Days of Prince helping at the rice field ended smoothly. Mas marami man ang tiniis niya, satisfied at proud naman siya sa kaniyang sarili dahil nakayanan niya iyon kahit hindi sanay. Malayo pa ang anihan, anila ay aabutin pa ng dalawang buwan. Ngunit sa kaisipang makakakain siya ng kanin na pinaghirapan din niya, kakaiba ang naidulot noon kay Prince. He was also overwhelmed of how hard farming was. Hindi niya itatanggi na humanga siya sa mga magsasaka dahil doon. Indeed, not all heroes wear capes.
“Your Dad and me talked, kinuwento ko sa kaniya ang progreso mo and he was tongue-tied. Hindi talaga siya makapaniwala na sumusunod ka.”
Taas ang isang kilay ay sinabi iyon ng lolo niya sa gitna ng kanilang hapunan. Prince snorted secretly. Sa isip niya ay parang ngayon lang siya kinikilala ng mga magulang niya. He was obedient, ngunit hindi nila nakita iyon dahil iba ang priorities nila. When he became rebellious, noon na nila siya binalingan ng atensiyon. Well, that was Prince’s goal. Ngunit ngayon na naririnig niyang nakukuha ang atensiyon ng mga magulang niya dahil umaamo ulit siya, parang wala siyang nadaramang tuwa roon. He felt nothing at all.
Prince shrugged. “Well, that was the reason they sent me here.”
Pinunasan ng lolo niya ang gilid ng labi nito. Nagtagpo ang tingin nila ng lola niya na bakas ang tuwa sa mukha. Kung may isang tao man na nakadama si Prince ng tuwa dahil napasaya niya, iyon ay ang lola niya. She always believed in him kahit noong nagrerebelde na siya.
“Biniro ko nga na sumusunod ka lang para mapadali ang pag-uwi mo.”
“Oh, c’mon, Lucio. Your grandchild is trying, maging masaya na lang tayo sa kaniya at sa progress niya. The most important thing was he learned during the process.”
Prince smiled widely at his Lola. He really was a lola’s child.
“Anyway, ano itong kumakalat na balitang pinopormahan mo ang anak ni Anitha na si LJ?” Nanliit ang mga mata ng lolo niya sa kaniya.
Muntik nang masamid si Prince sa iniinom niyang tubig nang marinig iyon. Totoo iyon. Magmula nga nang magpakita siya ng interes sa dalaga ay kumalat na ang balitang pinopormahan niya ito. Hindi niya mapigilang mapangiti dahil naalala niya si Miguel at ang palagian nitong pagkabagot lalo na kapag nahuhuling magkausap sila ni LJ. Wala naman siyang sinabi sa dalaga na manliligaw siya, ngunit lumilipad talaga ang balita lalo na at kung ano lang ang makita ay agad nilang tutukain. Prince was a bit guilty of what he was doing, but he was trying his best to be careful with LJ. She was kind to him at mukhang hindi naman nito hinahaluan ng malisya ang pakikipaglapit niya.
“Lo, nakikipagpakibigan lang ako.” The two oldies looked unconvinced. “Okay, she’s pretty and kind, pero hindi naman ako nanliligaw. I was just interested on being her friend, okay?”
“Marinig ko lang na may pinaiyak ka…” banta ng lolo niya. “Magkaiba ang mga kababaihan dito kaysa sa mga nakasalamuha mong kababaihan, Prince Justin. Ayaw ko lang na dalhin mo rito ang pagiging mapaglaro mo sa babae.”
Hindi na siya sumagot doon at nagpatuloy na lamang sa pagkain. Hindi naman kasi lingid sa kaalaman nila ang pagiging playboy niya. Highschool pa lang siya ay alam na ng pamilya niya iyon. Ilang beses na rin siyang napagsabihan dahil doon, pero sinasabi niyang wala naman siyang sinosyota sa kanila at sila naman ang lumalapit sa kaniya. Iyon ang katotohanan.
“One thing is you’re also graduating, Prince. We expect you to do well with your studies. Maswerte at kahit nagrerebelde ka ay wala naman kaming naririnig na bagsak ka o ano. You should really stop being immature dahil hindi na laro ang kahaharapin mo kapag nakalabas ka na ng paaralan. You’ll inherit our business and we expect great things from you.”
Sa huling narinig sa kaniyang lolo ay roon na siya nawalan ng gana. Kung may iniiwasan man si Prince na pag-usapan sa lahat, iyon ay ang pag-aaral niya. Sabihin na nila lahat o ituro lahat ng kabalastugan niya, pero kung ang pag-aaral na niya ang pag-uusapan at ang responsibilidad na ipapasa sa kaniya pagkatapos ay roon na siya nawawalan ng gana. Mapait siyang napangiti. Minsan, hindi talaga nila natanong kung ano ang gusto niya.
Prince took Business Administration gaya ng gusto ng pamilya niya. Siya ang tagapagmana, iyon ang lagi nilang bukambibig. Ano ang aasahan mula sa ibang mga pinsan niya? Nasa ibang bansa na silang lahat at ang ibang kapatid ng daddy niya ay wala nang pakialam sa business nila. Resulta, siya ang naipit at sumalo ng sinusuka nila. Iba ang gusto niya, pero noong tinangka niyang isatinig iyon ay kaagad na nilang nilunod ng mga nais nila. Sila ang nasunod.
Nahuli ni Prince ang nag-aalalang titig ng lola niya sa kaniya kaya binigyan niya na lang ito ng tipid na ngiti.
“I understand, Lo.” Hindi na siya nakipagtalo. Prince was tired enough to do so.
Pagkatapos maghapunan ay mabilis siyang nagkulong sa kaniyang kwarto. Nakahilata lamang siya at nakatitig sa kisame. Tumatakbo sa isipan niya ang napakaraming bagay. Kung paano namulat sa isip niya na mas importante sa mga magulang niya ang kanilang mga trabaho kaysa sa kaniya. He never heard them telling him they were proud of him. Natanto niya na nasasayang lang palagi ang efforts niyang maging masunurin kung hindi naman nila napapansin. Doon siya nagsimulang magbago at doon ay hindi nasayang ang efforts niya. Napansin nila siya dahil naging tarantado na siya na siyang ayaw nila sa lahat. Masama man isipin dahil sakit ng ulo ang binigay noon sa kanila but for Prince, he became satisfied and free.
Nilagay niya ang kaniyang braso sa kaniyang noo at matamang pumikit. People used to say na maswerte siya sa kinalakihan niya, pero hindi nila alam na may ganito siyang pinagdaraanan. Hindi man mabigat kaysa sa dinadala ng iba, but it was still valid. His feelings were valid. Siguro nga tama ang iba kapag sinasabi nila na maiintindihan mo lang ang isang tao kapag ikaw na ang nakaapak sa kinatatayuan nila.
“Prince, apo? Gising ka pa ba?”
Napamulat si Prince at mabilis na napaupo nang marinig ang mga katok at boses ng kaniyang Lola.
“Still awake, Lola,” malumanay niyang sagot.
Bumukas ang pinto ng kaniyang silid at sumilip mula roon ang ulo ng kaniyang Lola. Nang makita na gising pa siya ay nakangiti itong pumasok bago marahang naglakad palapit sa kaniya.
“Maaari ba kitang tabihan?” anito na kinatawa niya.
“You don’t need to ask, La.”
Natawa rin ito at naupo sa kaniyang tabi. Prince loved his Lola. Taon man nang huli silang nagkita, hindi naman nabawasan ang affection niya para rito at nakikita niyang ganoon din ito. He remembered his Lola used to say na siya ang paborito nitong apo.
Tinignan nito ang buo niyang mukha bago ito nagsalita.
“Alam mo ba, apo? Kaya kita nagustuhan sa lahat dahil sa pagiging magiliw at malambing mo noon. Kung anong sinasabi sa iyo ay agaran mong sinusunod na tila ba ayaw mong may ma-dissapoint ka,” panimula nito. “Noong narinig ko ang unti-unti mong pagbabago, nalungkot din ako. Pero hindi noon nabawasan ang pagmamahal ko sa iyo. Para sa akin ikaw pa rin si Prince Justin at para sa mga mata ko, hindi ka nagbago.”
Tila natunaw ang puso ni Prince sa narinig mula sa matanda. Magkalayo man sila ng lola niya at matagal na hindi nagkita, ito lang talaga ang may kakayahan na pagaanin ang loob niya.
“Kaya mahal din kita, La, eh. Sobrang lakas ko sa’yo.”
Pareho silang natawa sa sinabi niyang iyon. Bahagyang katahimikan ay muli lang naagaw ang atensiyon niya nang malumanay na humaplos ang kamay ng lola niya sa kaniyang likod. Her expression softened.
“Maari mo bang sabihin kay lola kung ano ang pangarap mo sa buhay, apo?”
Nanigas si Prince. All his life, kinimkim niya lang lahat ang mga gusto niya. For him, it was as if kasalanan ang sabihin niya ang kaniyang mga gusto. No one would want it. No one would listen to him. Ngunit nang tanungin iyon ng lola niya, tila mahika na kaagad niyang sinabi lahat. It was the first time someone heard him out at noon niya lang din nasabi iyon lahat sa ibang tao. Alam na alam talaga ng lola niya na pagaanin ang kaniyang loob
“Noong una kong apak sa club, noon ko natanto kung ano talaga ang gusto ko sa buhay. I was highschool back then, Lola. Namangha ako sa isang bartender doon at nang matikman ang gawa niya ay nakaramdam ako ng kakaibang comfort, alam mo ‘yun? Kaya rin siguro nahilig akong uminom pagkatapos noon.” Natawa siya. “I wanted to be a bartender and own my own club along the way, too. Pero alam kong… hindi iyon ang gusto nila para sa akin.”
Club became like a home for Prince at ang mga barakada niya ay parang mas naging pamilya pa para sa kaniya. HRM sana ang kukuhain niyang kurso para roon, ngunit nang maisip niyang business din ang pagkakaroon ng club ay inalo niya ang sarili na ayos lang na naging BA siya. Ngunit nang malaman niyang siya ang sasalo ng kanilang negosyo ay ibang istorya na naman para sa kaniya. His faraway dream became out of his reach in an instant.
“Apo, kung iyan talaga ang gusto mo ay gawin mo. Pasensiya na kung hindi kita maipagtanggol kahit gustong-gusto ko. Ngunit ang masasabi ko lang, magagawa mo pa rin iyan kahit na may inilaan pa sa iyong iba. It’s never too late for anything kung talagang nanaisin mo. You could hit two birds in one stone, you know.” Nabuhayan siya ng loob nang marinig iyon. “And I’m always proud of you.”
Mabilis na kinurap ni Prince ang kaniyang mga mata dahil pakiramdam niya ay maiiyak siya. Ngunit nang yinakap ng lola, parang bumalik siya muli sa pagkabata. He cried like a toddler in his Grandma’s arms. Pakiramdam niya ay bahagya siyang nakalaya sa mga kadenang nakatali sa kaniya.
“I love you, Lola.”
“I love you more, Prince Justin.”