Prologue Ikaw ang Aking Mahal
Rocco
“Ano bang Meron dad at pinauwi niyo pa ako sa Italy ng biglaan” reklamo ni Romeo.
“Tumigil ka Romeo Wala ka ng ginawa Kung Hindi habulin ang babaeng pag mamay ari na ng iba” natawa ako sa sinabi ng Daddy.
“Isa ka pA! Hindi ka pa ba move on kay Kisha? Pa expire na yang sp3rms cells mo Hindi mo pa ako binibigyan ng Apo!” Ngayon si Romeo naman ang natawa.
“So Ano ngang Meron Dad? Bukod sa expired na sp3rms cells?” Tatawa tawang tanong ni Romeo.
“Darating ang anak ni Manang Ditas..Yung Pinag aral mo Rocco.” Tumango tango naman ako.
“Ligawan mo Romeo.. pakasalan mo” Namilog ang mata ni Romeo sa sinabi ng Daddy ako naman ay nag pipigil ng tawa.
“What?! No way!! Si kuya na lang Bakit ako?” Protesta nito. Siraulo talaga to ako pa ang prinisinta.
“Hindi pwede ang kuya mo masyadong bata para sakanya.. pero Huwag kang mag alala Meron din akong ipapakasal sakanya” napa kunot ang noo ko sa sinabi ng Daddy.
“You know Hindi ako mag papakasal sa babaeng Hindi ko mahal right Dad?” Seryoso Kong Sagot.
“I don’t care Rocco.. mamamatay na ako bukas Wala pa din akong Apo”
“Bukas agad agad? Nag mamadali ka Dad? Kaibigan mo ba si kamatayan Bakit alam mong mamatay kana bukas?” Pilisopong singit ni Romeo.
“Romeo!!! Hindi ako nakikipag biruan!!” Galit na sigaw ng Daddy.
“Ang saamin lang naman Dad why don’t you let us find our love.. year 2023 na Hindi na uso ang arrange marriage” Sagot muli ni Romeo.
“Kung aantayin ko kayo walang mang yayari! hinayaan ko na kayong mag enjoy sa pag ka binata niyo pero it’s time.. Oras na para ikalat niyo ang lahi ng mga Deprano”
“Si kuya Pwede pero ako bata pA ako..I’m sorry Dad I can’t do what you’re asking” sabay tayo nito at mabilis nilisan ang office ng Daddy.
“Romeo!!!” Sigaw ng Daddy napa hilot ito sakanyang sintido.
“Ikaw Rocco I se-set up ko ang pag kikita niyo ng mapapa ngasawa mo” Hindi na ako kumontra pa. Ako ng bahalang dumiskarte para Hindi matuloy ang pag papakasal ko.
Lumabas kami ng opisina ng Daddy ng mainit ang ulo niya.
“Boss” salubong ng isa sa mga body guard namin kay Daddy.
“Talk to Rocco mainit ang ulo ko” Sabay lakad nito palayo saamin. Narinig ko nalang ang Daddy na biglang sumaya ang boses ng makita si Manang Ditas.
“Oh ayan na pala ang mga amo natin.. bumati ka ng magalang Belinda! at mag pasalamat ka sa Ninong mo” dinig kong Sambit ni Manang Ditas.
“Ditas salamat naman at naka Balik ka na.. ayoko ang mga niluluto ni Carol Hindi Masarap” napa iling ako dahil kanina lang galit na galit ngayon masayang masaya.
“Ay grabe kayo sir.. nakaka hurt kayo ng feelings” natawa naman ng malakas ang Daddy sa Sagot ni Carol. Lahat ng stay in na kasambahay ng Daddy pamilya ang Turing namin sakanila.
“Hahahaha! Biro lang Carol.. teka eto na ba ang anak mo Ditas?” Na agaw ang atensiyon ko ng marinig ko ang sinabi ng Daddy. Kaya pala masaya siya nandito na ang ipapakasal niya kay Romeo.
“Ah.. Opo Ninong ako nga po ang inaanak niyo na pinag tapos niyo po ng pag aaral hanggang kolehiyo maraming salamat po ninong” napakagat ako ng labi upang pigilin ang pag tawa ko.
“Hahaha.. Hindi ako ang ninong mo”Sagot ng Daddy.
“Ho?! Mamay?” Tila takang tanong nito kay Manang Ditas.
“Anak.. Rocco nandito na ang inaanak mo si Belinda gusto kang makilala” lumingon ako sakanila at habang papalapit ako nakita kong na pa awang labi ng anak ni Manang Ditas. Kinagat ko ang pang ibaba kong labi ng marahan dahil ang cute niya namumula siya.
“Sir Rocco si Belinda po inaanak niyo.. Belinda ang ninong Rocco mo” napa lunok ito ng sunod sunod
“Ni-ninong ko po siya Mamay? Hindi po ba Pwedeng si Sir Alessandro na lang Ninong ko” siniko ito ng nanay niya kaya napangiti ako.
“Joke! Hindi ko lang inaasahan na bata pA po pala ang Ninong ko. Bigla naman natawa ang Daddy ko.
“Hindi na bata yan.. matandang binata kamo!”napapikit ako sa sinabi ng Daddy pero ng magtama muli ang aming mga mata ni Belinda para bang napako na ang mga mata namin sa isat isa.
“Mag mano kana anak” Utos ni Manang Ditas
“Ho?!” Tila nagulat ito sa Utos ng nanay niya. Marahan niyang kinuha ang isa kong kamay.
“F*ck Bakit ba para akong nakukuryente” bulong ko sa sarili ko.
“Ma-Mano po ninong at salamat po pala at pinag aral niyo po ako” Ngumiti ako sakanya ng pilit ng marinig ko ang Ninong. Lakas makatanda sh*t!
“Don’t think about it you’re very welcome.. just enjoy Italy” Sabay patong ko ng kamay sa tuktok ng ulo niya upang guluhin ang buhok niya .
“Muka nga pong mag. E-enjoy ako sa Italy.. I think I found my home.. I mean my second home” titig na titig ito sa mga mata ko habang sinasabi niya yun. Napalunok ako at nag iwas ng tingin sakanya. Isa siyang napaka gandang tukso ang swerte ni Romeo.
“Ah Dad I need to go I have meetings.. Nay welcome back po.. sige Carol.. Belinda alis na ako” paalam ko. Nakatitig lang ito saakin at Hindi sumagot.
“Iha antayin mo yung anak ko si Romeo pakikilala kita siya ang Mapapa ngasawa mo” dinig kong Sambit ng Daddy.
“She’s for Romeo Rocco forget it” Kastigo ko sa sarili ko.