Akala ko doon na matatapos ang pangangantsaw na yun pero two days before New Year nagsimula na naman sila. Nagkasalubong kami ni Albert one day. Nag-"hello" sya at tumango lang ako pero nakita pala kami ng mga kapitbahay namin.
Ngumiti lang ako pero deep inside hiyang-hiya na ako. Why do they have to make things so awkward? And one more thing, may gusto ba talaga sa'kin 'tong Albert na 'to o nakikisakay lang sa trip ng mga kapitbahay namin?
December 31
"Ano Yana, napag-isipan mo na ba?" Tanong ng mama ni Albert nang dumalaw sya sa amin. Tingin ko tuloy yun talaga ang ipinunta nya.
"Ah.. ano po... hehe, di pa po eh, " sagot ko saka tumingin kay Tita Emma para magpasaklolo.
I want to be blunt and tell her na walang pag-asa ang anak nya but then naalala ko na sila para may-ari nitong compound. Mamaya pag sumagot ako ng "hindi" without any valid reason bigla kaming palayasin. Naalala ko yung tsismis na narinig ko once na may pinaalis na isang tenant dahil tinanggihan din ang kapatid naman ni Albert. I’m not sure if that was true but I better be careful. Pa'no kaya ako makaka-hindi?
"Wala ka namang boyfriend di ba?" Tanong nya.
"Ah eh..."
"Kung wala, eh bakit hindi na lang ang anak ko?" Tanong nya.
"Ah kasi po... ang totoo nyan. M-may boyfriend na ako." Shoot! What did I say?!
"Talaga?" Tanong nya na mukhang hindi naniniwala. Tinignan din ako ni tita.
"O-Opo."
"Eh bakit wala kaming nakikita na dumadalaw sa'yo?" Tanong nya ulit.
"K-kasi po b-busy po sya. Yun po, busy sya." Another lie. I don’t really like lying pero mukhang mapapadalas na yun.
"Ganun ba? Ipakilala mo naman sa amin, diba Emma?" Tinignan nya si tita na mukhang confuse din. Lumabas pa sya para tawagin ang mga kapitbahay namin. "Mga kapitbahay, may boyfriend na pala si Yana eh. Pupunta raw mamaya." Announcement ni Aling Esther.
The heck?! In-announce na nya. Pa'no na yan ngayon Yana?!
8 pm.
"Nasaan na yung boyfriend mo?" Tanong ni Aling Esther na oras-oras ay nagtatanong. So nosy!
Napangiti ako nang alangan. "On the way na raw po." s**t! Yana! On the way? Really?!
"Ah sige." Yun lang saka umalis na sya na medyo nakangiti. Yung ngiting mukhang alam na nagsisinungaling lang ako.
Kinalabit ako ni Tita Emma.
"Uy, Yana. May boyfriend ka ba talaga?" Tanong nya.
Sasabihin ko ba yung totoo?
"Ah eh... sorry po Tita. M-meron po." And so, I lied again.
"Aba kang bata ka! Bakit di ka nagsasabi sa akin? Akala ko nagsisinungaling ka lang."
Actually, oo Tita.
"Hindi po. Baka kasi magalit ka tita eh.” Why am I getting good at lying?
"Eh di ba man-hater ka?" Nagtatakang tanong ni tita. “Ayaw mo ngang manood ng mga nakakakilig na mga palabas?”
Man-hater? I chuckled. She's partly right pero di naman talaga ako man-hater. I just don't believe in the concept of “love." In terms of romantic movies, I just thought they’re full of cliches.
Nag-excuse si tita nang may tumawag sa kanya. Naiwan akong natutuliro.
Saan ako kukuha ng ipapakilalang boyfriend? Manghila kaya ako sa kanto? But, ako papatol sa mga kantoboys? Alam nilang sobrang imposible. Baka malaman pa nilang nagsisinungaling talaga ako. Sa mga kaibigan ko kaya? Ay oo nga pala! Mga bakla mga kaibigan ko. Eh saan? Pa'no na?
Lumabas ako para maghanap ng pwedeng mapakiusapan na magpanggap na boyfriend. Kaso may papayag kaya for free? Wala akong pambayad. Dapat talaga hindi na ako nagsinungaling eh. Ang kaso mangungulit na naman sila.
9 pm... wala
10 pm... wala pa rin..
11 pm...
Nagpapanic na ako. Should I just tell them the truth? Hindi kaya mas lumala ang problema ko?
11:30 Shet! Bakit nandito rin sa labas si Aling Esther?
"Oh Yana, nasaan na yung boyfriend mo?" Tanong nya na nakangisi.
"M-malapit na raw po."
"Kanina ang sabi mo nasa byahe na. Ilang oras ba byahe nya at taga-saan ba yun?" Tanong na naman nya.
Grabe lang! Masahol pa kay Tita Emma kung makapagtanong.
"Ah... may dinaanan po kas—..." natigil ako sa pagsasalita nung may humintong sasakyan sa harapan namin. Ang gara ng sasakyan boy! McLaren 720S! Bumaba na yung driver.
Ewan kung anong pumasok sa isip ko at nilapitan ko yung lalaking bumaba na hindi ko man lang tinitignan yung itsura. Bahala na si Batman! Kumapit ako sa braso nya.
"Babe, ang tagal mo naman! Kanina pa kaya kami naghihintay sa'yo." Sabi ko na ngiting-ngiti pang tumingin sa kan—shet! Bakit sa lahat ng lalaki eto pa? Jusko! Parusa ba 'to dahil sa pagsisinungaling?
He looked at me with utter confusion. Yung tingin nya yung katulad sa mga fantasy-horror films na nanghihigop ng kaluluwa. Gusto ko na lang matunaw.
Napatingin ako kay Aling Esther na nakatunghay lang sa'min at hindi makapaniwalang boyfriend ko 'tong taong 'to. Eh maski ako hindi makapaniwala eh. Jusko! Bahala na talaga sa Batman sa mga susunod na mangyayari.
"T-tara na babe?" Yaya ko, nope, I think the correct term is sabi ko habang hinahatak sya papasok sa compound namin.
Tinignan nya ulit ako nang nakakatakot. Pero hindi! Hindi ako pwedeng magpasindak sa kanya. Lalong hindi ako pwede magpadala sa inis na nararamdaman ko para sa kanya.
"Yana!!!" Sigaw nung mga kapitbahay ko pagkakita sa akin sabay tingin kay Kei.
Yep. He is Kei. Short for Keillun Yusef Torres. The certified playboy/womanizer/babaero/casanova at lahat-lahat na ng synonymous term para sa unang description ko sa kanya. Siya ang lalaking iritang-irita ako pag nakikita ko ang pagmumukha dahil lahat na yata ng hangin sa mundo ay naabsorb nya. Pero timeout muna ngayon because I need his help.
"S-sino sya?" Tanong nila sa'kin na halatang hangang-hanga kay Kei. Ganitong-ganito yung reaksyon ng mga schoolmate kong babae pag nakikita 'tong taong 'to.
"He's Kei. B-boyfriend ko," sagot ko.
"Ha????!!" Reaksyon nilang lahat. Lalong-lalo na ni Kei. Pati na rin si Albert na halatang gulat na gulat. Pa'no eh schoolmates kaming tatlo at kilalang-kilala 'tong Kei na 'to as THE school heartthrob.
Tinignan ko si Kei na alam kong gulong-gulo na sa mga nangyayari.
Nakita ko ang pagtaas ng kilay nya na malapit nang umabot hanggang sa anit nya.
As if namang matatakot ako? Mas nakakatakot yung idea na mapapalayas kami pag nalaman nila yung totoo.
"Happy New Year!!!!" Sigaw ng mga kapitbahay namin. Binati nila ako pati na rin si Kei.
Tumingin ako sa kanya. Ang sama na naman ng tingin sa'kin.
"Happy New Year," sabi ko pero naiirita pa rin ako sa kanya.
"Anong happy sa new year? Who are you again?! At kelan pa naging tayo?!" Tanong nya. Buti na lang nagpuputukan pa yung mga fireworks kaya ako lang ang nakarinig sa sinabi nya dahil magkalapit kami.
Ay bwisit! Di nya nga pala ako kilala. Di naman kasi ako sikat sa school namin, di katulad nung mga kalandian nya na kung saan-saan kong magazine nakikita. Isa lang kasi akong ordinaryong mag-aaral.
"I'm Naiana Elizabeth Francesca. Yana for short. Kelan pa naging tayo? Kani-kanina lang." Sagot ko sa lahat ng tanong nya then I gave him a smirk.
"You—" di na nya naituloy yung sasabihin nya dahil hinatak na sya nung mga kapitbahay namin para kumain.
Good job, Yana! What a great way to start a year! Yeah, start it with a lie.