ibang bagay. I don’t care what people will say basta ba Wala akong natatapakan na ibang tao gagawin ko ang mag papasaya saakin.
Nakiki practice practice ako kila ate Sab at sa mga dancer ang gaganda kasi ng choreography nila ang hot nila.
But unfortunately the day na mag pe-perform si ate Sab ay nag kasakit ito.
“Ay Sab Hindi ka pwedeng sumalang! ubo ka ng ubo at May lagnat ka baka mag alisan ang mga customer” si ate Max.
“Eh papano yan max kulang tayo” singit ng isa pang dancer.
“ ikaw na lang Belinda alam mo naman yung choreography diba?” Baling ni Ate Max saakin.
“Hah? A-ako?”
“Oo ikaw Belinda.. eto oh isuot mo ang costume mo Dali” nakita ko na lang ang sarili kong suot suot ang costume ni ate Sab at nag lalakad patungo sa stage.