Nakita kong sumunod sa’min sina Zac, Cal at Lance. Dinala ako ni Kei sa music room na tambayan nila.
“Anong ginagawa natin dito?” Tanong ko sa kanya na binitawan na yung kamay ko at ngayon ay may hawak ng gitara. Sina Cal, Zac at Lance naman ay may kanya-kanyang pinagkakaabalahan.
“Bahala ka sa buhay mo basta dito ka lang,” sabi nya na ini-strum na yung gitara. Ay, possessive?
“Babalik na ako sa mga kaibigan ko,” sabi ko.
“Dito ka lang! Pag kasama mo sila that means I have to be with them too. Ayoko!” Sigaw nya na parang diring-diri sa mga kaibigan ko.
“Eh di wag kang sumama! Hindi mo naman ako kailangang palaging samahan eh,” sigaw ko rin.
“We’re pretending. Pa’no magiging kapani-paniwala kung hindi tayo palaging magkasama?” Iritableng sabi nya.
Napatingin ako sa mga kaibigan nya na tumingin sa’min.
“Don’t worry. They know we’re just pretending,” sabi nya.
Eh pwede naman pala ipaalam sa mga kaibigan eh! Sabi-sabi pa sya na wag ipapaalam kahit kanino.
“Pwede ko rin bang sabihin sa mga kaibigan ko?” Tanong ko.
“No!” Sigaw nya.
“At bakit? Alam naman din ng mga kaibigan mo eh!” Diin ko.
“I don’t trust your friends,” cool na sabi nya.
Napataas bigla kilay ko. Siraulo 'to ah?
“Just because they’re gays? Napaka-judgmental mo naman pala,” Mas lalonh nadagdagan ang inis ko sa kanya. “Well, we’re the same here. I don’t trust your friends either!” Bulyaw ko sa kanya bago ako lumabas ng music room.
Abnormal yung Keillun na yun! Napaka-discriminatory sa mga kaibigan ko!
Pababa na ako sa canteen para tignan kung andun pa yung mga kaibigan ko nung nakasalubong ko si Chase, my long time crush. I don’t believe in the concept of “love” pero Chase Monterozo makes me want to break that. Student Council President namin sya. Gwapo, matalino, at higit sa lahat, mabuting tao. Varsity player din ng basketball team ng school namin.
“Naiana?”
“Uh h-hi Chase,” Shet! Do I look okay?
“Okay ka lang? You look pissed,” sabi nya.
“Ha? Uh, hindi. Hinahanap ko lang yung mga kaibigan ko,” sagot ko.
“I see,” he smiled. He’s radiating so much.
“Naglunch ka na?” He asked.
Is he going to ask me on a lunch? With him? Wait, self-check. Gutom pa ba ako? Busog na ako eh but….
“Actually, hindi pa,” I lied. Okay, gumagaling na talaga ako sa pagsisinungaling.
“Tara sabay na tayo!” Yaya nya.
This is it pansit!
“Sure!” mabilis na sagot ko.
Wala na sa canteen ang mga kaibigan ko pagpunta namin dun. Baka umaawra na naman kung saan.
“So I heard… kayo na ni Torres,” he said nang kumakain na kami. Tuna sandwich lang in-order ko dahil busog na ako but I won’t miss this chance to be with Chase.
Wait. Anong sabi nya? Kung kami na raw ba ni Kei? Alam nya na?
“Ah eh, oo.” I answered taking a bite of my sandwich. Hearing that from him makes me feel sad for myself. Why can’t I ever tell him my feelings?
“I hope he’s really serious about you,” seryosong sabi nya.
I want to tell him the truth. If there’s one person I know I can trust maliban sa mga kaibigan ko, si Chase yun. We’ve always known each other since high school. Would everything turn out differently had I pretended to be in a relationship with him instead of that jerk Kei?
“He is…I guess,” sabi ko na lang.
“Dapat lang. Ayokong makitang nasasaktan ka,” sabi nya.
Bigla kong nalunok yung last bite ng sandwich ko without even chewing it. Nabilaukan tuloy ako.
Agad nya akong inabutan ng tubig.
“Are you okay now?” tanong nya.
“Uh…yeah,” I answered while nodding.
My God, Chase! Why are you making me feel this way? These mix signals have been confusing me for a long time now.