bc

The Game We're Playing

book_age16+
0
FOLLOW
1K
READ
love-triangle
kickass heroine
independent
brave
mxb
humorous
lighthearted
friendship
school
mxm
like
intro-logo
Blurb

Everybody's looking for true love. For someone whom they would share the rest of their lives with. Yung tipong magsasabihan sila ng "you and me, forever."

Everybody's dreaming of a happy-ever-after love story. Yung katulad sa mga napapanood natin sa mga movies. Yung kahit ang daming pagdaanan; ang daming kontrabida sa relasyon nila, in the end sila pa rin.

Pero ako? Wala akong pake!

Bakit?

Simple lang...

I don’t believe in love.

I am Naiana Elizabeth Francesca, and this is a story of how I dared to start this game.

chap-preview
Free preview
CHAPTER 1
"Kawawa ka naman pala. Kung kelan namang pasko saka pa kayo nagbreak ng boyfriend mo. Eh di ang lamig ng pasko mo?" "Oo nga eh. Pero siguro hindi talaga kami meant-to-be." "Yaan mo na yun. Makikilala mo rin yung soulmate mo. Malay mo bukas makita mo na." Psh. Nakakaumay makinig sa usapan nitong dalawang babae 'to. Nakasakay ako ngayon sa jeep at katabi ko sil. Ayoko sanang makinig kaso ang lalakas ng boses nila. Mukhang pinagyayabang pang single yung isang babae. So pathetic! Bakit? Required ba na may love life tuwing pasko? Para saan? Display? Ew. At anong connection ng boyfriend kung malamig ang pasko? Sisigaan ba ng buhay yung mga boyfriend nila para gawing bonfire? But me? I don't need someone para maging masaya ang pasko ko. All I need is my tita Emma, my dogs, at syempre food! Enough of that! Andito na pala ako. "Para po!" Sigaw ko dun sa driver. At bumaba na ako ng jeep. Sinalubong ako ng kapitbahay namin at tinulungan ako sa mga bitbit ko. Galing ako ng divisoria. Pinabili kasi ako ni Tita Emma ng mga panregalo para mamaya. "Ay, salamat po Kuya Arnold," sabi ko dun sa nagbuhat ng iba kong dala. "Sus! Ikaw pa! Malakas ka sa'kin eh." Sagot nya. Close ang buong neighborhood namin. Kaya nga mamayang Noche Buena, ilalabas yung mga handa para pagsalu-saluhan namin. "Tita Emma, ako na magbabalot ng mga regalo ha?" Sabi ko kay Tita Emma pagpasok ko sa bahay. "Oh sige. Gandahan mo pagbalot ha?" Sabi nya. Natawa ako. "Opo!" Salad, spaghetti, maja blanca, at graham cake lang ang handa namin. Konti lang dahil marami namang pagkain mamaya. Nang mag-alas onse na, nilabas na namin yung mga handa. Pagsapit ng alas-dose... "Merry Christmas!!!" Sigawan ng mga kapit-bahay namin. "Merry Christmas, Yana!" Bati sa'kin nung mga kapitbahay namin na nakakasalubong ko. "Merry Christmas po." Sagot ko sa kanila. Masaya kaming lahat na nagsalo-salo. Kwentuhan, asaran, at kung ano-ano pang ingay ang pumuno sa compound namin. Pumasok ako saglit sa bahay namin para I-chat ang mga kaibigan ko. "Oh, Exchange gifts na!" Narinig kong sigaw ng isa sa mga kapitbahay namin. Lumabas ako para ilagay sa lamesa ang regalo ko sa nabunot ko. Nakita ko ang pangalan ko na nakasulat sa isang maliit na gift box. Agad ko yun binuksan at ang natanggap ko? Lipstick. Natawa ako. Alam na alam nung nakabunot sa'kin na lipstick talaga yung ini-expect ko. Nagbunutan kasi kami a week before kaya at ang palagi kong pinaparinggan tungkol sa lipstick ay si Tita Emma. Nilapitan ko sya saka niyakap. “Merry Christmas, Tita Ems!” Niyakap nya rin ako nang mahigpit. “Merry Christmas sa pinakamaganda kong pamangkin.” After ng exchange gift, pumasok na ako sa bahay. Balak ko kasi mag-movie marathon pero maya-maya tinawag ako ng mga kapitbahay namin. "Bakit po?" Tanong ko. "Wala kang boyfriend di ba, Yana?" Tanong ni Kuya Lukas. Tumango ako. Bakit kaya? "Albert! Tara dito!" Tawag nila kay Albert na kapitbahay din namin. Oh no! Parang alam ko na kung anong meron. Nagkatinginan kami ni Tita Emma. "Albert, si Yana! Yana, si Albert." Pakilala nila sa amin sa isa't-isa. Para namang di pa kami magkakilala eh schoolmates din kami. "Bagay! Ayieeeee!!!!" At tinukso na nila kami sa isa't-isa. Nakakaloka! Ang bata-bata ko pa para ibugaw! Nagkatinginan kami. Nakangiti sya nang malapad. Napangiwi ako. Awkward. "M-merry Christmas..." Bati nya na inilahad pa yung kamay. "Same to you," sabi ko at nakipag-shake hands na lang din. Lalo pa kaming inasar dahil dun. Albert seems like a nice person. Actually, di kami close. Schoolmate kami at neighbors pero never kaming nagkaroon ng close interaction. Something’s a little off about him but I can’t pinpoint what it is. Basta di ko sya feel. Mukhang gusto nya pang makipagkwentuhan sa'kin pero ako hindi kaya nag-excuse ako at sinabing papakainin ko pa ang mga furbabies ko. I have two dogs. One Irish Terrier and one Aspin. "Mukhang may love team na ang compound natina ah?" Sabi ni Tita Emma pagpasok ko ng bahay. "Pati ba naman ikaw, Tita? Ano bang trip ng mga kapitbahay natin?" Naiiling na tanong ko. "Pareho raw kasi kayong wala pang love life. Bakit, ayaw mo ba sa kanya?" Mabilis akong tumango kaya natawa sya. Matapos ang pasko, di pa rin tumigil ang mga kapit-bahay namin sa pang-aasar. Lalo pang lumala dahil pati mama ni Albert ay nakisali na. "Alam mo Yana, gusto ka kita para sa anak ko," sabi nya nang nagkasalubong kami isang araw. Take note, bumili lang ako sa tindahan tapos nung pauwi na ako yan ang sinabi nya sa'kin. "Ah eh.. hehe sige po uwi na ako." How do I respond to that? "May pag-asa ba sa'yo ang anak ko, Yana?" Hinawakan nya pa ako sa kamay. Geez! So awkward! "Ah eh... Pag-iisipan ko po." Sagot ko na lang para matapos na ang usapan. Pagkasabi ko nun binitawan nya na yung kamay ko. Naglakad na ako ulit pero may pahabol pa sya. "Pag-isipan mong maigi ha? Hihintayin ko yung sagot mo." Sigaw nya. Nope. Never.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MY STRICT TEACHER IS MY HUSBAND

read
1.9M
bc

Rewrite The Stars

read
101.5K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.9K
bc

One Night Stand (R18-Tagalog)

read
2.0M
bc

The Runaway Bride (Womanizer Series 3)

read
124.1K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.7K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook