KABANATA 9

1259 Words
Tumikhim si Prince para itago ang pagiging awkward niya sa atmospera. Marahan lang ang lakad ng kabayo kung saan siya ay sakay at kahit na pilitin niyang aliwin ang sarili sa daang tinatahak, napapabalik pa rin ang mga sulyap niya sa kaniyang tabi. He saw how Miguel once again wiped his own sweats away from his forehead. Hindi pa namaan ganoon katirik ang araw pero pawisan na ito dahil sa paglalakad. Sa kamay nito ay hawak nito ang lubid ng kabayo kung saan siya nakasakay. Napatikhim muli si Prince at medyo malakas na iyon. “Hindi ka na po ba kumportable, senyorito?” nag-iingat nitong tanong. Marahil ay nakahahalata na ito sa patikhim-tikhim niya. “I’m fine,” tipid niyang sagot. Nakita niya itong tumango at muli ay dumiretso ang tingin sa harap. Prince saw a sweat trickled down Miguel’s nose kung kaya napapikit siya nang mariin. Hindi niya alam kung bakit ginagapangan siya ng konsiyensiya. Nagprotesta kasi siya na ayaw niyang sumakay sila sa iisang kabayo kaya sumang-ayon ito na siya na lang ang sasakay at maglalakad na lamang ito. Prince was fine with that, not until now. Tila naaawa naman siya sa lagay nito. Naisip niya na sanay naman si Miguel sa arawan lalo na kapag nagtatrabaho sa palayan, pero medyo naiilang siya dahil siya kumportable sa kaniyang pwesto samantalang ito ay hirap. Napapilig si Prince sa kaniyang ulo. When did I become this kind? Napatanong siya sa kaniyang isip. He secretly grunted at tila hirap na sa pagsulyap sa kaniyang tabi. Kahit anong pigil niya kasi ay napapatingin pa rin siya roon. “Uh…” Umubo siya ng bahagya. “Ikaw ba, tol? Kaya mo pa ba riyan?” Nakita niya na mula sa nakakunot na noo dahil sa init, biglang umaliwalas ang mukha nito nang marinig ang tanong niya. Nang umangat ang sulok ng labi nito ay napamura si Prince sa kaniyang utak. Gusto niyang bawiin ang tanong niya dahil baka isipin naman nito na concern na siya at guilty. “Huwag niyo na po akong intindihin, senyorito. Ang importante po ay kumportable kayo,” anito pero para kay Prince ay nanunuya iyon! Prince lips went into a grim line. Nagising na naman yata ang pagiging mapagkompitensiya niya. Hindi niya maintindihan kung bakit sa lahat ng nakilala niya, si Miguel lang ang nakaparamdam sa kaniya ng halo-halong emosiyon. One second he was excited to piss the man, and then one second, he found himself the one getting pissed. It was annoying as hell at ayaw na ayaw niya talaga sa kaisipang matalo ng isang magsasaka lang na kagaya ni Miguel! “Baka lang naman hirap na hirap ka na riyan. Okay na sa aking sumampa ka,” nang-uuyam niya ulit na saad. Tumigil si Miguel sa paglalakad dahilan para mapatigil din ang kabayong sinasakyan niya. Tumingala ito sa kaniya, nakataas ang dalawang kilay na para bang hindi kaagad makapaniwala sa nasabi niya. Since Prince didn’t want to lose face, maangas niya rin itong tinignan pabalik. He saw how Miguel swiftly graced his tongue over his lower lip. Napasunod ang tingin ni Prince roon at bahagyang nagtagal. “Sigurado ka po, senyorito?” Miguel asked in a lower voice. Nalukot ang ilong ni Prince. He scoffed at Miguel na hindi niya alam kung bakit tila natutuwa na sa kaniya. Prince could clearly see his amusement at mas nainis siya roon! “I said it’s fine now, dude.” Umiwas si Prince ng tingin nang marinig niya ang mababaw nitong tawa. “Kung ayos lang po talaga sa inyo ay sasampa na ako,” anito. Prince cleared his throat for the last time at bahagyang umabante paharap nang sumampa na si Miguel sa kabayo. Kaagad niyang naamoy ang pamilyar nitong bango at hindi niya alam kung bakit bigla siyang tinubuan ng hiya! Ang sigang si Prince Justin Torrifiel ay nahiya! Hindi pa nakakatulong ang ayos nila. Dahil si Miguel ang may hawak ng lubid, para itong nakayakap sa kaniya. The man also got a bigger figure than him kaya para siyang naging tuta bigla sa harap nito. “Malayo pa ba ang palaisdaan, tol?” sinubukan niyang magsalita nang magsimula na ulit sila sa pag-alis. “Hmm…” Miguel hummed behind him at napakislot si Prince nang maramdaman niya ang bahagyang pagtalon ng kaniyang puso. “Medyo malapit na po, senyorito.” Dumiretso ang tingin ni Prince sa harap at napaawang ang mga labi. Nanlamig siya. Ramdam na ramdam niya ang mainit na hininga ni Miguel sa kaniyang batok nang magsalita ito! Hindi niya rin alam kung bakit pakiramdam niya ay nakatitig din ito sa kaniyang batok. Unti-unting napakunot ang kaniyang noo at inis na tinignan ang daan sa harap. “How was LJ –” Susubukan niya sanang ilihis ang usapan sa dalaga nang maramdaman niya ang pag-usog nito palapit sa kaniya. “What are you doing?” Ramdam na ramdam na ngayon ni Prince ang malapad nitong katawan sa kaniyang likod. Nakaramdam siya ng pagkaalinsangan at gusto niyang manapak. Napatingin siya sa paligid dahil baka may makakita sa weirdo nilang posisyon. Kung isa sana siyang maganda at mahinhin na dalaga na nakaupo ngayon sa harap ni Miguel ay ayos lang, but they were both frigging masculine men! How weird was that? At bakit tila siya lang ang apektadong-apektado? “Masyado kang malayo… sa akin,” namamaos nitong bulong malapit sa tenga niya kung kaya napasinghap siya at naitakip ng isa niyang kamay ang kaniyang tenga. “What the f**k!” Hindi na niya napigilan na lingunin ito sa likod niya ng masamang tingin. “Dude –” Ang akala ni Prince ay wala nang lalala pa sa pwesto nila pero mayroon pa rin pala. Ilang beses niyang tinanong sa kaniyang sarili if what was with this man that got his attention for the first time? Miguel’s foreign features? Sa tangkad nito dahilan para mangibabaw ito kaysa sa iba? The way Miguel would make him excited and do things just to piss him off? Bakit nga ba gusto niya itong inisin? Dahil ba sa kaseryosohan ng pares nitong mga mata at gusto niya iyong makitaan ng kakaibang kinang? But right now, Prince realized that all of that was far from the truth. It was the man’s overwhelming power. Ang kakaibang pwersa na meron ito na tila humihigop sa kaniya palapit dito. Kung totoo lang ang mga spells, baka naniwala na ngayon si Prince. At kagaya noong una pa lamang niya itong nakita sa dagat ng mga binata at dalaga, Prince was again tongue-tied. Si Miguel lang ang tanging nakapagpapatiklop sa kaniya ng ganito. Like in a snap, he could easily surrender. At iyon ang dahilan ng iritasiyon at excitement ni Prince sa binata. Unti-unti na iyong pumapasok sa sistema niya, hindi lang niya lubusan pang matanggap. Because Miguel was also a man! No! Hindi niya ito matatanggap! “Bakit nga ba palaging mukhang inis sa akin ang senyorito, hm?” nanghahamon ang pabulong nitong ani. There was a hint of bad news the way Miguel’s lips curled for a smile. Tila tuwang-tuwa ulit ito sa nagugulantang niyang mukha. Sino ba naman ang hindi kung sa pagbaling niya rito ay halos magdikit na ang tungki ng kanilang mga ilong? Kung ang normal na Prince ito ay sinapak na niya ang kaniyang kaharap at hindi niya ito pauuwiin hanggang sa hindi humupa ang inis niya. But when Miguel stared at his still parted lips at pumungay ang mga mata nito nang binalik ang mga titig sa gulat niya pa ring mga mata, Prince was once again left speechless.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD