KABANATA 8

1486 Words
“Fishing?” may himig ng gulat sa boses ni Prince. Kinaumagahan ay iyon ang binungad ni Miguel sa kaniya. Mangingisda raw sila. Akala niya ay babalik sila sa palayan para tignan ang ginawa nila roon nang nagdaan, pero heto at sasabak pala siya kaagad sa bagong gawain. Akala ni Prince ay makapagpapahinga siya ng bahagya. “Iyon po ang bilin sa akin ng senyor kahapon na gawin natin ngayong araw, senyorito.” Prince sighed. Na-realize niya na marahil siguro ay nakita nilang napagtagumpayan niyang makatulong sa palayan, heto naman ngayon ang inutos nila sa anila ay trainer niya. Tumango si Prince pero hindi pa rin matignan si Miguel. His eyes were a bit puffy dahil sa pag-iyak niya kagabi kaya ayaw niyang makita iyon ng binata. Baka tuksuhin pa siya nito o isiping crybaby siya na ayaw na ayaw niyang mangyari. Lalo na kung si Miguel. For Prince, he was a competitor. “May problema ka po ba, senyorito?” narinig niyang tanong nito. Nanatili siyang nakayuko, nagpapanggap na nag-ce-cellphone. It was 6:30 in the morning. Kanina ay napagpasiyahan niyang mag-jogging at sakto namang pagbalik niya ng hacienda ay papasok naman si Miguel sa kanilang gate. Dahilan iyon para magkasabay na sila papasok. “Nothing,” tipid niyang sagot dahil ayaw na niyang mang-usisa pa ito. Kaso natuklasan niyang medyo makulit din pala si Miguel. Miguel stopped in front of him dahilan para matigil din siya sa paglalakad. Inalis niya ang paningin sa kaniyang cellphone, ngunit hindi pa rin siya tumitingin dito. Tumama ang paningin niya sa may tiyan nito. Mabuti na lang at mas matangkad ito kaysa sa kaniya. “Kanina ka pa po kasing…” He paused. “… hindi tumitingin sa akin.” Prince’s jaw clenched. Mahinahon naman ang boses nito nang sabihin iyon, ngunit tila ang dating sa kaniya ay nanghahamon. Kumunot ang kaniyang noo at matapang na sinalubong ang mga titig ni Miguel. Bahagya niyang nilisikan ang mga mata. Nakita niyang umawang bahagya ang mga labi ni Miguel at nagtaka nang mapansin siguro ang mga mata niya. “Oh, ayan? Ayos na? Tara na at nagugutom na ako.” Tinapik niya ito sa balikat bago tinalikuran. Wala pa siyang enerhiya na makipag-inisan ngayon kaya sana ay hindi siya nito pasaringan o asarin dahil mukha siyang umiyak nang magdamag para maging ganoon ang mga mata niya. Prince heard na sumunod sa kaniya si Miguel. Nanuot na naman sa ilong niya ang kakaibang amoy nito. Namamangha nga si Prince dahil kahit mabilad sila sa arawan, hindi ito nangangamoy. Hindi rin naman siya ganoon dahil amoy mamahaling pabango pa rin naman siya kahit maging pawisan. Ang iba kasing magsasaka kapag napagpapawisan at lumalapit sa kaniya ay amoy niya ang amoy araw at pawis nila, ngunit si Miguel ay hindi niya naamuyan ng ganoon kahit minsan. Ang pawis nito’y lalaking-lalaki na humahalo sa kung anong cologne nito. Alam niyang mumurahin iyon, pero hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niya ang amoy. Parang amoy pulbo ng isang sanggol. Napailing si Prince sa mga naiisip niya. Why did he become conscious with another man’s scent all of a sudden? At kay Miguel pa! “Umiyak ka?” pormal nitong tanong na bahagya niyang kinatigil. Mabilis niya itong tinignan bago muling tumingin sa harap. Isa pa sa napansin ni Prince kay Miguel kapag nakikipag-usap sa kaniya ay nawawala ang po o opo sa mga salita nito kapag seryoso ang sasabihin sa kaniya. Alam niyang ginagalang lamang siya nito kapag nagsasabi ng po at opo, ngunit hindi niya itatanggi na tumataas pa rin talaga ang mga balahibo niya kapag seryoso ito. Dagdag pa ang malalim at baritono nitong boses. Nakaramdam na naman siya ng inis dahil kapag naiinis ito sa kaniya ay napapatiklop siya. It was not so like him! Hindi pa rin matanggap iyon ni Prince kaya pinapaigi niya pa rin ang pakikipaglapit kay LJ sa kabila ng lahat! His ego wouldn’t accept if Miguel would really end up being superior over him! Prince clicked his tongue in annoyance. “Huwag ka nang maraming tanong.” Wala na siyang narinig pa ulit sa katabi niya hanggang sa nakapasok na sila sa kanilang mansiyon. Sakto naman ay palabas noon si Aling Mytha na ina ni Miguel. May dala itong walis tingting at mukhang mag-uumpisa pa lang sa pang-umagang trabaho. “Oh, Junjun! Dito rin pala ang diretso mo? Sana nagsabay na lang tayo, anak.” Nakita siya nito bigla sa tabi ni Miguel. “Ay, magandang umaga po, senyorito.” “Good morning, Aling Mytha,” natatawa niyang sambit. Nagtama ang paningin nila ni Miguel at kaagad nabitin ang ngiti niya dahil sumama ang paningin nito sa kaniya. Sa malamang ay nabasa kaagad sa mukha niya kung bakit siya natatawa. Nagmaang-maangan na lamang si Prince at nagtungo sa kusina kung saan ay mag-aagahan sila. “Nay, sabi ko naman na huwag mo na akong tawaging Junjun.” Natawang muli si Prince at nakangisi pa rin nang batiin ang lolo at lola niya. He instantly went on his seat para makapag-agahan na at maliligo pa siya. “Magandang umaga po, senyor, senyora,” bati ni Miguel nang makasunod na sa kusina. “Ay, good morning, ijo. Nakapag-agahan ka na ba?” tanong ng lola niya sabay abot sa kaniya ng pinggan ng ulam. “Ah, opo. Tapos na po ako, senyora. Salamat.” Bumaling ito sa Lolo niya. “Ayos lang po ba na pumunta ako sa kwadra niyo ngayon habang naghihintay kay senyorito?” Prince saw his grandfather merrily smiled at Miguel. “Ofcourse, Miguel. You can go.” Tumango pa muna si Miguel sa mga matanda bago siya tinignan. Hindi ito binalingan ni Prince at nagkunwari na lamang na busy kumain. Tahimik itong umalis pagkatapos noon. “I really like that kid,” kumento ng lolo niya na hindi niya na lamang pinansin. Pagkatapos kumain ay agaran ang pag-ayos ni Prince sa kaniyang sarili. It was quarter to eight nang matapos siya sa paliligo at pagbibihis. Simpleng kasuotan lamang ulit ang sinuot niya at pupunta naman sila ngayon sa palaisdaan. Nagdala na rin siya ng extrang mga damit dahil naisip niya na baka mabasa siya sa pangingisda. “I’m going!” sigaw niya bilang paalam. Nagtungo siya sa kwadra kung saan sigurado niya ay naroon si Miguel. Kaagad niya itong nakita dahil hindi naman ito mahirap hanapin kahit pa sa dagat ng mga tao. There was something about the guy that always stood-out among the crowd. Prince’s mouth formed an ‘o’ nang makita itong topless habang tumutulong sa pagpapaligo ng mga kabayo. Prince crossed his arms and examined him. He must say that Miguel had a nice body. He was very well-built! Marahil ay sa araw-araw nitong pagtatrabaho. “Miguel.” Nakuha niya ang atensiyon ng lahat ng naroon kaya binati rin siya ng mga lalaki nilang katiwala. Sila naman ang tagabantay ng kanilang rancho. Prince could see that Miguel was also close with them. Hindi na siya magtataka kung lahat naman sa probinsiya ay kilala ito. He was a friendly and helpful guy. “Senyorito.” Lumapit ito sa kaniya habang nagpupunas ng pawis gamit ang isang puting tuwalya na nakasabit sa leeg nito. “Handa ka na?” Prince cleared his throat bago tumango. “Ayos lang na wala ka ngayon sa palayan?” “Ayos lang po iyon. Kayang-kaya nila kahit wala ako. Isa pa, alam po nila na sa akin ka pinagkatiwala sa pananatili mo rito.” Napasinghap si Prince sa narinig. Kaagad siyang umiwas ng tingin dito. It sounded like Miguel was babysitting him! “Okay, malayo ba ang palaisdaan dito, tol?” “Ah, senyorito.” Natigil siya sa paglalakad at kunot noo itong binalingan muli ng tingin. “Medyo malayo nga po kaya pinaalam ko kanina sa senyor na gagamitin natin ang kabayo ninyo. Marunong ka naman daw po.” Pakiramdam ni Prince ay nagliwanag ang mukha niya! Isa ito sa matagal na niyang gustong gawin sa pananatili sa hacienda. Horse back riding! Ngumisi si Prince at nakita niyang bahagyang humaba ang nguso ni Miguel dahil sa kaniyang reaksiyon. Pinalagatik niya ang kaniyang mga daliri at nauna nang lumapit sa mga kabayo. Medyo basa pa ang iba roon at ang ilan ay pinaliliguan pa. “Saan ang gagamitin natin dito? Basa pa sila, tol.” “Heto pong puti, senyorito,” ani Miguel. Nakita niyang hawak na nito ang tali ng isang kabayo na tuyong-tuyo na. Tumaas ang isa niyang kilay. “Isa lang?” He titled his head. “Heto pa lang po ang pwedeng sakiyan, senyorito,” sagot nito. “Ngunit kung nais mong tig-isa tayo, maghihintay po tayo. Ayos lang naman po siguro sa’yo na mangabayo kahit tirik na tirik na ang araw mamaya.” Pinadaan ni Prince ng dila ang gilid ng bibig niya bago inis na sumagot ng, “What?” Prince couldn’t believe what he heard. They would share a horse? No way!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD